Chapter 31: Gunshots

66 2 15
                                    

Author's POV

Ilang araw na ang lumipas matapos ang birthday surprise nila kay Ren. Alam ni Jayden na masaya na ang dalawa kaya nagpaubaya na siya. Matapos ang overnight nila sa Bataan ay tuluyan nang umiwas si Jayden sa dalawa, lalong-lalo na kay Shanaya. Kaya bilang kaibigan, nabahala ng husto si Shanaya. Lalo na't wala siyang kaalam-alam sa dahilan ng pag-iwas ni Jayden sa kanya.


Kaya naman, sinubukang hanapin ni Shanaya si Jayden sa soccer field dahil doon kasalukuyang nagpapractice ng sayaw ang Performance Club para sa gaganaping special number nila sa nalalapit na JS Prom.


Kasalukuyan siyang naglalakad-lakad at pilit na hinahagilap ng kanyang mga mata ang kinaroroonan ni Jayden nang biglang yakapin siya ng isang lalaking di niya kaagad namukhaan dahil pareho silang nagpagulong-gulong sa damuhan matapos na iligtas siya ng lalaking ito mula sa lumilipad na soccer ball.

Mabuti na lang ay mabilis na nasagip siya ng lalaking ito dahil kung hindi ay baka natamaan na si Shanaya ng bola. Sa kasamaang palad, nagtamo ng maliit na sugat sa braso ang lalaki dahil sa pagsagip sa dalaga.

Dahan-dahang iminulat ni Shanaya ang kanyang mga mata. Laking gulat nito nang makilala ang lalaking sumagip sa kanya.

"Dy-dylan..." Hindi nito inaasahang sambit.

"Are you okay? Nasaktan ka ba?" Alalang tanong ni Dylan sa kanya. Unti-unti siyang tumayo para matulungan ding tumayo si Shanaya.

"Okay lang ako. S-Salamat." Mahiya-hiyang sagot nito. Napansin naman kaagad ni Shanaya ang natamong sugat ni Dylan sa braso nang dahil sa nangyari. "Hala! Nasugat ka! Sorry!" Wika nito habang hawak ang braso ni Dylan para mas lalo niyang makita ito.

"Galos lang 'to. I'm okay." Ngumiti ito kay Shanaya para ipakitang maayos lang siya ngunit nagpumilit si Shanaya na dalhin siya sa clinic para mabigyan ng paunang lunas.




*sa clinic*

"I told you. I'm okay. Maliit na galos lang ito kumpara sa mga naging sugat ko dati." Sambit nito habang abala si Shanaya sa pagpahid ng betadine sa kanyang sugat gamit ang cotton buds. Hindi na kasi sila maasikaso ng nurse dahil busy ito sa paggamot pa sa naunang pasyente.


"Kahit na. Ako pa rin ang dahilan kung bakit ka nasugat kaya tama lang na dinala kita dito. Ayokong magkaroon ng utang na loob sa'yo. Ayan. Tapos na. Aalis na ako. Salamat." Alam kasi niyang sinabihan na siya ni Ren dati na iwasan si Dylan. Ayaw niyang madawit pa siya sa anumang bagay na may kinalaman sa kanya kaya hanggat maaari ay sinusubukan na niyang iwasan ang anumang pwedeng mamagitan sa kanila.

Palabas na si Shanaya ng clinic para iwan si Dylan ngunit pinigilan siya nito. "Utang na loob? Do you think sapat na itong pagtulong mo sa akin sa clinic para masabing wala ka nang utang na loob sa akin?" Pabiro nitong tanong. Pero deep inside ay gusto niya lang itong kumagat sa pain niya.

"What do you mean?" Natigilan siya.

"Hmm..have you forgotten on how I saved you from Ellesia before?" He's trying to bring up the past just for her to be guilty.

"I didn't ask you to save me! Kusa mo akong tinulungan noon. So I think I don't owe you anything then."

"That was so rude. Is that how you really treat the person who's been saving you? I'm just being nice here, you know." Tinaasan siya ng kilay ni Shanaya. Hindi nito mawari kung ano ba talaga ang gustong ipunto ni Dylan.

"Ano ba talagang gusto mo? Sabihin mo lang kung may kailangan ka. Hindi yung pinapahaba mo pa ang usapan."


"Oh! Hindi ko alam na may side ka pala na masungit ah! Don't worry Shan! I'm a real friend of yours. Gusto ko lang na mas makilala ka. I just want to ask for a favor. Please?"


His Long Lost Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon