Chapter Twenty-Two

4.8K 90 0
                                    

LISSANDRA'S P.O.V

Two days to go birthday na ng kambal, Naibalik ko na ang kumpanya kay Coby

Nakuha ko na ang kumpanya ng Madrigal, pero ibinenta ko din dahil wala nang saysay. Pagkatapos ng engkwentro namin ni Valentine hindi na sila muling nagpakita, sinabi din sa akin ni carla na ang huling nalaman niya ay nagbabalak nang magtago papuntang ibang bansa ang mag-ama

Natuwa ako dahil hindi na sila magpapakita pang muli, pero hindi padin ako nagpapakampante.

Alam kong halang ang kaluluwa ni Antonio.

Nandito ako sa pavillion ng village namin at tumutulong sa pag-aayos para sa ika pitong kaarawan ng kambal.

Kahit naman busy ako hindi ko sila kinalimutan, in fact kaya nga ako nagpaka busy para matapos na ang tungkol sa madrigal dahil ayoko na magkaroon ng pangit na kaarawan ang kambal dahil sakanila

"Paki ayos yung mga balloons ha?" Saad ko, sa isang babae

"BESYYY!" Napalingon ako sa sumigaw at nakita ko si Rikki na papalapit sa akin at nasa likuran niya ay si Vayne.

"Rikki, Vayne"

"Kamusta bessy? Busyng busy ah?"

"Oo nga eh, kayo? Kamusta? Mukhang nagkakamabutihan kayo ulit ah?"

"Enebe" saad ni rikki at nag flip hair pa ang loka.

"Okay ka na ngayon?" Tanong ni Vayne.

"Oo salamat" sabi ko at ngumiti

Tumulong na din sila rikki at vayne sa pag aayos kahit na madami akong hinire na mag aayos or magoorganize ng party gusto ko padin tumulong

Mag-alas nwebe na ng matapos kami kaya nagsi kaniya kaniya kami ng uwi.

Pagdating ko ng bahay tahimik na, tulog na ata ang kambal at si Coby.

Naligo lang ako at natulog sa guest room, nandoon kasi si Coby sa kwarto namin. Ewan ko nagtatampo kasi ako eh

Alam ko na para sa akin kaya niya nagawang ilihim ang bagay na iyon, pero sana naisip niya na kaya ko siyang tulungan.

Habang nakahiga ako hindi ko namalayan na nakatulog na ako dahil sa sobrang pagod

----

"Good morning mommy" nang magising ako ang nakangiting mukha agad ni ashe ang nakita ko

"Good morning baby" i said at kiniss siya sa cheeks

"I miss you" she said at niyakap ako.

"I miss you too, where's kuya?"

"I'm here mommy" nakita ko naman si Nyx na nakatayo sa may pinto at hindi lumalapit.

"Come here baby" lumapit naman siya at umupo sa tabi ko

"Kuya is sad" ashe said.

"Why?"

"He said you don't love us anymore"

"What? No, i love you so much babies"

"But you're always busy, i think you even forgot us"

"Of course not, i'm sorry baby. From now on hindi na ako magpapaka busy okay?" Tumango naman si Nyx at niyakap ko silang dalawa

Tumayo naman kami at pinaligo ko na ang mga bata ako naman naligo na din, paglabas ko ng CR naabutan ko si Coby na nakupo sa kama

Forever And AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon