Chapter 18

537 16 0
                                    


 Shanelle P.O.V

 Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako nagising lang ako ng makarinig ako ng katok.Agad naman akong tumayo at hindi na nag-ayos alam ko namang maganda pa din ako eh. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang nakabusangot na mukha ni Shawn kaya kumunot ang noo ko dito.

 "Kakain na tayo bumaba kana jan!" Simpleng sabi nito. Tsk! 

"Okay salamat" sabi ko sa kaniya at isasarado na sana ang pinto ng bigla ulit itong magsalita .

"Damn Woman! Ayusin mo nga yang itsura mo para kang ginahasa" nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Aba't! Magsasalita pa sana ako pero agad itong umalis. Padabog ko namang sinara ang pinto. Makakapatay ako ng tao ngayon Swear Nang bumaling ako sa binatana ng kwarto ko ay napansin kung mag gagabi na.Ang haba din pala ng tulog ko. Nagbuntong hininga ako at pumunta na sa banyo para maghilamos at kailang ko na ring mag- bawas. Tsineck ko ang orasan at nakitang 5:30 na ito ng hapon. Ang aga naman naming kumain. Weird ! Nang matapos kung mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako ng kwarto.Naka two piece lang ako sa loob na pinatungan ko ng malaking damit ay cycling.

Naisipan kung Mag-night swimming. Mas maganda pag gabi. Tahimik at walang mangdidisturbo sayong mga kabataan. At tiyak akong makakapagrelax ako. Nang makababa ako ng hotel ay naaninag ko kaagad sila sa isang malaking cottage may kumakain na din gaya nila Stan at Kent ang mga girls naman ay nasa gilid lang kapansin-pansin ang babaeng naka one piece lang kausap ng mga to katabi niya rin Shawn sa gilid na nakikinig lang yung iba ay naliligo pa. Napaismid ako ng makita kung sino ang babaeng ito.Trisha akalain mong kasama pala ito.

Mahamugan ka sana Bwisit! pero bakit hindi ko siya napansin kanina ? Umiling nalang ako at nagtungo na sa kinaroroonan nila Stan. Agad akong kumuha ng balat ng letson ng makarating ako dito.

 "Hey pagod ka yata o may iniiwasan ka? Ngayon ka lang bumaba kasi" nag-aalalang tanong nito sa akin ni Stan tinignam ko naman siya at nginitian. Wala na yata akong maitatago kay Stan, pag may problema kasi ako siya agad ang napagsasabihan ko kaya kabisado na ako ng kulugong ito.

 "Okay lang. Salamat pala sa pagpapatawag sa akin ah ang haba kasi ng tulog ko diko namalayan ang oras. Tsaka gutom na din talaga ako hindi pa ako kumakain ng tanghalian buti at kinatok ako ni S-Shawn sa kwarto ko para sabihing kakain na" sabi ko sa kaniya. 

Nakita ko namang kumunot ang noo nito at umayos ng tayo habang tinitignan ako.

 "What do you mean? Wala akong inutusan i mean. Si Shawn?" nagtataka nitong tanong kaya kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong what do you mean? Oo si Shawn... teka ibig mong sabihin w-"

 "AKO... " biglang sigaw ni Kent kaya napatingin kami ni Stan sa kaniya ngumiti naman ito na halatang pilit.

 "A-Ako yung nagsabi k-kay Stan na gisingin ka hehe" umiiwas tingin nitong sabi kaya lumapit ako sa kaniya at tinignan ng mariin nakita ko naman siyang lumunok at paunti-unting umaatras.

 "Kailan ka pa naging concern sa akin Kent?" nakangisi kung sabi sa kaniya tinignan niya naman ako at huminga ng malalim.

 "Hindi ko alam tsk.Aalis na nga ako" biglang sabi nito kaya napahalakhak nalang ako.

 "Damn!"

 Binalingan ko naman si Stan na para bang may iniisip kaya siniko ko ito. 

"Okay ka lang?" "H-Ha? Ah oo naman. Sige kumain kana. Gutom ka diba? Ito try mo..." sabay abot ng lumpia sa akin tinanggap ko naman ito at nagpasalamat sa kaniya. Umupo ako sa harap niya at nilantakan na ang pagkain. Infairness ah ang daming pagkain.

Secretly In A Relationship With The Gangster (Short-story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon