Chapter 16: Irregular Student

114 8 21
                                    

Shanaya POV




["Ano?! Nag-apply kang maid sa mansion kung saan nakatira si Ren? At ngayon ay personal maid ka pa niya? Tsk, sinasabi ko na nga ba sayo bes eh. May hidden agenda ka talaga sa gwapong sungit na yon. May pamove-on move on ka pang nalalaman dyan pero gusto mo pa rin siyang makita."] Tinawagan ko si Nichel at ikiniwento ko lang naman sa kanya ang offer na trabaho sa akin ni Manang Cecilia at hindi ko naman talaga alam na sa mansyon pala iyon kung saan nakatira si Ren. Alam din ni bes ang pagkaheartbroken ko kay Ren. Ang hindi niya lang alam ay yung gabi na may kamuntikan nang mangyari sa amin.


"Hindi bes! Walang hidden agenda! Noong malaman ko ngang sa Valiante Mansion ang punta namin, nagbabackout na talaga ako kaso huli na. At ito pa, nalaman ko na si kuya Mikael pala ang may-ari ng mansion na iyon at nandoon na siya!" Kwento ko sa kanya habang papasok ako ng gate sa VU. Iniwan ko na si Ren sa bahay pero pinaghanda ko naman siya ng makakain at ng uniporme niya sa pagpasok din dito mamaya sa VU. Hindi ko kasi siya magising-gising kanina dahil sa sobrang kalasingan niya.

["Mikael? Sino naman 'yun?"]

"Naalala mo pa ba yung lalaking kausap ko sa sementeryo noong sinundo mo ako? Siya pala 'yun! Kaya nga agad akong natanggap, at hindi lang iyon.. Ginawa niya rin akong scholar sa VU dahil siya ang may-ari ng school na ito. Ang liit talaga ng mundo." Habang kausap ko si bes ay dumiretso ako agad sa registrar's office para kunin ang registration form ko.


["Ah oo natatandaan ko na. Siya yung sinabi kong mukhang prinsipe. Di nga ako nagkamali ng hinala na mayaman siya. Sabihan mo nga siya na gawin din niya akong scholar sa VU para naman magkasama na tayo at para makita ko na si Jayden ko araw-araw! Tutal mayaman naman siya!"] Pagbibiro nito habang natatawa.

"Palabiro ka talaga bes." Komento ko rito.

["Anong biro? Seryoso po ako! Alam mo namang dati ko pa pangarap na makapag-aral dyan pero ikaw madali ka lang nakapasok ng dalawang beses pa!"]


"Speaking of that dalawang beses, wait lang bes ha. Kakausapin ko lang ang staff sa registrar kung saang section ako napunta. Call kita ulit mamaya, okay? Bye." Binaba ko ang call at ibinulsa ang cellphone ko. Nataranta ako dahil inaabot na sa akin nung staff ang registration form ko. "Thank you po."


Ito na, ito na..

Ano kayang section ko? First section pa rin kaya sa Agape? O hindi na?


At nang makita ko kung ano ang section ko ay agad ko iyong natanggap.

11-Eros? Hmm. Okay. Pero pang-ilan kaya ang section na ito? "Miss, pang-ilan po ang section na Eros?" tanong ko sa registrar's staff.

"Last section po." Sagot niya.

Whaaaat? Sinasabi na nga ba.


Nahalata yata ng staff ang pagkadismaya ng mukha ko kaya pinaliwanag niya kung bakit sa last section ako napunta.


"Noong first time mong mag-enrol dito ay midterms na ang naabutan mo. Dalawang linggo ka namang absent pagkatapos 'non nang hindi man lang nagtetake ng remedial exam from your adviser. At ngayong bumalik ka, wala na kaming choice kundi ang ilagay ka sa last section. But you're still lucky. You're supposed to be dropped but because you are a scholar of CEO Mikael Valiante, we considered you." Tinitigan ko nang mabuti ang registration form habang pinapaliwanag niya ang dahilan ng pagiging last section ko. Napansin ko naman na may naibang section sa subject ko sa MAPEH at TLE.


"E-eto po, bakit Section AGAPE pa rin po ang nakalagay?"


"You're originally in the Agape section. And you as a transferee, we only require remedial exam in major subjects which you didn't take. That's why you automatically failed. Pero dahil wala namang remedial sa mga minor subjects, nagretain lang ang section mo sa mga iyon sa section Agape. You're an irregular student now. That's the consequence of being a late transferee and a returnee."


His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon