Batang anino

848 6 0
                                    

Happy New Year
Batang anino

Hi! Sana mapost to. First time ko lang magsubmit and I'm a silent reader so here it goes.

Last August 2016 nung lumipat yung boyfriend ko and yung bestfriend nya sa apartment malapit sa school nila kasi pasukan na and medyo malayo yung bahay nila sa school. The first few months were okay, wala naman syang nararamdaman or nakikita na kakaiba. Btw may "third eye"/ sixth sense talaga sya. Since malapit sa school yung apartment ginawa na din naming tambayan ng barkada lalo na pag vacant namin. Super soundtrip kami, movie marathon, food trip or tulog, yun lang yung kadalasan naming ginagawa. Then one time weekend yata nun so silang dalawa lang ng friend nya don around 2am kasi late na talaga sila matulog, nakakita daw sila ng anino ng bata malapit sa kitchen sink. Kaloka! Shokot us! Haha studio type lang kasi yung apartment so pagpasok mo una mong kikita yung kitchen sink tas sa right side naman yung bed nila tas cr. Tapos pag nakahiga ka makikita mo talaga yun kasi may kaliitan yung apartment. Wala naman daw ginagawa yung bata nakatayo lang sya don and itim na itim daw, anino lang so binuhay na lang nila yung ilaw magdamag and nawala na sya. Another experience pa 2 am din magkatabi sila ng friend nya sa bed yung pwesto nya sa tabi ng wall yung friend naman nya sa tapat ng cr akala daw nya gising pa yung friend kasi ngat pa daw yung ulo sa unan so kinakausap daw nya nagtataka daw sya kung bakit di sumasagot tas tiningnan daw nyang mabuti tulog na daw pala tas yung aninong bata pala yung naaninag nya di na lang daw nya pinansin since wala namang ginagawa natulog na lang siya. Ilang months na di nagparamdam yung bata tapos last November nakatambay kami dun sa apartment kaming dalawa lang kasi hinihintay pa namin yung dalawa naming barkada lumabas sya sandali para bumili ng snacks nagulat ako kasi biglang nagshake yung bed so di ko na lang pinansin kasi may kalumaan naman yun baka bumibigay na din sa katagalan ganon so tuloy lang ako sa pag efb maya maya para namang may pumipitik or sumusuntok sa ilalim ng bed yun na di ko na kinaya mga bes tumambay na ako sa labas kasi imposible na yung kalumaan ng bed yung pitik pitik na yon. Pagdating nya sinabi ko agad na ganun tas sabi nya na wag ko na lang daw pansinin kasi Wala naman daw ginagawang masama or di naman nananakit so ayon kinalimutan na lang din namin . Tapos one time a week after nung nangyari yung Pagpitik sa bed mag isa lang yung boyfriend ko sa apartment kasi di nakabalik agad yung friend nya nung gabi daw sobrang  init ng pakiramdam nya kaya tinangggal nya yung shirt nya tas pag gising daw nya nakita nya na may dugo yung white shirt nya. 2 days na ganon yung nangyari pinakita din nya sakin yung shirt para syang mga daliring maliit na pinahid pabaliktad sa chest tas hinila papunta sa muka. Kulay dugo na papatuyo na sya brownish red. Nung sumunod na night kasama na nya yung friend nya 2am ulit bigla daw nagshake nanaman yung bed tapos sobrang init nanaman ng pakiramdam nilang dalawa tapos may nakita daw silang anino nanaman ng bata na nasa paanan ng bed nila sa sobrang takot daw nung friend nya nagtalukbong daw yun sya naman di nya na lang pinansin pero bigla na lang daw lumubog yung bed nila na parang may gumagapang dun so di na nila kinaya binuhay nila yung ilaw tas ayon nawala na. Everytime na nasa apartment pag natutulog sila binubuhay na nila yung ilaw. Tas bago mag Christmas break mag isa lang ulit si jowa for a week pag natutulog daw siya feeling nya may nakatingin sa kanya pero wala ng nagpapakita or nagpaparamdam. Sinabi namin sa land lady lahat ng nangyari pero kami lang daw yung nagreklamo about that baka daw si jowa talaga yung sinusundan nun kasi siya lang yung nakakakita. Hinayaan na lang namin since di nya naman kami ginugulo pinakamalala na so far yung pag gapang nya sa bed nila jowa saka pagpapahid ng kamay sa shirt. Sana this year wag na syang magparamdam, pero lilipat na din sila ng apartment next sem.

Sorry ang haba sana nag enjoy kayo! Happy New Year!😊

**^**
Quezon City

Scary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon