Royal blood

1K 13 6
                                    

Royal-blood.

Tawagin niyo nalang akong Veneera, royal blood po ako sa pagiging bampira. Meaning to say, bampira na ako simula nung pinanganak. Kami ng pamilya ko ay Royal Blood. Hanggat maaari iiwasan ko ang pagbabanggit ng lugar dahil malalaman kung sino ako, na nagsend about this. Kilala kasi kami, even sa ibang bansa. Kapag royal blood ka kasi, isa ka sa matataas na uri ng bampira dahil 100% ang dugong bampira na nananalatay sa amin. Ginagalang ang mga royal blood kahit na mga taong nakaupo sa ibang bansa. Ngayon ilang years na kami nananatili dito sa Pilipinas dahil sa hindi pagkakaunawan ng pamilya ko sa mga kamag anak namin. Marami na kaming bansang pinagtirhan ng mahabang taon, ang kaso lang palipat lipat kami kasi nalalaman ng mga kamag anak namin ang aming lokasyon at kung di naman, nalalaman ng mga tao sa lugar namin na may kakaiba samin kaya palipat lipat kami ng tirahan. Nakatira kami ngayon sa isang condo kung saan konti lang ang tao. So far, tahimik pa naman kami rito at wala pang nakakaalam sa amin. Pinili talaga ng magulang ko dito sa Pilipinas kasi sabi nila close minded daw ang mga tao rito at hindi basta basta naniniwala kaya baka dito na kami mamalagi habambuhay. Bakit ako nag confess kung takot pala ang aming pamilya na malaman ang tungkol sa mga kagaya ko? Nag confess ako para buksan ang isipan niyo na hindi lahat ng bampira ay tao ang kinakain. Oo baka sumpa to sa mga kagaya ko, pero kahit 100% ang dugong bampira samin ay hindi tao ang kinakain namin kundi mga hayop. Wala ni isa sa pamilya namin ang kumakain ng hayop. Umalis ang pamilya namin sa tunay naming bansa dahil pinipilit kaming isali sa grupo ng mga royal blood. Hindi ko alam kung anong grupo yun, bata pa kasi ako nun at di rin sinabi ng pamilya ko sakin. Bakit ayaw ng pamilya ko sumali sa grupo na yun? Dahil mga CANNIBAL sila. Tao ang kinakain nila at bihirang kumain ng hayop. Isa lang akong anak na babae, hindi na sila nagplano na dagdagan pa ako dahil nasa panganib nga ang pamilya namin. Bakit hindi kami tinitigilan ng kamag anak namin? Pwede namang hayaan nalang kami diba? Hindi madali sa kanilang hayaan kami, meron silang gusto sa dugo namin. Lahat ng mga royal blood na bampira ay nag tataglay ng kakaibang kakayahan. Ang kakayahan ng pamilyang kong royal blood na wala sa normal na bampira maging sa ibang mga royal blood ay ang sumanib sa hayop. Maraming paraan ang pag sanib o pagkontrol sa hayop. Sasanib ka sa hayop sa pamamagitan ng Astral Projection pwede rin yung kontrolin mo siya gamit ang inner mind. Walang ganong kakayahan ang normal na bampira (half-blooded vampire) oh yung mga ibang royal blood. Sa mga iba kong kamag anak na royal blood, ang ability nila na wala sa amin o ibang royal blood at normal na bampira ay ang pumasok sa ibang dimensyon. Yung ibang royal blood nagagawang paghilumin ang sugat within few minutes (yung ibang royal blood inaabot ng 1-2days to fully recover the wound, yung normal vampire naman 4-5 days).  Marami pang mga taglay ang royal blood na wala sa iba.

Ang normal vampire kasi ito ang mga kakayahan as far as I know kasi lahat kami meron nito.

-kakayahang makakita sa malayo.
-matalas na pang amoy at pakiramdam
-bumasa ng isip ng tao
-kumilos ng mabilis
-nagkakaroon ng vision
-nakakakita sa dilim
-long life-span:
And so on

Mas malalakas din kami sa normal na tao. Pano ma aadopt ng isang normal na bampira ang kakaibang kakayahan ng mga royal blood? So far ang alam ko ay hindi maaring mangyari yun. Pano ma aadopt ng isang Royal Blood ang ability ng isang Royal Blood? Gagamitan ng orasyon. Delikado ang orasyon na yun dahil 50/50 kasi ang chance na hindi mag match ang energy niyo. Sa orasyon na yun, kailangan parehong royal blood ang makakatanggap ng benefits sa isat isa. Kapag hindi nag match ang energy niyo, maaaring isa sa kanila ang mawalan ng ability. Ang mas mahinang energy ay mawawalan ng ability at ang mas malakas na energy ay mananatili ang ability pero hindi na ito gaya ng dati, maaaring humina pero hindi mawawala. Kapag naging success, yung dalawang tao na sumailalim sa orasyon ay ma aadopt na ang ability ng isat isa. Halimbawa ikaw nakakapasok ka sa dimensyon o sa kabilang mundo, at ako naman nakakakontrol ng hayop. Makukuha mo ang ability ko at makukuha ko rin ang ability mo. Kapag nangyari yun, dalawang abilities na ang taglay mo, at hindi ka na pwedeng imatch sa mga normal na royal blood na iisa lang ang ability. Imamatch ka sa kagaya mong royal blood na 2 ang abilities. Pero mas delekado yun dahil kapag hindi nag tagumpay maaari kang mamatay. Paano kapag nakipag match ang dalawang royal blood with the same ability? Pwede yun, lalakas lang ang ability nila prang lelevel up pero maaaring mawalan ng ability ang isa kapag nag failed.

Ang bampira ay mas lalong hahaba o tatagal ang pananatili sa mundo kapag sariwang dugo at laman ang laging kinakain. Pareho lang makakapag pahaba sa buhay namin ang sariwang dugo at laman ng hayop at tao. Kaso lang yung iba pinipiling kainin ang tao dahil mas masarap daw at mabago ang dugo at laman nito kesa sa hayop. Kapag nakatikim ka na kasi ng dugo at laman ng tao, mahihirapan ka raw kontrolin sarili mo na wag kumain ng tao sabi ng magulang ko. Totoo nga naman dahil kung ano ang mas masarap, yun yung kakainin mo. Totoo na masakit sa balat namin ang sikat ng araw pero nagagawa naman naming magtagal sa sikat ng araw kapag nakakain kami o hindi gutom. Ngayon nag aaral ako sa isang exclusive school dito sa Pilipinas and I was shocked, Marami sila dito pero ako lang ang royal blood so far. Napagtanto ko na laging sa mamahaling paaralan maraming mga kagaya ko, siguro mas safe kasi dahil walang time sa mga ganyang bagay halos lahat ng nasa school dahil laging busy at may business na pinagkakaabalahan.

Tips: Lahat ng Royal blood na bampira ay sobrang puti o tinatawag na anak araw hindi pwede maging itim or light brown. Yung normal na bampira naman maaring puti,light brown, brown or itim.

Hindi naman porket nakakita kayo ng sobrang puti sasabihin niyo bampira na agad? Wag masyado manghusga. I'm willing to share my school life soon :) same title nalang din ilalagay ko para hindi na malito.

Vaneera
Philippines

Scary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon