NAkulam

1.4K 23 0
                                    

Nakulam

Hi spookify gusto ko pong magshare sa inyo dahil wala akong ginagawa ngayon, itong istoryang to sa kapitbahay lang namin so ito na nga.

May kapitbahay kaming si ate K, ampon lang sya dahil parehong babae magulang nya, oo tomboy. So yung mama nya which is yung di tomboy namatay dahil sa breast cancer kaya dalawa nalang silang natira. Magkalapit lang din ang bahay nila sa mga kamag-anak nila (Side ng mama nya) which is dito samin. Yung bahay nila tama lang, simple sya pero maganda, 2 floors rin. Ilang taon ng nakalipas (Anyway mga nasa 17-18 lang si ate K) may balak magtayo ng paupahan ang kamag-anak nila katabi ng bahay nila ate K, dahil marami din kasing mga naghahanap ng mauupahan dito samin. Nakapagpatayo na sila ng paupahan. Nung last year to nangyari, nagkaroon ng lagnat si ate K nun. Binaliwala lang nila ito dahil lagnat lang naman pero nawawalan na sya ng ganang kumain nun at nangangayat na. Kaya nagpatulong sila sa lola ko (Pumunta po muna sila ng hosp. bago sa lola ko pero ang sabi lagnat lang daw yun).

Yung lola ko kase manghihilot, may mga kakilala syang mga albularyo. Kinaumagahan pumunta na nga kami (Kasama ako dahil may ipapasuri rin) nakikinig lang ako sa kanila at di ko inaasahan ang pinag-uusapan nila nakulam daw si ate K. Kwento nga nya nanaginip sya nun habang natutulog daw sya may scorpion na gumagapang papunta sa kanya. Di nya namalayan papalapit ng papalapit na pala ito sa kanya at biglang pumasok sa tenga nya. Kaya nagising daw sya ng kinakabahan sya dahil parang totoo kase nararamdaman nya daw. Kaya kinabukasan daw nun sya lang mag-isa sa bahay nila naglilinis daw sya nun sa cr. Maya-maya'y may nakita syang scorpion, di naman daw gaanong kalaki pero kamukhang-kamukha daw nong sa panaginip nya kaya kinabahan sya at tinigil nya muna paglilinis nya. Pagkatapos nun bumigat na daw pakiramdam nya at yun nilagnat sya.

Inumpisahan na ng albularyo ginagawa nya, nilagyan nya ng lana yung likod ni ate K. May idinikit sya na maliit na papel, dinasalan nya pagkatapos nun nabigla kami dahil nagform ng tao. Isang babae na maliit, ang buhok ay kulot at medyo tabain. Di nila alam sino yun kaya nagsimula ng magsalita ang albularyo. Sabi nya, kinulam daw sya ng kamag-anak nila dahil sa lupa, di sila naniwala kaya hinulaan sya. Sabi ng albularyo na matagal na daw nilang pinag-iinitan ang lupa nila kaya nung namatay na yung mama nya (Which is yung relatives nila) gusto na nilang agawin yung bahay nila. Kaya di pumayag yung isang nanay nya (Yung tomboy) dahil pera daw nila yung pinundar nila dun. Kaya daw nagalit sa kanila at di nila inaasahan na aabot pa talaga sa pagkulam. Napaiyak na lang si ate K at sinabi nyang yung ipon ng mama nya na para sa kanya nakikihati yung kamag-anak ng mama nya. Kaya di nya natanggihan at bilang isang pamilya binibigyan nya. Pero habang tumatagal nasasanay na daw ang mga ito na nakikihati at kung paminsan-minsan kinukuha nila ng buo (Mabait kase si ate K sobra). Ngayon nya pa lang nasabi yun sa nanay niya.

Ang sabi ng albularyo dinaan daw sa pagkain ang kulam. Nag-isip talaga si ate K nun at naalala nya nung nakaraang buwan raw inimbitahan sya kumain sa kanila. Nagtaka sya kase walang okasyon, ayaw nya sana kasi kakakain pa lang nya. Pinilit kase sya nito kaya napapayag sya. Yun na nga kumain sila sa bahay ng tiyahin nya, yung kulot ang buhok (binanggit sa itaas). Di talaga sila makapaniwala kung bakit nagawa nila yun kay ate K dahil ang sobrang bait nya talaga, mahiyain, maganda, palakaibigan. Basta wala ka talagang makikitang bad sides sa kanya. Kaya sabi ng albularyo na gusto po ba daw nila ipa-sumbalik (Yung parang ibalik sa mga gumawa nun) na para po daw maranasan nila yung paghihirap ni ate K.

PS. Wala na po akong balita sa kanila. Sanamaayos na pamumuhay nila. Sa ngayon po pala di na sila dito nakatira.

PPS. Pasensya na po kung medyo magulo. First time ko po kasing magbahagi dito, sinubukan ko lang hihi.

Scary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon