;08;

46 6 1
                                    


Lohee's

Departure

Ngayon na ang alis namin papuntang Hongkong. Inihanda na namin kagabi yung mga dadalhin namin at nasa sala na kaso itong mga babaeng andito sa apartment ko ay mga tulog mantika pa.
Nakaligo na ako lahat lahat hindi padin sila magigising.

" ANAK NG TINUPAAA!!! MAAAYYY SUNOOGGG!!! " lahat sila ay nagsitayuan at gulong gulong tumitingin tingin sa paligid.

" ASAN SUNOG?! " rowan

" WIWOWIWOWIWO " pia

" Let's stay calm guys. " Winona

" ANO NA MANGYAYARI SATIN HUHU " Gayoon

Paano ko nga ba sila nakilala ulit?

" mga hinayupak! Walang sunog!! Magsiligo na kayo! Aalis na tayo bilis! Time is gold!!! " pag-sigaw ko sa kanila at hinatak sila isa isa. Tamad na tamad pa silang lumabas sa kwarto bago mag-ayos.

Inayos ko ang mga hinigaan nila at iniligpit nang biglang tumunog ang phone ko.

From: Soonyoung
6:45 am
Lohee. Pupunta ka ba sa MAMA?

Napakunot noo naman ako sa text nya. After 1234567890 years nagparamdam ulit sya pero bakit niya tinatanong iyon?

To: Soonyoung
6:47 am
Oo. Hayaan mo,hindi naman kita lalapitan dun. :)

Reply ko dito at nagligpit na ulit. Pagkatapos ko magligpit ay tumunog ulit ang phone ko.

From: Soonyoung
6:57 am
Naninigurado lang ako at baka gumawa ka pa ng gulo.

Nainis ako sa text niya ewan ko ba. Mukha ba akong gumagawa ng gulo? Ano ba tong mga pinagsasasabi ni Soonyoung? Parang hindi niya ako kilala ah.

Hindi ko nalang sya nireplyan at bumaba na para kumain habang inaantay ang mga kasama ko na matapos sa pagaayos.


Mabilis kumilos ang lahat kaya nakasakay kami sa taxi at nakapunta sa airport matapos ang isang oras.

" yehey this is it!! " tuwang tuwa sabi ni Rowan habang papasok sa airport. Tignan mo to,late na nga kami tapos nagagawa pa nyang magsisigaw sigaw dyan.

" magpaano na tayo at baka maiwan pa tayo ng eroplano. " aya ko sa kanila

" ano? " gayoon

" yung ano? " rowan

" oo ano nga? " pia

" mga hinayupak! " agad silang nagsitakbo papunta sa loob at iniwan ako. Mga baliw talaga sila!

" tara na. Check in na " aya ni Winona. Andito pa pala sya buti naman at may matino pa. Binuhat na namin ang mga bagahe bago tuluyang pumasok sa airport.

I am going to see you again.
I am going to capture your movements again.
I am going to see your smile again.
And my heart, will fall for you all over again.
—•—

Sabaw ang update HAHAHAHAHA oki yehey

lens ; k.sy 【 on-hold 】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon