"Ahhhh!" Nagising akong sumisigaw, umiiyak, at takot na takot. Saka ko narealized na..
panaginip lang pala ang lahat. What a nightmare.
Tinignan ko ang cellphone ko.
JAN. 01, 2017 , 12:05 AM
10 NEW MESSAGES RECEIVEDNew year nanaman! Napatalukbong bigla ako sa kumot ko! Sorry na, ganyan talaga ang initial reaction ko 'pag New Year.
Ang pagputok ng mga baril sa aking panaginip ay mga putukan pala ng fireworks ngayon. Ewan ba. Ayokong nakakarinig ng mga fireworks! O kahit anumang klase ng mga pagputok na 'yan! Greatest fear ko talaga 'yon. Natataranta talaga ako. Feel ko anytime matatamaan ako at mamamatay.
OA na kung OA
pero..
Ano kayang ibig sabihin ng panaginip na 'yun? Sino yung batang lalaki sa panaginip ko? At, bakit may kwintas kami na kapag pinagdikit ay magiging hugis puso? Isang pangako? Na hindi kami maghihiwalay? WEIRD.
Chineck ko ulit yung phone ko. Daming messages from my friends and classmates. Puro mga nakakatouch na PMs at greetings ng Happy New Year, at syempre..
...ng Happy Birthday. :)
Pero natawa naman ako sa text ng best friend kong si Nichel.
+639*********
From: NICHEL ANN CALMA
Happy Birthday to you, bes! Happy Birthday also to me, and a Happy Happy New Year! New year na naman! Arooo. Pustahan pa tayo, nagkukulong ka ngayon sa kwarto mo noh? Hahaha! Sana one day ma-overcome mo na yang fear mo sa mga pagputok o pagsabog. Haha. Love you, peace! Mamayang umaga ha? Icelebrate natin ang ating kaarawan sa Fans Day ni Idol. Excited na ako! Sobra! See you. =DNaku, kilalang-kilala na talaga ako netong si Bes. New year na new year nang-aasar na naman! Pero kahit papano, sumaya naman ako dahil natawa ako sa message niya. Haha.
Nagreply ako at ginreet ko din siya ng Happy Birthday and Happy New Year.
Oo, pareho kami ng birthday. Kahit di kami magkadugo, para talaga kaming kambal-tuko niyan. Obvious naman diba? Pati birthday naming dalawa, sabay. Kulang na lang pati bituka namin, magkadikit na rin dahil sa sobrang closeness namin eh. Haha. Pero love ko yan. Simula bata pa ako, kami na ang laging magkasama at magkalaro. And even from preschool to grade 11 ngayon ay magclassmates na kami.
Sobrang masiyahin niyan. Lalong-lalo na kapag ang idol na niya ang pinag-uusapan. Mabanggit ko lang ang pangalang "Jayden Axel Yuzon", rinig na hanggang outer space ang tili niyan. Ultimate crush talaga niya si Jayden. Nakoo. Gagawin niya talaga ang lahat kahit magcartwheel pa siya sa gitna ng highway, makita niya lang ang kanyang iniidolo. Syempre very supportive bestfriend niya ako, kaya hinahayaan ko na lang siya kung saan siya masaya.
Si Jayden, supermodel 'yan. International pa. Hindi siya gaanong sikat dito sa Pilipinas dahil hindi naman siya nag-aartista pero Pilipino siya. Madalas siyang magcover sa mga magazines. Kaya itong si Nichel, halos lahat yata ng magazines na nandoon si Jayden, meron siya! Pati na rin buong wall ng kwarto niya, nakadikit lahat ang pagmumukha ni Jayden. Kulang na lang pati ceiling niya, lagyan niya rin! Ganun siya ka-superfan girl! Haha. Sobrang lakas kasi ng dating niyang si Jayden, kaya inlab na inlab 'tong best friend ko sa kanya.
Ooops! May kumakatok pala, *Tok! Tok! Tok!*
"HAPPY BIRTHDAY! HAPPY NEW YEAR!" masayang bati nina Mama Hazel at Papa Aldryn na may matching torotot pa. Hahaha! Siyempre lumapit ako at yinakap silang dalawa. Alam nilang takot ako sa mga paputok kaya 'pag New year hanggang torotot lang kami. :D
BINABASA MO ANG
His Long Lost Fiancee [COMPLETED]
غموض / إثارةHe's handsome. He's rich. He's genius. He's talented. He is the perfect guy that every girl could ever dream of. But he is not perfect at all. He's cold. He's bitter. He's empty. He's broken. He has changed when his fiancee died. Until one unexpec...