;04;

35 5 1
                                    


Lohee's

Ilang araw na din ang lumipas pagkatapos noong Asia Song Festival. Narinig ko na yaong ibang Fansites ay nagclose muna kaya heto ako nagdadalawang isip kung icclose ko ba muna itong Fansite ko.

May isa pa akong naalala,si Azelie. Pagkatapos noon ay nahagilap ko siya sa crowd at doon ko napagtanto na siya nga talaga yaong Fansite sa may bandang harapan. Gusto ko siyang makausap at gusto kong bumalik ang dating kami. O baka hindi na dahil galit parin talaga siya sakin?

Ang babaw ng pinag-awayan namin ayun ang nasa isip niya pero may malalim akong dahilan non. Hindi ko alam na seseryosohin niya pala ayun. Akala niya pa na inis talaga ako sa kanya dahil kapag may time na naglalandas kami ay nahuhuli niya akong iritado.

Napabuntong hininga nalang ako sa pag-iisip. Kailangan ko siyang makausap. Dinial ko ang number ni Casi (MildxWild) at baka mapakiusapan niya si Azelie.

[ oh Lohee,napatawag ka? ] sagot niya sa tawag ko.

" may utang ka sakin. " ganto talaga kami. Hindi uso mangamusta muna. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa mula sa kabilang linya

[ yeahyeah i know. Babayaran ko na ba? ] sarcastic na sagot niya sa kabilang linya. Iba talaga tong babaeng to.

" Yes. I want you to do me a favor. "

[ what is it? ]

" pede bang pakiusapan mo si Azelie? " narinig ko naman ang tilang pagtigil niya sa kabilang linya. Iniimagine ko na ang reaksyon niyang gulat.

[ para saan naman yan Lohee? Baka magkarambulan lang kayo. ] halata sa boses niya ang pagiging kabado. Para namang magsusuntukan kami ni Azelie ah.

" basta. At hindi kami magsusuntukan dun promise. Just... please? " pagmamakaawa ko rito at narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito

[ okay sige. Sasabihin ko yan sa kanya. Bayad na ako sa utang ko ha! Pano ba yan bye na ] natatawang umoo nalang ako sa kanya. Iba nga talaga tong babaeng to.

Azelie... let's end this barrier between us and start a new beginning again.

Because of love,
A relationship ended
A relationship that even love can't give to you. Friendship.

—•—

oiueyah

Sabaw siya guys HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA sorry na HAHAHAHAHAHAHAHHA

lens ; k.sy 【 on-hold 】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon