Singsing💍

890 17 0
                                    


Hello po sa inyong lahat. Share ko lang experience ko last week.

So ganito nagstart yun. Naglalakad kasi ako pauwi nun from school, since tagtipid ako naglalakad ako kahit malayo bahay namin. Last week nung monday, may napulot akong black ring. Napansin ko siya kasi umuusok siya then medyo nacurious ako, pinulot ko siya gamit ang panyo ko. Then nung nakauwi na ako, nilagay ko yung ring sa box sa may altar ng bahay kung asan yung mga rosaries. Then ayun, kinabukasan pagdating ko sa school, may kakaiba akong naramdaman, as in grabe yung lakas ng heartbeat ko, di ko naman alam kung bakit. Nung uwian na sumakay na ko ng jeep at tricycle pauwi kasi grabe kaba ko. Pagdating ko sa may harap ng gate namin, nakaawang yung gate namin, so ayun mas kinabahan ako. Anytime tutumba ako sa kaba ko.

Nung pagpasok ko sa gate, nakabukas yung pinto, as in nakaawang din siya, kinuha ko yung payong ko sa bag para may pangdepensa ako kung may ibang tao sa bahay. Nung palapit na ko sa bahay, naririnig ko nagkakalampagan yung mga gamit. Then ayun, hinigpitan ko hawak ko sa payong ko. Pagpasok ko kita ko yung bahay sabog sabog mga gamit. Nung pumunta ako sa may kwarto may 3 nakaitim. Then kinuha ko yung kutsilyo sa may kusina at hinigpitan ko yung hawak pagpasok ko sa kwarto. Binato ko yung isang nakaitim, yung nasa tabi ng orocan, sa lakas ng bato ko tinamaan siya pero naging usok siya tas yung kutsilyo parang lumihis at tumama sa bintana kaya tumalsik palabas. Yung tinamaan ko na naging usok parang inatake ako, dumaan sa may dibdib ko. Sobrang sakit promise kaya natumba ako.

Bago ako mawalan ng malay nakita ko yung dalawa pa, bigla silang naging usok na itim. Kung alam niyo yung itsura ng death eater kapag nababalutan ng usok sa Harry Potter, ganun na ganun. So ayun nawalan ako ng malay, nagising ako na ginigising ako ng lola ko. Nakita daw niya na nakabukas ang pinto ng bahay kaya pumasok siya, dala niya pa yung isang kawayan. Nung pagdilat ko tumayo ako bigla at hinila lola ko papunta sa may sala kung asan yung altar then binigyan niya ko ng tubig. Sinabi ko sa kanya yung nangyari at pinakita ko yung singsing. Tas sabi niya baka yun daw yung dahilan kung bakit may mga ganon sa bahay. After nun pinabless namin yung bahay tas binalik ko yung singsing kung saan ko siya nakita. After nun wala na, back to normal na.

Advice lang, kung may makita kayo sa daan na kahit gaano kagandang bagay yan kahit diyamante pa yan wag niyong pupulutin, or iuuwi. Magdasal kayo everyday kung maaari every time, like bago matulog, pagkagising, before and after meal, before leaving your house, pag nakauwi ka na, etc. Basta magdasal kayo lagi.

Whuahh

*****************************************

Thanks po sa pag babasan

Scary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon