Chapter 12: Fragile Heart

124 6 45
                                    

Kyla POV



*flashback

Teka! Selfie muna! Oh ayan! Ganda ko noh? Yipeee! I'm super excited na sa pag-uwi ni Dad! Maipost nga ito sa instagram with a caption 'OTW to Airport! See you later Dad!' ☺️💞

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Teka! Selfie muna! Oh ayan! Ganda ko noh? Yipeee! I'm super excited na sa pag-uwi ni Dad! Maipost nga ito sa instagram with a caption 'OTW to Airport! See you later Dad!' ☺️💞


Kasama ko ngayon si Manong Aldryn to fetch Dad at the Airport. Sigurado akong dala na niya ang mga nirequest kong damit at bags from US. But while we are waiting, syempre ininterview ko muna si Manong Aldryn sa talambuhay niya. Haha! Nakakainip kayang umupo lang sa passenger seat habang nagbbyahe. Alam niyo naman na madaldal talaga ako and hindi ko kayang walang kausap lalo na kapag sa ganitong kahabang byahe! Emeged! So, una tinanong ko muna kung kamusta na ang lovelife niya. Ayieeee! Ready na akong kiligin!

"Manong Aldryn, ikwento mo naman sa akin ang first love mo. Siya ba ang asawa mo ngayon? Ayiiie!" Kantsaw ko dito, pero parang wrong move yata! Parang nalungkot siya bigla. I don't know why! Pero di nagtagal, ngumiti naman siya ulit at parang sinasariwa talaga ang masayang nakaraan at mga alaala. Naks! Sinasariwa daw! Lalim nun ah! Siyempre dapat sa isang katulad kong Future Miss Universe, kailangan talagang fluent din ako sa sarili kong wika. Irerepresent ko pa ang Pilipinas sa buong universe kaya dapat ngayon pa lang ay pagbutihin ko na!

"First love ko ang asawa ko siyempre. Si Hazelina. Kahit matanda na kaming pareho noong una kaming magkakilala, masaya na rin ako dahil alam kong siya talaga ang babaeng pinagdasal ko." Nakangiting tugon ni Manong habang nagmamaneho. Kinilig ako dun ah! Hihi!

"Ganun po ba? Buti nagkaanak pa kayo kahit late na kayo nagkakilala nuh?" tanong ko naman. Kase diba alam naman natin na bihira na lang na magbuntis ang babae kapag nasa edad na. Masyado na kasing delikado kapag ganun. It's either maging genius o abnormal ang magiging anak mo 'nun pag nagkataon. Ang hirap kaya magtake risk! Siguro genius si Ate Shanaya, hmm pero parang hindi naman yata halata? Haha ewan, basta.

"Sa totoo po niyan Ma'am Kyla, hindi na nga po kami nagkaanak. Kaya masasabi kong pinagpala talaga kami noong dumating si Shanaya sa buhay namin." Ohhhhhh! So, ampon lang pala si Ate Shanaya?! Kaya pala hindi niya kamukha si Manong Aldryn! Masyadong maganda si Ate Shanaya para maging tatay si Manong Aldryn! Di naman sa judgmental ako noh pero parang ganun na nga. Hahaha!


"Ngayon ko lang po nalaman 'yan ah. Di naman po sa nanghihimasok ako. I'm just curious. Sino po ang mga totoong magulang ni Ate Shanaya?" Hala! Yan! Ang bibig ko! Masyado akong namemersonal! Hindi ko naman talaga dapat itatanong 'yun eh. Kusa lang iyong lumabas sa bibig ko! Tsk.


Natigilan si Manong Aldryn sa tanong ko! Yan na nga ba ang sinasabi ko sayo, Kyla! Minsan naman itape mo na ang bibig mo para hindi na tuloy tuloy kung makapagsalita! (Okay, kausap ko po ang sarili ko sa utak ko. Wag kayong ano. Ganyan talaga kapag matalino. Kailangan multitasking-- Kausap ang sarili sa isip and at the same time may kausap na ibang tao) Lol

His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon