;09;

40 2 1
                                    


Lohee's
Hotel

Nakakapagod ang byahe namin. Halos lahat ay pagod kaya noong dumating kami dito sa hotel ay para silang zombie. Buti nalang talaga at tinulungan kami ng staffs para sa iba pang bagahe. Maganda ang hotel na napili ng kasama ko, pati na din ang kwarto na tinutuluyan namin ngayon.

" Rowan hoy " tawag ko kay Rowan at nagbabaka sakaling magising ito. Ewan ko ba sa babaeng ito, pagkarating palang namin dito sa kwarto ay humilata na. Nakalimutan man lang mag linis ng katawan.

" Rowan gising hoy " sinubukan kong yugyugin si Rowan para magising pero mukhang pagod na pagod ata eto. Sa huli ay sumuko nalang ako at naisipang lumabas na muna. Gusto ko munang magpahangin at tignan ang view sa labas.

Natatakpan ng mga liwanag na nagmumula sa mga gusali at kotse ang kadiliman ng gabi. Malamig din ang simoy ng hangin na humahaplos sa aking balat. Kasabay ng pag-iisip sa mga nangyari at mangyayari pa lang.

Bakit kaya naging ganon si Soonyoung? Ano ginawa ko? May mali ba samin? Bakit niya ako tinutulak palayo? Ang daming katanungang gusto kong masagot ng isang tao... siya.

Ayaw ko sa ganito. Naging ganito na nga kami noon,magiging ganito pa kami ngayon. Kung noon nakalimutan niya ako, ngayon namang tanda niya ako pilit niya naman akong kinakalimutan.

" nakakalito ka, Soonyoung. Sakit mo sa ulo at puso. " napabuntong hininga nalang ako at tsaka sinilayan ang kapaligiran nang tumunog yung cellphone ko hudyat na may tumawag. Tinignan ko kung sino ang caller ng cellphone at nakita ang pangalan ni Winona sa screen.

[ oh gaga asan ka?! ]

" nagpapahangin lang "

[ sana matangay ka ]

" baliw "

[ baka naman may gawin kang kalokohan jan ha ]

" wala. Wala pa naman siya "

[ ano hindi kita maintindihan?! ]

" ganda mo sabi ko. "

[ oh sige thanks sige bye na. Take your time na pala hihihi ]

magsasalita pa sana ako ng may marinig ako na tunog. Aba ang gaga pinatay ang tawag. Sasabihin ko sanang joke lang.

" mabuti pa at pumasok na ako sa loob "

It's hard to let go of someone who heal your wounds even though they are the one who made it.

---

may errors ata sa grammar. Lutang mga bes

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

lens ; k.sy 【 on-hold 】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon