We all know everybody has a guardian angel. But let us stop for a minute and ask ourselves, does an angel guard a devil?
"I'm always tired....but never of you"
---
All Rights Reserved. PLAGIARISM IS A CRIME.
xx not edited xx
--Trilogy--
Book 1: Fal...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
^Angel^
---
"Avalavinci industus lokrassas!" ('Wag nyo i-google translate, imbento ko lang 'yan)
Unti-unting umilaw yung paligid ko at bigla nalang akong nawala sa mundo namin.
Nanlalaki ang mga mata kong inilibot ang mga mata ko sa kung nasaan ako ngayon.
Garden of Eden
Tiningnan ko ang sarili ko. Nakasuot ako ng blusang puti at may pakpak akong kulay asul at ube (luntian? Idk?) na pakpak sa aking likuran.
Paano ako napunta dito?
Sinapo ko ang ulo ko dahil bigla itong kumirot. Unti-unti kong naalala ang mga nangyari.
Tiningnan ko ang langit. Linagay ko ang dalawang kamay ko sa gilid ng aking mga labi at sumigaw, "Anong gagawin ko dito?! Bakit nyo ko hinulog? Nagpakabait naman ako sa langit ahh?!"
Nakasimangot akong umupo sa sanga ng puno. Ikinumpas ko ang mga kamay ko at may lumabas ditong asul na mahika.
May kapangyarihan parin pala ako dito sa lupa.
Napasigaw ako nang may mahulog sa ulo ko dahilan upang mahulog din ako sa sanga.
Hinimas-himas ko ang mga tuhod ko ngunit napatigil ako nang may mahagip na kakaiba ang aking mga mata.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Isang librong nababalutan ng berdeng aura.
Berde? Hindi ko 'yon kulay ah. Baka nagkamali lang ng hulog ito.
Ngumit syempre ay hindi magpapatalo ang aking kuryosidad. Pinulot ko ang librong ito at umupo sa may damuhan.
Pinagpag ko ang pabalat ng librong ito ngunit napabitaw ako rito nang nagpalit ito ng kulay itim sa tuwing hahawakan ko ito.
Itim naman? Sabi nang hindi ko ito kulay eh.
Pinagpag ko parin ang pabalat nito at unti-unting binuksan ito.
Sa una ay walang laman ang bawat pahina ngunit habang tumatagal ay nakikita ko na kung anong gustong ipahiwatig nito.
Nakita ko ang isang anghel na may kasamang mortal sa pahinang inilipat ko. Alam ko ang ibig sabihin nito.
Agad kong binitawan ang librong hawak ko at nagpagulong-gulong sa may damuhan.
"Ahhhh!! Bakit ito pa ang naatasan sakeeeen? Iba nalang pleees! Huhubells"
Ngunit sa gitna ng pagtatantrums ko ay may narinig akong ingay na hindi ko alam kung saan galing, "Sssssssss..."
Kumunot ang mga noo ko sa narinig ko. Sigurado akong ahas ito o di kaya baka si bes. Dejk.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid ngunit napatigil ako nang may mahagip ang mga mata ko. Tama nga ako, isa itong ahas.
Napalunok ako nang unti-unti syang lumapit sakin dahilan upang makita ko ang mga paa nito.
Kilala ko sya. Hindi ako ignorante.
Unti-unti akong umatras patungo sa kinaroroonan ng librong nabitawan ko kanina. Kinuha ko ito at dali-daling iniharang ito sa aking mukha.
"'Wag kang lalapit sa'kin!", pasigaw kong sabi sa ahas.
Nang maramdaman ko na ito sa may paanan ko ay nagmamadaling tumayo na ako at kumaripas na ng takbo. Hindi ako makalipad dulot ng aking pagmamadali at sobra-sobrang kaba. Wala akong pakealam kung saan pa man ako mapadpad. Ang importante ay malayo ako sa kapahamakan.
Nakarating ako sa may bundok sa kakatakbo ko. Syempre hingal na hingal ako. Naghanap ako ng maiinuman at buti nalang may ilog sa tabi ko.
Lumapit ako rito at umupo sa tabi nito. Linapag ko ang libro sa kanan ko at nagsimulang sumalok na ng tubig. Ininom ko ito ng walang pagaalinlangan.
Habang umiinom ako ay biglang lumakas ang ihip ng hangin. Ipinagka-walang bahala ko na lamang ito at itinuloy ang aking pag-inom.
Ngunit ay talagang ikinainis ko ang sunod na nangyari. Nahulog ang libro sa ilog.
Napatigil ako sa pag-iinom,"Hala! Paano na 'yan?". Nagsimula na akong maghisterikal sa nangyari.
Lagot ako nito. 'Yun lang ang makakapagturo sa kung anong kailangan kong gawin dito sa lupa!
Sinubukan kong gamitin ang mahika ngunit hindi ito umeepekto dahil wala akong masyadong enerhiya dulot ng aking pagtakbo.
Nag-isip ako, sisisid ba ako o hindi?
Pero kapag hindi ko nakuha 'yun paano na nyan ako dito sa lupa? Napatango na lamang ako sa aking naisip.
"Tama. Kukunin ko ang librong iyon", bumuntong-hininga muna ako bago tumalon sa ilog.
Hindi naman ganoon kalalim ang ilog kaya agad kong nakuha iyon. Pagkaahon ko mula sa ilog ay agad kong binuklat ang librong 'yon para tingnan kung nandun parin ang litrato ngunit may nagpatigil sa'kin upang gawin 'yon.