N I C H E L
>flashback #1<
(See Chapter 1 for Reference: A Nostalgic Dream)"{ Happy Birthday to you, bes! Happy Birthday also to me, and a Happy Happy New Year! New year na naman! Arooo. Pustahan pa tayo, nagkukulong ka ngayon sa kwarto mo noh? Hahaha! Sana one day ma-overcome mo na yang fear mo sa mga pagputok o pagsabog. Haha. Love you, peace! Mamayang umaga ha? Icelebrate natin ang ating kaarawan sa Fans Day ni Idol. Excited na ako! Sobra! See you! }"
Message sent!
Inihagis ko sa aking kama ang cellphone ko matapos kong itext si Bes. Ginreet ko siya dahil pareho naming birthday ngayon!
Yieee! Excited na ako sa fans day ni Jaydenmyloves mamaya! Nasakto pa talaga ito sa birthday namin kaya pinag-ipunan ko talaga. Sa wakas ay mamimeet ko na rin siya in person! Waaaaaa. Ano kayang isusuot ko? Dapat maganda ako!
Alam kong kaka-12am pa lang ng January 1 at kasalukuyan nang nagsisiputukan ang mga fireworks sa labas pero dahil sa sobrang excited ko, ngayon pa lang ay naghahalukay na ako ng pwedeng isuot na damit para sa event mamaya!
"🎵 Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday dear Nichel! Happy Birthday to you! 🎵"
Nahinto ako sa paghahalungkat ng mga damit ko dahil biglang pumasok sa kwarto sina Mama Camilla at Papa Justino na may dalang cake habang kinakantahan ako!
"Ohh. Blow the candle na, anak!" Sabi ni Mama Camilla. Haynako, ang panget panget naman ng cake ko tapos ang liit-liit pa. Kung di ko lang mahal sina Mama at Papa hindi ko naman hihipan tong kandila sa cake noh. Kaya no choice, hihipan ko na nga kasi sayang naman yung wish ko eh. Pinikit ko ang mga mata ko.
Hmm. Ano bang magandang wish?
Hindi ko na kailangang iwish na makita si Jaydenmyloves sa personal dahil makikita ko na naman siya niyan finally!
Hindi ko na rin kailangang iwish na magustuhan ako ni Jayden dahil sigurado naman na magugustuhan niya ako kapag nakita niya na ako dahil sobrang ganda ko tapos magdadamit pa ako ng maganda mamaya at maglalagay ng make up sa mukha.
Hmm. Ano kaya?
Ah alam ko na. Ang wish ko ay ang yumaman! Yung tipong sobrang yaman talaga. Yung mabibili ko na lahat ng gusto ko at magkaroon ng sariling mansion! Yun! Tama! Yun ang wish ko!
Pagkatapos kong magwish ay binuksan ko na ulit ang mga mata ko
tapos pumalakpak pa ako para kunwari nagustuhan ko talaga yung pa-surprise nila. "Yehey!" At naki-yehey naman din ang dalawang matanda. Haha. Nako. Kung di ko lang talaga love ang mga ito eh."I love you Mama and Papa! Thank you po!" Tapos hinug ko sila. Siyempre hinug din nila ako.
Pagsikat ng araw sa umaga, tinawagan ko na si Bes. Sobrang tagal naman kasi niya. Kanina pa ako naghihintay dito sa plaza noh. Alam naman niyang importante ang lakad namin today pero nagpalate pa siya. Hay. After ilang minutes ng paghihintay, dumating na siya sa wakas. Pinagmadali ko talaga siyang maligo't magbihis kaya siguro ang panget ng suot niya ngayon. Si bes talaga walang sense of fashion. Nako.
Nagulat naman siya agad pagkadating niya tapos titig na titig pa siya sa akin na parang ngayon lang niya ako nakitang maganda eh araw-araw naman akong maganda. Mas maganda lang nga ako ngayon dahil syempre magkikita na kami ng future husband ko. Hihihi.
BINABASA MO ANG
His Long Lost Fiancee [COMPLETED]
Mistério / SuspenseHe's handsome. He's rich. He's genius. He's talented. He is the perfect guy that every girl could ever dream of. But he is not perfect at all. He's cold. He's bitter. He's empty. He's broken. He has changed when his fiancee died. Until one unexpec...