Chapter 16

585 14 1
                                    


  Shanelle P.O.V

"Ma'am ito na pala yung report na hinihingi niyo!" magalang na sabi ng secretary ko. Nginitian ko naman siya at tumango "Salamat.!" ngumiti lang ito sa akin bago umalis.Tinignan ko naman ang report na hinihingi ko. Napangiti ako ng makitang malali ang kinita ko sa buwang ito.May maliit akong negosyo ngayon isang clothing line sa quezon city.

Pagkatapos ko kasing grumaduate noon ay nagtrabaho kaagad ako sa isang sikat na kompanga at nakapag-ipon so ito na nga.Akala ko noong una ay mababaon ako sa utang at hindi ko makakaya pero think positive lang. Maayos naman ang naging buhay ko nawalan man ako ng dalawang taong mahagala sa buhay ko ay natanggap ko na thought pag naiisip ko ay hindi ko pa rin mapigilan ang mapaiyak. Yes, dalawa si Shawn at ang Anghel namin sa sobrang depress ko noon ay hindi ko man lang nalaman na buntis na pala ako. Three months ko ng malaman ko iyon. Masakit isipin ang nakaraan pero paano ka makakalimot kung paulit ulit mo itong babalikan.

There's no use of turning back if it already happened. Pinilig ko ang ulo ko at sinandal sa upuan. Lately kasi ay masyado na akong busy lalo na ngayon at may bago akong kliyente . Napamulat ako ng mata ng marinig kung tumutunog ang cellphone ko napangiti naman ako ng makita ang pangalan ni Stanley.  Agad ko naman itong sinagot

"Hello!" 

"Hey. Uuwi kami this weekened.Kita tayo don't worry libre ko alam ko namang kuripot ka!" natawa nalang ako sa sinabi niya. 

"Grabe ka naman sa akin. Anyways sige pupunta ako.Ikamusta mo nalang ako kay Jean!" masaya kung sabi dito 'Beb, narinig ko yung pangalan ko si Shan ba yan?' rinig kung sabi ni Jean. Yes ang dalawang ito ay magkarelasyon hindi ko nga alam kung paano nangyari iyon.Narinig ko naman tumawa si Stan. "Shan Ibaba ba ko na. Ingat ka dyan. And yung wish mo hindi ko pa nagagawa haha. Ang hirap sumingit sa mga fans eh.!" napasimangot naman ako sa sinabi niya.

"Tsk. Tamad ka lang sha sige mag-ingat din kayo dyan.!" nakangitu kung sabi dito bago ibaba ang telepono, bumukas naman ang pintuan "Maam yung kliyente po natin ay tumawag mamayang 3 pm.!" Tumango naman ako sa sinabi niya. Bigtime daw itong kliyente namin. Magpapagawa ng suit para sa pagbabalik nito i still dont know kung sino ito pero i'm excited dahil gusto ko ring magpasalamat sa kaniya for choosing my botique. Tumayo na ako sa pagkakaupo at niligpit na ang mga gamit ko may dadaanan pa kasi ako ag ala una na ng hapon. Nang matapos ay umalis na ako.

 "Thessa ikaw na ang bahala dito ah! Mauuna na ako! " pagpapaalam ko kay Thessa.

"Ah sige po Maam mag-iingat po kayo!" nginitian ko nalang siya at tuluyan ng umalis. Sa tatlong taong lumipas ay madaming nagbago.Hindi ko na siguro iisa-isahin . Mababaliw lang ako. Shemay! Huminga ako ng malalim ng maamoy ko ang sariwang hangin.Sumakay na ako sa kotse ko at wala ng sinayang na oras pinaandar ko na ito. Hayss ito ang ayaw ko kapag nagmamaneho ako eh, mainit na nga traffic pa. Pinatugtog ko nalang ang radyo ng hindi naman ako mabagot ! 

Napangiti ako ng saktong favorite song ko ito.

This time we'll leavee all the pain away

welcome home mt lover and friend

coz we are starting over, over again♪

"Ay ano ba yan tapos na!" utal ko ng matapos ang kanta . Mas lalo akong napasimangot ng makita ang billboard ni Piolo pascual sa may edsa.

"Bakit ba hindi layo nagkatuluyan ni Toni sa pelikula niyo andami niyong pinaiyak. Pero okay na rin yung lesson learned tsaka hindi na talaga uso ang second chance ngayon. Tsk. Kawawa n-" 

"HOY MISS ANO BA KANINA PA UMANDAR OH!" galit na galit na sabi ng isang taxi driver na nagpapitlag sa akin kaya tinginan ko naman siya ng masama 

"EH BAKIT NGAYON MO LANG SINABI . BOBO NETO!" sigaw ko din at pinaandar ang sasakyan.Badtrip ! Mang makarating ako ay agad akong bumaba ng kotse, bumili muna ako ng bulaklak sa gilid ng sementeryo at tuluyang pumasok. I miss my Baby! Napangiti ako ng makita ang puntod niya agad akong umupo sa harap nito at hinaplos ang lapida niya . My 3 mothns old angel.

Secretly In A Relationship With The Gangster (Short-story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon