Chapter 9

650 17 1
                                    


Shanelle P.O.V

Inayos ko ang sarili ko sa C.R.Pulang pula ang mata ko at namumugto ito.Parang gusto ko nalang umuwi at humiga sa kama.Kung saan ay makakapagpahinga ako.Nang makasigurado akong maayos na akong tignan ay lumabas na ako.Alam kung mukha akong wala sa sarili ngayon sana naman ay hindi nila mahalata iyon.Pagkapasok ko sa klase ay nakayuko lang ako ayaw kung makita nila ang itsura ko.Kaya hanggang sa makaupo ako ay tahimik lang ako.

"Are you okay?" kalabit sa akin ni Tyler.Tinignan ko naman siya at halata sa itsura nito ang pagkabigla.

"A...ah Oo!O...Okay lang!" sagot ko sa kaniya at nagkukunwaring nagre-review! Ayaw kung magsalita,ayaw ko ng may kausap at baka maiyak lang ulit ako.

"You don't look fine!" kunot noong sabi nito.

I know!!

"Babe,haha.No ! Shit!" tili ni Trisha kaya napalingon kaming lahat nasa malayo na ang pwesto nila at mula dito ay kitang-kitang ang harutan nila.Napaiwas din naman agad ako ng tingin ng makita si Stanley na nakatingin sa akin.Babe huh?Tangina!ang bilis,.Ramdam ko ulit ang panggi-gilid ng luha ko kaya napayuko nalang ako!

Please wag dito! Not now!

Nagbabakasakali akong hindi tumulo ang luha ko pero ayaw papigil! Agad ko rin namang pinunasan ang luha ko.Pero nagulat ako ng may biglang magpunas nito.Si Tyler pala,pinunasan niya ang luha ko gamit ang panyo niya. Kaya mas lalo akong napaiyak! Bwisit bakit hindi ko mapigilan?

"It's okay!"mahinang bulong nito kaya tumango tango nalang ako.I hope,sana nga! "Babe,were are you going?" rinig kung sigaw ni Trisha kaya napalingon ulit kami Papalabas ito at hinabol naman siya ni Trisha Nagbuntong-hininga naman ako bago tignan si Tyler

"S...Salamat!"nahihiya kung sabi sa kaniya.Nginitian naman ako nito bago ibaling ang mukha sa harap.Kahit papaano ay may tao akong karamay,hindi ko man siya ganun kakilala ay alam ko namang mabait siya!

May mga tao talagang sa umpisa lang magaling,at kapag NAGSAWA na sila ay iiwan ka lang din.Hindi ko akalaing ganito ang magiging katapusan naming dalawa! It's just so fast.

I know everything happens for a reason that's why i want to know his reason.Alam kung meron pang dahilan.Pero paano ko gagawin yun? Hindi ko alam kung saan ulit ako magsisimula! Next Month ay Graduation na namin! At ang dami ko sanang plano,pero ngayon ay siguro dapat ko ng tanggalin si Shawn sa nga plano ko He wants me to out of his life.Okay!

Pagbibigyan kita Shawn! I know i can do it.I just need time para mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon.Susubukan kung mabuhay ng wala ka.Hindi porket hiniwalayan mo ako ay titigil na rin ang mundo ko! No, ipagpapatuloy ko ang nasimulan ko.Hindi ka kawalan! Gago ka..!

"You want to go somewhere?" tanong sa akin ni Tyler "May alam akong lugar na pwedeng nating puntahan.You can do things that you wanted to do.You need a fresh air Shanelle,"nakangiting sabi sa akin Tyler.Walang pagalin-langan akong tumango sa kaniya.Yeah i probably need it!Nauna siyang tumayo at nauna na rin lumabas. Inayos ko ang gamit ko at sinundan siya.Bahala na ang quiz mamaya! Ngayon lang naman to.Sa labas ay nakita namin sila kasama ang barkada ni Shawn pero wala si Trisha,seryoso ang mga to tila ba nag-iisip ng maayos! Nang magtama ang paningin naming dalawa ay kumunot ang noo nito.Kaya nag-iwas nalang ako ng tingin.Tangina mo! ang sarap niyang murahin bwisit siya! Nang makalabas kami ng AU ay inaya niya akong sumakay sa kotse niya.

"H...Hindi ka naman masamang tao diba?" kinakabahan kung sabi dito,tumawa naman ito bago ako tinan.

"Ngayon mo lang tinanong kung kela nasa loob ka na ng kotsse ko.Don't worry i'm not a bad guys!"nakangising sabi nito bago paandarin ang kotse.Ang cute niya talaga lalo na pang nakangiti nawawala ang mga mata niya.Tahimik lang kami walang gustong magsalita! Hindi ko pa siya kilala pero sumama ako sa kaniya.Bahal na kung anong mangyari sa akin.Hindi naman ako maganda kaya wala ring magtatangka! Pumikit ako at pinahinga ang sarili ko.Too much for one day.

Hindi kita maintindihan Shawn! Masaya naman tayo,kung kailan handa na ako ay saka ka pa sumuko...At ang sakit lang dahil PINAGSAWAAN mo na ako! Sex lang ba talaga habol mo sa akin? Bakit ako pa,marami ka namang pera kaya kahit anong oras ay makakahanap ka ng pwede mong ikama.! Kaya ayaw kung magmahal eh.Ito yung kinakatakutan kung mangyari,kung gaano ka pinasaya ng pagmamahal na to ay mas grabe naman ang sakit na mararamdaman mo!! "Shanelle!" tawag sa akin ni Tyler kaya napamulat naman ako ng mga mata."We're here!" sabi nito bago bumaba ng kotse sumunod naman ako.Pagkababa ko pa lang ay di ko mapigilang mamangha!! Ang ganda naman dito.Kitang kita mo ang CITY tanghali ngayon kaya medyo mainit.Sumilong kami sa malaking puno .Napapikit ako ng umihip ang sariwang hangin.Tama nga si Tyler,sariwang sariwa ang hangin dito tahimik at malayo sa gulo!! "Sa kotse muna ako!" pagpapaalam nito .

"T...Teka!Iiwan mo ako?" nagtataka kung sabi sa kaniya. "Yes! Ayaw kung marinig ang mga sasabihin mo.Ilabas mo lang lahat.Hihintayin na lang kita sa kotse." sabi nito bago tuluyang umalis.Huminga ako ng malalim bago ilabas lahat ng nararamdaman ko

"SHAWNNNN!!! TANGINA KA! SANA NUNG UNA AY SINABI MO NALANG PARA HINDI GANITO KASAKIT!!" panimula ko. Agad namang namuo ang luha ko."AKALA KO MAHAL MO AKO!! GAGO KA!MAGSAMA KAYO NG BAGO MO HUH! AKALA MO KAWALAN KA.....HINDI" tuluyan na akong napahagulhol,napaupo naman ako umiyak ng umiyak "Mahal na m...mahal kita eh! At ngayon hindi ko alam kung paano sisimulan ang buhay ko na wala ka! Sinanay mo ako eh!KAHIT GAGO.KA MAHAL PA DIN KITA AT NAIINIS AKO SA SARILI KO DAHIL DYAN! " ang saya lang! Pinahid ko ang mga luhang naglandas sa pisngi ko bago tumayo "Makakalimutan din kita!" bulong ko sa sarili ko bago umalis sa lugar na yun.It feels good.Magaan sa pakiramdam ang mailabas ang hinanakit ko.Pero hindi pa rin ito sapat para makalimutan ko ang nangyari ngayon!

"HELLO NAY!" masigla kung bati kay Nanay ng makauwi.

"Oh anak.Okay ka lang?"natatawang sabi sa akin Nanay.Kailangan mong umakto ng parang walang nangyari Monica. "O...Oo naman po!Sige Nay,papasok pa ako sa trabaho eh!"pagpapaalam ko kay Nanay bago pumasok sa kwarto ko.Nang makapasok ako ay nilock ko ang pinto at agad na humilata sa kama.Ito pala yung pakiramdam pag broken-hearted ka.Nagbuntong hininga ako at binaon ang mukha ko sa unan.Ang hirap nito.Umupo ako sa kama at nag-open ng facebook.Gusto kung magstatus! Feel ko lang.Bungad agad sa akin ay ang 'Shawn Mendez and Trisha Fuentes are now in a relationship' .may 1000 likes agad ito at 300 comments.

Ah so ganun pati facebook harap-harapan.

Napairap ako sa ere.Dahil hindi ako bitter ay nagreact ako ng puso.Ang sarap sanang magcomment! Ang sweet niyo naman! Pero dahil hindi ako bitter ay nagscroll down na ako.Doon ay nabasa kobang Status ni Stanley...

It's the only way to protect her'

ang weird naman ng status na to. Hindi ko ito nilike at pumunta ulit ako sa taas para magstatus.Hindi ako bitter,maganda ako at sigurado ako dyan.Tse!

'Yung lalaking hindi ka iiwan at mamahalin ka lang,meron pa ba nun?' feeling loved'' kinclick ko na yung status! Agad namang may naglike nito.Nagtaka ako ng may angry na react dito ng makita kung sino ito ay napasinghap ako.Anong karapatan niyang mag react ng angry samantalang pinusuan ko yung sa kanila.Grabe lang! Dahil sa sobrang inis ko ay naglog-out na ako.Bwisit siya!Inayos ko na ang sarili ko ay nag-ayos na para pumasok sa trabaho.Pretty ka Shanelle!Think positive lang.Ngumiti ako salamin at lumabas.Hindi ko naman nakita si Nanay kaya hindi na ako nakapag-paalam dito.Habang naglaakad ay feeling ko may sumusunod sa akin.Nagtaasan ang balahibo ko sa iniisip ko.Epekto pa rin ba to ng broken hearted? Haiysh grabe!Walang patawad.Nang makarating ako sa trabaho ay agad akong pumunta locker para makapagbihis na.

"Oy Shanelle .Bakit wala ka kahapon!" kasi nagdate kami may problema ba doon? Tapos ngayong break na kami ang saya lang no!

"A...Ah may pm's ako .Kaya ganun!"pagdadahilan ko sa katrabaho ko.Tumango naman ito pero halatang hindi kumbinsido at sinusuri pa rin ang mukha ko

"May problema ba?" nakataas kung kilya na tanong sa kaniya. Nag-iwas naman ito ng tingin bago umiling at umalis na.Nagbuntong hininga naman ako bago lumabas ng locker room.Kitang-kita ang pagkabusy nila kaya nahiya naman ako.Agad kung niligpit ang isang lamesang walang pumapansin.

Pati ba naman lamesa pagkatapos niyong gamitin,iiwan niyo lang din.Tapos hindi niyo alam na magulo niyo itong iniwan hindi man lang inayos!Okay lang yan andito naman ako handang gawin ang trabaho ko.

Napatigil ako sa paglilinis ng may dalawang anghel na kakapasok lang sa restaurant .Nang magtama ang paningin namin ay inirapan ko lang siya.Hindi a rin ako makamove on sa ginawang niyang oag react ng angry sa status ko!Naiiyak tuloy ako bwisit siya...Pinahid ko ang luhang tumulo sa pisngi ko at pinagpatuloy na ang gagawin ko!

Secretly In A Relationship With The Gangster (Short-story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon