;02;

39 6 8
                                    


Lohee's pov

Park

" ang tagal naman nun "kanina pa ako dito sa park at inaantay si Soonyoung na dumating. Mga 30 minutes na din ata akong nakaupo dito sa may duyan.

" lohee... " napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Soonyoung na papalapit sa pwesto ko. Syempre,nakasuot sya ng mask at cap para walang makahalata sa kanya. Hindi ba't mas kahina-hinala yun?

Naramdaman ko naman na umupo siya sa kabilang swing at yumuko.

" ano yung sasabihin mo,Soon? " tanong ko dito. Seryoso siya at may kutob ako na hindi maganda ang lalabas sa bibig niya. Sana nagkakamali lang ako

" let's stop seeing each other. " doon na tuluyang gumuho ang mundo ko.

" hindi naman tayo nagd-date so what's the purpose of seeing each other,right? " si Soonyoung ba talaga to? Bakit ang harsh nya naman sakin. For the first time...

" tell me that this is just a joke,Soon. Hindi nakakatuwa " seryosong sambit ko dito

Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko

" It's not a joke,Lohee. Let's stop this--no. Let's end this. Walang patutunguhan to. Ikaw na ang nagsabi sakin dati na ayaw mong mabuhay sa magulong buhay na meron ako. Then let's stop this scene. " no Soonyoung no.

Please,wag ka namang ganito.

Hindi ko napansin na isa isang tumulo na pala ang mga luha na nag-ipon kanina sa mga mata ko.

" pero mahal kita Soonyoung... " nakita ko ang tilang pagkabigla sa mata nya.

" please Lohee wag. " tinataboy ba niya ako?

" bakit? Pero diba mahal mo din ako,Soonyoung? Sinabi mo yun? Hindi mo ba naaalala? " wala na akong pake kung patuloy sa pag agos ang mga luha sa mata ko. Wala na akong pake kung makita niya yung mahinang ako. Ang mahalaga mapigil ko siya sa desisyon niya dahil masakit. Sobrang sakit.

" mahal din kita Lohee...noon. " doon na ako tuluyang napatigil. Nagsisinungaling lang siya diba? Wala ni isang salita ang lumabas sa mga bibig ko. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga patuloy na agos ng luha sa mga mata ko. Mula sa peripheral vision ko...nakita ko siya.

Umalis na palayo sakin.

For this time again, He left me.
He chose his career over me.
Between those two, Career or me?
I know the answer
Because he chose what hurts me.
—•—
oiueyah

lens ; k.sy 【 on-hold 】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon