Lohee'sNaayos na namin ang mga dapat pang maayos at ilang araw nalang ay pupunta na kaming hongkong. Nakahanda na rin yung maleta namin na naglalaman ng mga gamit namin at mga merchs syempre pati na rin ang mga damit. Sinabi nila Rowan na dito na muna sila mamalagi para wala nang intayan sa airport kapag larga na. Doon daw kami sa kwarto ko,hindi ko nga alam kung san sila matutulog dun psh.
" ano gusto nyo makakain? " gabi na at pagkatapos bukas ay araw na ng pag-alis namin. Ilang oras nalang ang natitira ko sa Seoul. Joke lang
" matulog nalang kayo hay nako " sabi ko kay Winona na naga-aya.
" to naman kj. Edi wag ka kumain kung ayaw ko simple as that. " pagsingit naman ni Rowan sa usapan bago ako hampasin ng unan.
" tangina neto. Oo na so ano kakainin? " wala naman akong magagawa. Kahit sundin ko yung sinabi ni Rowan ay gigisingin parin nila ako at papakainin. Gosh
" snacks. Kaming tatlo nalang nila Pia at Winona ang bibili. " pagvolunteer ni Gayoon kaso may isang nagmamaktol.
" ayoko. Bakit ako kasama dyan? Paano kapag may munu sa labas? Edi magtatakbuhan tayo tapos iiwan nyo ko kasi mabagal ako tumakbo " Pia. Hindi ko ba alam kung nasa tama pa itong pag-iisip pero mukhang wala.
" booo. Dalhin nyo na yan shooo hilahin nyo. " si Rowan naman.
Tumayo si Winona at Gayoon sabay hinila yung magkabilaang kamay ni Pia hanggang sa makalabas na sila sa kwarto at makalabas na sa eksena dito.
" nakausap ko si Azelie. " nagulat ako sa sinabi ni Rowan. Palagi nalang ba niya ako gugulatin?
" ano?! "
" syempre joke lang to naman hehehe " itong si Rowan gosh. Parang pareha sila ni Jae. Yung bestfriend naman ni Azelie. Ewan ko nga kung magkambal to. Parehas maalam
" nakausap ko yung bestfriend ni Aze. " pag-iiba ko naman
" yung Jaehee? Oh ano meron kay Jaehee? "
" hindi mo ba nakita sa messages sa twitter? "
" haler! Ikaw kaya nakatoka sa mga dm dun. " saad niya naman tsaka nagkunwaring nagrolled eyes. Failed ka oy
" tinatanong niya lang naman kung kailan ko kakausapin si Aze... " hindi ko natapos sasabihin oo dahil kay Rowan
" ano sabi mo? " tanong niya
" sa mismong MAMA sabi ko. Sinabi ko na din yung tungkol kay Mingyu--- " hindi ko na naman natapos sasabihin ko dahil sa kanya
" kay Mingyu na ano? Ano ba yan Lohee wag kang pabitin! " siya pa tong nagreklamo ha
" eh gaga ka pala eh! Kita mong nagk kwento pa ako dito singit ka dyan ng singit?! Ano ka singit ha?! " sigaw ko dito at napakamot nalang sya sa batok niya sabay sabing ituloy ko na daw
" sabi ko na parang kilala ni Mingyu si Aze. Pero kilala naman talaga "
" oo nga kilala nya nga "
" alam mo buong storya? "
" hindi. " tignan mo to kung makasangayon akala mo alam na alam.
hindi ko naman sya pinansin at agad naman syang nagtanong
" hindi ba siya nagtaka na bakit alam mo? " usisa niya.
" nagtaka pero sabi ko feeling ko lang yun. "
Tumango tango nalang si Rowan bago binuksan ang twitter at nagscroll down muna doon. Ganoon na din ginawa ko habang inaantay sina Pia na makabalik.
Soonyoung,
We just keep missing each other.
Maybe, we're just not meant to be.
—•—Credits dun sa quote HAHAHAHA nakita ko lang. Ang lame ko magupdate at ang late huhuhu
Happy 2017 guys!! YEHEY
BINABASA MO ANG
lens ; k.sy 【 on-hold 】
Short StoryHe doesn't want me anymore but I decided to stay. This time, it's not for him but for his fans who are waiting the best capture of him. narrative • book 2 • read the captured first.