Ghostfie

1.2K 16 3
                                    

"Ghostfie"

I really want to share my creepy experience in my school kaya sana po ma-post.

September 2013

Hanggang sa mga oras na to, iniisip ko pa rin kung paano nangyari yun...

Sa school po namen may tinatawag na Practical Arts Room/House, dito po makikita
ang mga kagamitang pangluto, minsan dito po kami kumakain dahil nandito ang stove, utensils, etc. Ganto po yung setup ng room, Pagpasok mo from the corridor, makikita yung sala, then konting lakad may isa pang room, then sa dulo nandun ung kitchen.

Pag pumasok ka sa isang room, makikita dun ung bed, cabinet, small table, parang makikita mo sa hospital, pero small room lang sya. So ganto nangyari, bali apat kami sa practical arts room, yung dalawa nasa kitchen, kami ng kasama ko nasa loob ng small room, kaming dalawa lang po ang nandun, may pinaguusapan kami about how to compute grades (something like that). Nasa small table po yung cellphone ng kasama ko. Naka charge. And sabi nya pag naka charge yung cellphone nya, automatic lock po un, hindi mo magagamit, although naka-on.

So naguusap kami, nang biglang tumunog yung cellphone nya. Hindi namen pinansin nung una, kasi serious kami sa pinaguusapan namen, then biglang napatingin na lang kami sa cellphone kasi hindi nagsstop yung pagtunog. Hindi po tunog ng ringtone yung sound, ang naririnig po namen na tunog is sound ng camera pag nag pipicture ka or pag may na-captured ka na photo, which is very impossible na mangyari kasi first of all naka auto lock po yung cellphone while charging, 2nd, wala naman gumagalaw or gumagamit ng cellphone nya and third kami lang po ng kasama ko yung tao sa room na yun..

So, we checked the cellphone kung anong nangyari, at sobra kaming nagulat sa nakita namen, napatili pa ko at napalabas ng room sa sobrang takot...

Nakita namen na ang daming pictures more than 10. Na pag ini-scroll mo, makakabuo ka ng idea na naglalakad yung subject... Medyo blurred yung mga pics. Pero may isang picture dun na tumatak talaga sa isip ko, ang lapit nung subject sa camera, naka white dress na girl, long hair, and yung hair nya natatakpan ng face nya.. sobrang dun talaga ko natakot dahil una wala naman naka white dress samen nung araw na yun, 2nd napaka creepy talaga ng nakikita ko sa picture, 3rd ang lapit lang nung girl sa camera, and lastly sa background na nakita namen sa photo may bintana, which is dun sa place na yun nakaharap kami sa bintana. And yung place na nasa pictures, parang dun lang din sa room na yun. So parang andun lang din sya.

Sobrang creepy.. After nun, binura din nung may ari ng cellphone yung mga pics. Hindi kasi sya naniniwala sa ghost. So yun, sayang nga e sana napakita namen sa mga experts kung ghost ba talaga yun or what. Anyway, yun po yung first encounter ko sa school.

And hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan.

—Nerdylexieeee---

Scary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon