Chapter 10

648 22 0
                                    


Shanelle P.O.V

 "Shanelle,ikaw na magdala ng order ng dalawang yun!" sabay turo sa dalawang anghel.Agad namang nanlaki ang mata ko .

"S...Sir?" tawag ko dito tinaasan niya naman ako ng kilay .

"What?May problema ba?"tanong nito sa akin kaya agad naman akong umiling.

Shocks!Ako talaga? Hmmp!! Iniwan ko ang pagpupunas sa counter at pumunta sa kitchen para kunin ang order nila.Ang dami dami namin dito ako talaga ang nautusan niya!Ha...!

 Nanginginig ang kamay ko habang dala dala ang order nila.Alam niyang dito ako nagtratrabaho!Nanadya ba ang isang to? Pinapalayo niya ako sa kaniya pero siya naman tong lumalapit.

 "Here's your order Ma'am/Sir.E...Enjoy po kayo!" sabi ko dito ng makalapit ako.Kitang kita ang pagkagulat ni Trisha samantalang itong anghel na to ay nanatiling walang emosyo.Nilapag ko isa isa ang order nila.Ang sweet naman.Noong kami pang dalawa ay hindi ko ito naranasan ang kumain sa labas kasama ang mahal ko,kasi nga natatakot akong may makaalam sa relasyon namin.At hindi ko pinagsisihan ang desisyon kung iyon kahit ang resulta ay hindi maganda. 

"Excuse me pwede ka ng umalis!"mataray na sabi sa akin ni Trisha tumango naman ako at nilapag ang huli nikang order.Nanlaki ang mata ko ng may humawak sa legs ko.Dahil maikling palda ang uniporme namin namin dito ay kitang kita ang legs namin. Nang tignan ko ito ay tatlong binatang kakadaan lang. Kinuha ko ang kutsara ni Shawn at binato ko sa kanila yun.Napatigil sila sa paglalakad at tinignan ako ng masama kaya kinabahan naman ako 

"Bastos!" galit kung sigaw sa kanila.Ngumisi lang ang lalaking humawak sa legs ko at kinindatan ako. 

"Ang kiniss Miss!" nakangising sabi nito bago naglakad ulit.Nahihiya naman akong tumingin sa paligid ko ramdam ko ang nanunusok nilang tingin sa akin.

"Kabastos-bastos naman kasi taga yaan suot mo!" ngising asong sabi sa akin ni Trisha kaya mas lalong nadagdagan ang inis ko Tinignan ko naman si Shawn at umiwas lang ito ng tingin sa akin.

Hindi niya ako pinagtanggol?Nanood lang siya!

 He used to be,pero oo nga pala wala na kami.Dali dali akong umalis sa harapan nila at dumiretso sa locker Hindi ko na mapigilan ang mga luha kung nag-uunahan sa pagtulo.......... 

Shawn P.O.V

 "What are we doing here?" nayayamot na tanong sa akin n Stanley.Hindi ko siya kinibo at tinapon ang sigarilyo ko ng makita ang tatlong lalaking papalapit sa amin.Wala na akong inaksayang oras at inambahan ko kaagad ng suntok ang lalaling nambastos kay Shanelle kahapon.Talagang tinandaan ko ang mukha ng mga gagong to. 

"Anong problema mo?" nagtatakang tanong nito.Hindi ko siya sinagot at pinagsusuntok ko lang siya.Habang slang mga kasama niya naman ay binanatan nila nila Stanley.

 "FUCK YOU!! ANONG KARAPATAN MONG BASTUSIN SI SHANELLE HA? DAMN.MAPAPATAY KITA! AKO LANG!AKO LANG ANG MAY KARAPATANG HUMAWAK SA PAGMA-MAY ARI KO! HOW DARE YOU ARGHHH!" lahat ng frustration ko nitong nga nakaraang araw ay nilabas ko na sa lalaking to 

"That's enough Shawn.MAPAPATAY mo na siya!" pag-awat sa akin ni Kent.Tinigilan ko ito at umupo sa sahig habang umiiyak 

"Fuck!" sabi ko at sinabunutan an sarili ko.God! I Can't live like this!Hindi ko kaya. 

Shanelle,Baby please forgive me.I miss you so damn much!Mahal na mahal kita.

Shanelle P.O.V 

 Kinabukasan ay busy kaming lahat sa klase sabay sabay ang pasahan ng project dahil nga next month ay graduation na namin at next week ay finals na.Kaya wala akong panahon alalahanin ang mga nangyayari sa paligid.

Scholar lang ako at kailangan kung mag-aral ng mabuti para makapasa.Konting tiis nalang Shanelle! Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula ng mangyari sa restaurant na yun at bihira ko nalang din makita si Shawn kasama na sila Kent at iba niyang barkada.Balita ko rin ay bumalik na ito sa dati niyang ginagawa,away dito,away doon,inom.dito bar doon.Wala na rin sila ni Trisha kaya mas lalo akong nag-aalala sa kaniya.Kahita papaano naman ay may pinagsamahan din kami.Kaya hindi maalis sa isipan ko kung bakit siya nagkakaganyan ulit.Tumahimik ang room ng biglang magsidatingan sila Shawn. As usual ay may pasa nanaman ito sa mukha,may bandage din ang kamay nito. Napaigtad ako ng bigla niyang sipain ang upuan sa harap ko bago siya umupo sa tabi ko.

Nang magbreak sila ni Trisha ay naging ganito na siya.Ganun ba talaga niya kamahal si Trisha para magkaganito ulit siya?Ang sakit isipin pag ganun.Oo hanggang ngayon mahal ko pa din siya hindi naman iyong nagbago.Kaya mas nasasaktan ako sa nangyayari sa kaniya ngayon.Nakatingin lang ako sa kaniya habang naglalaro soya sa kaniyang cellphone.What happened to you Shawn?

 "Why are you staring?" walang emosyon nitong sabi sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.He caught me! Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagsasagot ng assignment namin sa Statistics! Hindi ako makagalaw lalo na pag ganito siya kalapit!

 Ang hirap din huminga.Nanlalabo ang mga mata ko habang nakatingin lang sa papel ko.Pasimple kung pinunasan ang luha ko at tumingin nalang sa bintana.Ang ganda ng araw ngayon! Sayang naman kung magdra-drama lang ako dito!

 Wala na rin akong trabaho,dahil sa break up namin ay na depress talaga ako kaya laging mainit ang ulo ko.Thats the time na nasagot ko ang manager namin kaya tinanggal niya na ako.Okay lang yun may ipon naman ako at buwan buwan ay may natatanggap naman na pension si Nanay! Simple lang ang buhay namin walang arte !

 "Goodmorning class!" biglang sulpot ng prof.namin .Sabay sabay naman namin siyang binati. 

"Okay dahil next week ay finals niyo na.Gusto ko kayong papiliin mag e-exam kayo o gagawin niyo ang ipapagawa ko sa inyo!" seryosong sabi nito sa amin.Kaya nagbulong bulongan naman ang mga kaklase ko.Tahimik lang din kami wala pa si Tyler lagi nalang late ang isang yun.Mas naging close pa kami ni Tyler mabait siya at masaya kasama.Nagsimula ng mag discuss ang prof namin tungkol sa gusto niyang gawin namin!!! Dahil business ang course namin ay gusto niya kaming gumawa ng survey sa isang lugar kung sakali ay magtatayo kami ng isang negosyo ano yung mga gagawin namin para hindi malugi at siguradong mabenta sa masa!! Nagbulong-bulonhan ulit ang mga kaklase ko.May iba gustong mag exam nalang pero may iba na gusto naman yung isa!! Kung ako ang papipiliin ay mage-exam nalang ako pero dahil mas maraming bumoto sa project namin.na iyon wala na akong magagawa.

"Okay i'll group you into a 5" panimula ni prof.Jonatahan! "Group 1. Christine Grecia, Jane Cervantes,Bryan Villegas,Rain Dela Cruz and Jeric Cruz, ilista niyo na ang nga members niyo para hindi na magtanungan mamaya!! Group 2, Tyler Shoversky,Jean Suarez,Shanelle Nocidal, Stanley Choi and last is Shawn Mendez!!..." halos hindi ko na marinig ang ibang niyang sinabi....

Magkagrupo kami? Oh God.

Nagbuntong hininga lang ako bago siya tignan . Tulog ito at nakaharap sa akin Kaya kitang kita ko ang pagod niyang mukha,ang laki ng eyebag niya at nangayayat din ito. Pero kahit ganun ay gwapo pa rin ito.Napangiti ako ng marinig ko ang mahina niyang hilik.... Mahal pa rin kita Shawn at kung hihingi ka ng tawad sa akin ay hindi ako magdadalwang isip na bigyan ka at sa oras na mangyari iyon ay hinahayaan kitang wasakin ulit sa pangalawang pagkakataon .Handa ako Shawn tanga ng tanga pero tangina ganun kita kamahal.I just want to know your reason kung bakit tayo nagkaganito,alam kung meron pa, i know you too much Shawn and i want to give you a time at sana lang ay hindi ka mahuli.Maghihintay ako hanggang kaya ko pa!! Gusto kung bumalik tayo sa dati... Pinahid ko ang luhang naglandas sa pisngi ko bago bulonga "I love you!"  

Secretly In A Relationship With The Gangster (Short-story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon