Chapter Twenty-Five (Epilogue)

8.6K 173 18
                                    

"MOMMYYY SI KUYA OH!"

"Hahaha hoy wala akong ginagawa sayo ah!"

"Ano nanaman bang ginawa mo nyx sa kapatid mo?" Tanong ko

"Wala po yun mommy, Hi Mommy" lumapit sa akin si Nyx at humalik sa pisngi ko ganun din si Ashe.

"Mommy" lumapit naman si Zyra at humalik din sa akin.

Ilang taon na ba ang nakalipas? 11 years?

Si Ashe at Nyx eighteen years old na at parehong 3rd year college

Si Zyra Swain anak kong babae, 10 years old Grade Six

Si Sion Riven, 7 years old Grade Two

At Si Kayle Aurelion , 4 years old.

Lima sila. Dalawang babae, tatlong lalaki. Wala ano ahm masyadong masipag si Coby eh

Sa ilang taong nagdaan masaya naman kami, minsan sinusubok padin kami pero tiwala at pag-ibig ang naging pundasyon namin para sa matibay na samahan

Yung mana ko, nakuha ko lahat iyon dahil sabi ni attorney hindi daw legit yung sinabi ni daddy na kailangan kong pakasalan si Coby, ginawa lang daw ni daddy yun para hanapin ko si coby at magkabalikan kami kasi alam daw ni daddy na mahal na mahal ko padin si coby.

Kaya mahal na mahal ko yan si daddy eh!

Pagpasok ko sa loob ng mansion si Ashe nakaupo sa sofa habang kumakain, Si Nyx sinusubuan si Kayle nang pagkain, Si Zyra naggagawa nang assignment, Si Sion nanunuod

"Diba ngayon magpapakuha tayo ng family picture?" Saad ko sakanila.

"Ay oo nga pala" sabi ni Ashe at tumayo na

"Nyx paliguan mo na si Kayle"

"Yes mom" binuhat ni Nyx si Kayle at pumasok na sa kwarto niya

"Zyra, Sion maligo na"

"Opo mommy" tumayo na silang lahat at nagkanya kaniya ng pasok sa kwarto nila

Ako naman niligpit ko ang kalat nila at binigay sa katulong para ayusin.

Umakyat na din ako sa kwarto namin ni coby at naligo, nagbihis at nag-ayos pagkatapos bumaba na ako at naabutan ko sila na naghihintay kaya sumakay na kami sa kotse at pumunta sa studio

"Daddy!" Lumapit ang mga bata kay coby na ngayon ay nakikipagusap sa isang lalaki

"Babies" humalik naman sila isa isa kay coby maliban kay nyx

"Hi mommy" lumapit si coby at hinalikan ako sa lips.

"Tara na po, Mr. Wyatt" saad ng lalaking may hawak na dslr

Pumunta na kami sa harap at nagpicture taking, para sa family picture namin.

Tatlong pose lang ang ginawa namin, then tapos na.

"Balik na lang po kayo dito Mr. Wyatt after three days"

"Sure" inabot na ni coby ang bayad at lumabas na kami

Dapat kasi sa mamahaling family photographer kami magpapakuha kaso naisip namin na minsan maiba naman kaya kami ang pumunta sa mall at nagpakuha ng family picture. Masaya din naman pala

"Saan tayo ngayon?" Tanong ni Coby

"Sa department store!" Sabay na saad ni Ashe at zyra.

"Hay nako" sabay naman na sabi ni Nyx at Sion Hahaha

Pumunta na kami sa department store, kaniya kaniya naman sila ng alis at nagsipunta sa section na gusto nila

Sinundan ko naman sila Sion at Nyx habang hawak ko sa isang kamay si Kayle

Pagdating namin doon nakita ko na may isang saleslady na buntot ng buntot kay Nyx, napataas naman ang kilay ko aba ang anak ko lakas sa chix hahaha

"Hi sir, ano pong size?" Tanong nung babae, hindi naman sumagot si Nyx at patuloy lang sa pagkalkal ng damit sa rack

"Sir" lumapit pa lalo ang saleslady at nagulat ako ng may lumapit na isang babae kay Nyx

"Excuse me lang ha? Ate ------ ano name mo? Hmmm ----  Eina Ruby Pracer F.Y.I Taken na po itong lalaking nililingkis mo" saad ng babae

"Tiffany?" Gulat na tanong ni Nyx

"S-sorry ma'am sinasamahan ko lang naman si sir" saad numg saleslady

"Hindi ka niya need, chupi!" Umalis naman ang saleslady at yumakap yung babae kay Nyx

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni nyx

"Babe naman"

"Anong babe? Eew kaklase lang kita pero hindi kita syota, alis!" Pinagpag ni Nyx ang kamay niya at hinila niya si Sion paalis

Napatawa naman ako sa inasal ni Nyx parang si Coby lang. Hahaha

Nagulat naman ako ng hilain ni Kayle ang kamay ko

"Mommy" tinuro ni kayle ang isang laruan kaya kinuha ko ito at pinahawak sakaniya

Mga ilang oras din kaming nag ikot sa department store at pagkatapos kumain kami sa Mcdonalds

Kahit na may kaya kami sa buhay, hindi naman kami katulad ng iba na puro trabaho, lagi namin sinisigurado na may oras kami sa aming pamilya, Oras para mapanatili ang matatag na relasyon sa aming mga anak

Pagkatapos namin kumain, pumunta kami sa pinaka malapit na park para hayaan ang mga bata na maglaro, nang mag alas otso na umuwi na kami at sabay sabay kumain ng hapunan.

Ganito ang buhay namin, simple, masaya at puno ng pagmamahal

Pagkatapos kumain naligo na sila at ready na matulog kaya pumasok na kami sa kwarto naming mag-asawa, nang maka-higa na kami bumukas ang pinto at nandoon silang lima

"Good night mommy and daddy, I love you" they all said in chorus

"Goodnight babies i love you too" saad namin, umalis naman na sila at nagtungo sa kwarto nila pero natira si kayle na nakatayo sa pinto

"Yes baby?" Tanong ko

"Can i sleep with you?" Nahihiya niyang tanong

"Sure" lumapit siya at pinahiga namin sa gitna.

"I love you mommy and daddy" he said at humikab at kinusot ang mata

"I love you too son" saad ni coby, at hinalikan sa pisngi si Kayle. Hinalikan ko din naman siya sa pisngi.

Tumingin sa akin si coby at ngumiti

"I Iove you, Mrs. Wyatt" he said

"I love you too, Mr. Wyatt"

"Forever and always" we said and smile

Ang buhay ay hindi palaging masaya, mahirap ka or mayaman walang exemption pagdating sa pagsubok ang kailangan lang para malagpasan ito ay tiwala, lakas ng loob at pag-ibig

At napatunayan ko na ito,  marami mang nangyari sa amin na pagsubok through ups and downs sinubok na kami pero heto kami at nanatiling matatag.

I will love him, Forever and Always.

-END-
-------
A/N: Salamat sa mga sumuporta! Kinilig, umiyak at nagalit. Maraming salamat!

May story po si nyx, posted na sa profile ko. "Owned by the baddest bidder" ang title.

Visit my other stories too. ❤

Forever And AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon