Chapter 1

1.1K 26 0
                                    


 Shanelle P.O.V

 Andito ako ngayon sa classroom, pagkatapos ng pagkikita namin ni Shawn kanina ay dumiretso ako agad dito sabi niya susunod daw siya pero may gagawin muna daw sila ng barkada niya.Parang nahuhulaan ko na kung ano iyon!!

 "Oh! Hi Shanelle, hindi ko alam na nagtratrabaho ka pala ." nakangising sabi sa akin ni Irene habang nakatayo sa harapan ko.Sanay na yata akong pagtripan ng isang to! Yumuko lang ako para kunwaring hindi nakikinig

 "Duhh. Akala mo kung sino!!" naasar nitong sabi bago umalis sa harap ko. Duh!!! Akala mo naman maganda. Che! Sumama na kaya ako sa gang ni Shawn para naman matuto akong lumaban nakakaasar na talaga yung mga taong mapanglait!!! Saksakin ko siya ng ballpen eh! Nagbuntong hininga nalang ako bago isipin ang mga gagawin ko. Pero hindi pa ako nakapag-isip ng biglang nagtilian ang mga tao sa loob ng room 

"MyGosh ang gwapo talaga ni Kent" kinikilig na sabi ng nasa likuran ko habang yung iba naman ay pinagkakaguluhan ang papasok na sila Shaw, Kent, Stanley at Bryan. Napakunot ang noo ko ng mapansin ang pasa sa gilid ng labi nito, ng mapansin niya ang titig ko ay napalunok ito at tinignan ako ng *later baby i'll explain* look. Napailing nalang ako habang iniwas ang tingin sa kaniya. Jusko kahit may pasa siya ang gwapo niya talaga! Shems . Ang landi mo Shanelle ! Kailan ka pa natutong lumandi huh!! Simula ng pasabugin ng bataan... Bigla naman akong namula sa pumapasok sa isip ko. Jusko Lord patawarij niyo ako! Nahawaan lang po... Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang umupo sa tabi ko si Shawn , kalma lang Shanelle yung puso mo lalabas na!! 

"Baby" bulong nito huminga muna ako bago siya sagutin.

"A...Anong nangyari dyan sa labi mo?" kunwaring seryoso kung sabi.

"A...Ah hehe Kasi ano Baby hmm naglaro kami ng basketball tapos ano hmm nasiko ako ni Kent tama na siko niya ako!" tuloy tuloy nitong sabi kaya tinignan ko na siya. Seriously? Anong tingin niya sa siko ni Kent may bakal para magkapasan ng ganyan yung labi niya.Halata ding kinakabahan siya sa pagtitig ko sa kaniya "Okay! Eto na. Huwag mo akong titigan ng ganiyan baby, ang intense eh?" pilyo nitong sabi kung wala lang tao dito ay sinapak ko na to . 

"Shawn!" seryoso kung tawag dito pero mahina lang ayaw kung pagtinginan kami 

"M...May nakaaway lang kami jan sa tabi-tabi. Eh pinagtripan nila si Stanley kaya napasubo na din kami. Sorry na!" pagaamin nito kaya napabuntong-hininga na lang ako. Minsan gusto ko na siyang patigilin sa ginagawa niya pero ayaw ko namang maging hadlang sa kinalakihan niya. Pasekreto niya namang hinawakan ang kamay kobsa ilalim ng lamesa aya napatingin ulit ako sa kaniya .

"Sorry na. Ayaw ko lang namang mag-alala ka.Sorry na please bati na tayo. I love you!" paglalambing nito kaya napairap ako sa kaniya. Bakit ba kasi kunting lambinv lang ay bumibigay ka kaagad Shanelle. Shemay naman ako. 

"Oo na! Nag-aalala lang naman ako eh hindi mo maiaalis sa akin yan. Paanonpag ako ang nakitaan mo ng pasa hindi ka ba mag-aalala?" paghahamon ko sa kaniya bigla namang sumeryoso ang tingin niya sa akin.

 "Don't say that! Hindi ko hahayaang may manakit sayo. Pag may nakita akong pasa sa labi mo gagawin ko ang lahat makilala lang kung sini ang gumawa .Baka mapatay ko siya. Baby hindi kita papabayaan okay !" Paninigurado nito kaya napangiti naman ako.

 "Ang habang ng sinabi mo! Pero okay lang! Ang mahalaga kinikilig ako!" nakangiti kung sabi sa kaniya... 

Ang landi ko shet!!  


Secretly In A Relationship With The Gangster (Short-story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon