Chapter 12

43 4 1
                                    

Chapter 12

"Dahil ikaw ang itinakda para sa akin, Criselda." Sagot niya sa tanong ko na siyang gumulantang sa akin. Hindi agad ako naka-imik dahil sa turan ni Kameer.

Bigla kong naalala ang nangyari noong unang araw ko rito. Narinig ko ang sinabi ng dalawang babae noon na tungkol sa marka ng lahi nila pero hindi nila iyon makita sa akin. At narinig ko rin mula sa kanila na matagal na akong sinusundan ni Kameer at hindi ko alam kung bakit.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo, hinablot ko ang libro na nakapatong sa lamesa at agad na umalis ng kubo. Rinig ko ang pagtawag ni Kameer sa akin pero hindi ko ito pinakinggan at dire-diretso lamang ako sa paglalakad. Gusto kong mapag-isa, gusto ko munang lumayo sa mga bagay na nagpapagulo sa akin, gusto ko muna na intindihan lahat ng nangyayari sa akin dahil wala akong maintindihan maski ni isa sa mga nangyayari sa akin ngayon.

Huminto ako sa paglalakad at agad na umupo sa isang malaking ugat ng puno at bumuntong-hininga. Tiningnan ko ang librong hawak ko at hindi ko mapigilan na mapangiti ng mapait dahil sa nangyayari sa akin. Nang dahil sa akin, dahil sa kuryusidad ko tungkol sa librong hawak ko ay nawala ang dalawang taong importante sa akin. At ngayon naman, mukhang ma-ipapahamak ko muli ang pamilya ko dahil sa nangyayari sa akin.

Simula na ginawa ko ang bagay na iyon, lahat ng nakasanayan kong buhay ay agad na naglaho. Nawala ang dalawang taong importante sa akin. Ang masayang pamilya na meron ako ay biglang nawala dahil sa ginawa ko at ako ang dahilan kung baklit sila nawala at kung bakit hindi ko na sila kapiling ngayon. Sinabihan ako ni Papa ng maka-ilang beses na huwag ko itong gagawin pero hindi ako nakinig at ginawa ko pa rin ang isang bagay na pinagbawal sa akin simula pa lang noong una.

Papa gave me a present opposite to Cristine's gift, kung ang sa akin ay libro ang sa kakambal ko naman ay isang uri ng pluma na at papel. My twin loves to write anything at kung ano ang nasa isip niya at gusto niya ay sinusulat niya ito habang ako ay gusto kong mag-basa nang mag-basa.

Papa's present was not really originally from him, galing daw ito sa isa sa mga taong pinaka-malapit sa akin pero wala akong kilalang kaibigan na malapit sa akin maliban sa kakambal kong tinuturing kong pinakamatalik kong kaibigan, dahil maliban kay Cristine ay wala na akong kaibigan. Ang mga kabataan na kasing edad ko noon ay napaka-mailap sa akin at hindi ko alam kung bakit. At dahil doon, mas pinili kong huwag na lamang makihalubilo sa iba.

Cristine and I were told a hundred of times to never read that book out loud, but I never listened. I was curious back then and I tried to read it out loud but Papa caught me and locked the book inside the chest. My curiosity about that book was killing me and I was eager to know what will happen if I read that book out loud.

I tried to find the key to open the chest and luckily, I found it. I took the book with me, I went out from our house and went to the forest which is just a few walks from our house, and there I read the first chapter of the book out loud. And minutes after I read the book something struck me from behind, akala ko sanga lang iyon ng puno na nahulog mula sa itaas. Pero nang lumingon ako, agad akong napatayo nang makita ko kung ano ito. It was not a branch but a creature who struck me with something he's holding. Sa takot ko ay agad akong tumakbo papunta ng bahay pero nang makaabot ako doon ay agad na bumungad sa amin ang wasak na namin na pinto.

Takot ang namayani sa aking buong pagkatao noong araw na iyon, I never felt that kind of fear not until that day. Pumasok ako sa loob ng aming bahay bitbit ang libro, dumiretso ako sa loob ng kwarto ng kakambal ko para ilabas ito pero wala siya doon sa loob. Mas trumiple pa ang takot ko ng may marinig akong nabasag kaya agad akong lumabas ng kwarto, nagbabasakaling makita ko ang kakambal ko pero iba ang bumungad sa akin.

Si Papa ang nakita ko doon na sinasakal ng isang nilalang na hindi ko pa nakikita sa tanang buhay ko. He was struggling from the grasp of the creature para kumawala, gusto kong takbuhin si Papa para tulungan ito pero napako ako sa kintatayuan ko. Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak dahil sa takot ko.

Naramdaman kong may tao sa likuran ko kaya agad akong lumingon pero iba ang nakita ko. Hindi ito isang tao kung hindi isang halimaw. Naramdaman ko ang magaspang nitong kamay na dumampi sa aking leeg at sinakal ako. Itinaas niya ang kamay na ginamit niya sa akin dahilan para umangat ako at mabitawan ko ang librong hawak ko. Akala ko katapusan ko na pero biglang dumating si Cristine at agad na sinaksak ang nilalang na sumakal sa akin kaya agad akong napasalampak sa sahig.

Yinakap niya ako ng mahigpit at doon na kumawala ang mga luha ko. Hindi nagtagal ang yakap ni Cristine sa akin at agad itong tumayo at tinulungan si Papa. Gusto kong tumulong at iligtas si Papa pero natatakot ko. Wala akong ginawa kung hindi ang tingnan ang kakambal ko at si Papa.

Nanatili lamang ako sa sahig, umiiyak at nakatingin lang ako kay Cristine kung paano niya pinagsasaksak ng kutsilyo ang mga halimaw.

Akala ko tapos na. Akala ko wala na sila, pero mali ako dahil habang papalapit si Cristine at si Papa sa gawi ko ay agad na bumangon ang halimaw na sumakal kay Papa at agad na tiningnan ako.

He was smiling at me devilishly na parang nakita niya kung sino ang pakay niya dahilan para umusbong muli ang takot ko. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nila Papa nang makita nila ang muling pagbangon nito kaya nilapitan nila agad ako pero ang sumunod nangyari ay siyang naging dahilan para mawala ang mga taong mahal ko.

Binalibag ng halimaw sina Papa at Cristine bago pa man sila makalapit sa akin na parang isang gamit at agad akong linapitan ng halimaw. Takot na takot ako ng mga panahon na iyon dahil sa paglapit ng halimaw sa akin. Ngumiti ito at saka inamoy ako na parang aso at binalibag rin ako kasulungat na direksyon kung saan niya binalibag si Cristine at si Papa.

Gusto kong tumayo at lapitan sina Cristine at si Papa pero hindi ko na-igalaw ang katawan ko, my body was suffering from an excruciating pain. Gusto kong humingi ng tulong pero hindi ko alam kung paano.

Sinubukan kong tumayo ng maka-ilang beses hanggang sa nagawa ko at pa-ika-ikang nilapitan sila Papa pero huli na ako. Hindi na sila humihinga at dahil iyon sa akin.

Pagkatapos ng pangyayaring 'yun ay hindi ko na nakita ang mga halimaw na iyon. Lumipat kami ni Mama rito sa Samreid para ilayo ako sa lugar na iyon at para sa kapakanan ko. Akala ko sa paglipat namin rito sa bayan na ito ay makakatakas ako pero makalipas ang anim na taon mula noong lumipat kami ay nagpakita na naman sila at ngayon ay kasama ko sila.

Silver TongueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon