Chapter 21

523 19 2
                                    

  Shanelle P.O.V
"Okay lang ba siya? Tanong ko kay Shawn ng makalabas ito ng clinic. Nagpaiwan kasi ako sa labas! Nagbuntong hininga ito at ngumiti sa akin.

 "Yes, dahil sa sobrang stressed at nakainom pa ito ay nagbreak-down na siya!" kiming sagot nito. Halata sa kaniya ang lungkot at pag-aalala alam kung may pinagsamahan sila at hindi ko mawawala iyon sa kaniya pero mahirap tanggapin na sa panahong wala ako ay magkasama sila. At impossibleng walang maramdaman si Shawn sa kaniya. 

"Do you like her?" bigla kung tanong sa kaniya mukha itong nabigla sa tanong ko pero hindi ako nagpatinag dito. I want a true answer kailangan kung malaman na ako lang. Mababaliw na yata ako!

 "Yes, i like her" seryosong sagot nito kaya napaatras ako doon. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at ramdam ko ang panggigilid ng nga luha ko.

 That's it, Shanelle sana ay matauhan ka. 

"I like her, dahil andyan siya sa mga panahong hinahanap kita, pero hanggang doon lang yun Shanelle, hindi katulad mo hindi kita gusto pero mahal na mahal kita at sana ay huwag mong pagdudahan ang nararamdaman ko sayo. Ikaw lang. I maybe like her but that's it. And... and aaminin ko sayong may nangyari sa amin... !" bigla akong napapikit sa sinabi niya, I know dahil hindi mananatili sa tabi mo si Trisha kung hindi mo ito binigyan ng motibo.

 "Baby... " tawag nito pero umatras lang ako. 

This is enough! 

Nagsex na sila masakit tanggapin yun habang ako ay ano? Pa virgin ulit. Alam kung may pangangailangan sila pero. Putangina! Bakit kaming mga babae, okay lang sa amin ang walang ganun! Ramdam ko ang panggigilid ng mga luha ko ngayon! Isang araw palang ay ang dami ng nangyari, paani pa sa susunod na mga araw na magkakasama kami. Alam kung mahal niya ako pero ramdam kung may kulang, may mali at hindi ko alam kung saan banda at saan ko hahanapin ang kulang na yun. Masaya ako na nagkabalikan kami pero... hindi ko na alam. 

"Shanelle, please don't cry. Baby hindi ko kayang magtago sayo ng sikreto, dahil gusto ko makapagsimula ulit tayo  at sana ay maging masaya nalang tayo!" emosyonal na sabi nito, and it hits me. Secret! Alam kung napaka unfair sa kaniya ang nangyari sa akin, sa anghel namin, pero ayaw ko ng balikan ang alaalang yun because it hurts. Tumulo na ang luhang pinipigilan ko kanina! Damn. 

Sa sitwasyong ito ay may narealized ako! Ako... ako ang may mali. Ang may kulang. 

"I n-need to go Shawn. Enough of this, bukas nala-" 

"Shanelle, what's wrong. I'm trying my best here to make this relationship work so we can start again. Mahal na mahal kita! " namumulang matang sabi nito. Magsasalita pa sana ako pero may biglang tumawag ng pangalan ni Shawn.

 "Excuse me Sir, hinahanap po kayo ng pasyente. Napahinga ito ng malalim at para bang hindi niya alam kung sino ang uunahin niya. Nahihirapan siya. Pinunasan ko ang luha ko habang hindi pa siya nakatingin sa akin. Choose Shawn, nagbuntong hininga ito at tinignan ako.

 "Okay, we'll talk later hintayin mo ako!" pangungumbinsi nito. Wala sa sariling tumango kahit ang sakit sakit ng nararamdaman ko. This is the second time na hindi ako ang pinili niya at ayaw ko ng isipin. Tumango ito at umalis na sa aking harap at pumasok na sa loob kung saan hinihintay siya ni Trisha, ang babaeng mahal na mahal siya at walang issue sa buhay. Hindi gaya ko, pasan na yata ang mundo. Tuloy-tuloy lang ang agos ng luha ko at dali-daling umalis sa lugar na iyon. I'm sorry Shawn, kailangan kung mapagisa, kailangan kung mag-isip ng mabuti kailangan kung makalayo dito, malayo sayo. Dali dali akong pumunta sa kwarto ko at hinanap ang dalawa kung bag. Pinasok ko ang mga gamit ko hindi ininda kahit gulo-gulo. Si Trisha na kayang ibigay sa kaniya ang lahat! And he likes her. Natawa ako ng mapait habang umiiyak. 

Secretly In A Relationship With The Gangster (Short-story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon