Chapter 8

82 6 15
                                    

Chapter 8

"This is the only way for us to be there real fast, my Queen." Saad nito habang nakatingin sa akin. Nagdadalawang isip ako kung gagawin ko ba ang pinapagawa niya sa akin.

"Wala na tayong oras, my Queen."

"Pero,"

"Sumakay ka na bago pa mag-bago ang isip ko at baka hindi na kita pauwiin sa inyo." Dahil sa sinabi ni Kameer ay agad akong sumakay sa likuran niya na parang hindi ako nagdadalawang-isip kanina.

This is the second time that I am in his back. His soft fur was touching my skin at hindi ko mapigilan na makiliti dahil sa mga balahibo niya. Ini-ayos ko ang pag-upo sa kanyang likuran at maya-maya pa ay nagsimula na siyang maglakad hanggang sa unti-unti na siyang tumatakbo kay humigpit ako ng hawak sa kanya. Kagaya noong gabing iyon, ramdam na ramdam ko ang pag-dampi ng hangin sa aking pisngi habang ang buhok ko ay nililipad ng malamig na simoy ng hangin.

"My Queen," Rinig kong tawag ni Kameer sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa pamamaraan ng pag-tawag niya sa akin na sa tingin ko ay hindi na mababago pa dahil sa tigas ng ulo nito. "Hindi tayo dadaan sa dinaanan natin noong nakaraang gabi dahil hindi natin alam na baka naghihintay lamang ng tiyempo ang mga kasamahan ni Aser."

"Iyon din ang nasa isip ko. Hindi ko alam ang pasikot-sikot sa gubat na ito Kameer kaya sana ay tuparin mo ang sinabi mo na ihahatid mo ako sa amin para magpaalam." Sagot ko sa kanya.

Habang nag-uusap kami ni Kameer kahapon ay sumang-ayon ako sa kanya dahil ayokong madamay sina Mama at Lola Gretta at pati na iyong mga taong inosente dahil lang sa akin. At malakas din ang hinala ko na konektado ang mga nangyayari ngayon sa akin tungkol sa ginawa ko noon.

Sinabi rin sa akin ni Kameer kahapon na ang mga kasamahan ni Aser, na siyang kapatid niya pala, ang kumitil sa mga buhay ng mga taong nagligtas sa akin noon. At isa si Aser sa mga taong-lobo na pinagsususpetsahan kong pumatay sa kakamabal ko at kay Papa. Hindi ko alam ang motibo ni Aser kung bakit pinapatay nila ang mga taong nakakaalam sa kanila. Pananakot lamang sa kanila ay sapat na para huwag silang gambalain, pero bakit niya pinapatay ang mga taong nakakaalam sa kanila?

"Pinoprotektahan niya lamang ang kanyang mga ka-uri, ang aming mga ka-uri, my Queen. To frighten them is not enough, only death can stop them from hurting our kind." Biglang sabi niya na siyang ikina-gulat ko.

Paano niya nalaman ang iniisip ko?

Umiling na lamang ako nang maalala ko ang kakayahan nila at hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako kung bakit naririnig niya ang mga nasa isip ko kahit na hindi naman kami magka-pareho ng uri. Umiling ulit ako sa aking sarili at sinagot si Kameer dahil sa turan nito.

"Hindi pa kayo nasasaktan ay pumapatay na kayo. Is that the way on how you protect your pack? You're not protecting your kind, Kameer. You're teaching your kind to hate and savage us whenever they see us!" Galit kong saad sa kanya na siyang ikina-tigil nito sa pag-takbo kaya agad akong bumaba at hinarap ito. Hindi ko mapigilan na magalit dahil ang sinabi ni Kameer sa akin ay napakawalang kwenta.

"My Queen,"

"Dahil sa sinasabi mong pag-protekta sa lahi niyo ay maraming namatay, Kameer! Marami ang nawalan dahil diyan sa sinasabi mo. Your kind initiated the war between us and your kind!"

"I know and I hate it! I hate seeing every people in this town lying lifeless and it's because of our kind. You don't know how it pains me. For being here in Samreid for six years, I learned to appreciate the life of the people had. And I envy your kind, Criselda. They value things that my family alone never did, at ngayon ko lang napagtanto na mas importante ito kaysa sa mga hinahangad ko. Kung alam mo lang ang gusto kong mangyari, Criselda, kung alam mo lang." Saad nito sa akin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako bigla ng kalungkutan at hindi ko alam kung bakit ko naramdaman iyon bigla.

Sandaling katahimikan ang naganap sa amin na dalawa at nagulat ako sa sumunod na ginawa ni Kameer. Bumalik ito sa pagiging-anyong tao nito at agad akong hinarap. Hindi ako nag-iwas ng tingin dahil wala naman dapat na iwasan dahil may saplot naman ito hindi katulad sa mga napapanood ko sa mga pelikula, pero kalaunan ay umiwas din ako ng tingin sa kanya dahil sa pag-titig nito sa akin na siyang dahilan para mag-tama ang aming mga mata.

"Malapit na tayo sa bahay ng Lola mo." Malamig niyang sabi at agad na nilagpasan ako. Nakaramdam ako ng kirot dahil sa tonong ginamit ni Kameer sa akin at hindi ko alam kung bakit nakaramdaman ako nito, marahil ay na gi-guilty ako sa sinabi ko sa kanya.

Sinundan ko si Kameer at nasa likod niya lamang ako. Habang naglalakad kami na walang imikan ay pakiramdam ko ay mas lumalayo kami patungo sa bahay ni Lola. Gusto ko siyang kausapin at humingi ng tawad dahil sa sinabi ko kanina. Hindi ko siya masisisi kung magalit siya sa akin at hindi niya rin naman ako masisisi kung magalit man ako sa lahi niya dahil pareho kaming may pinoprotektahan. Nakayuko akong naglalakad habang sinusundan si Kameer, pero napahinto rin agad ako nang bumunggo ang ulo ko sa kanyang likuran.

"I-I'm sorry." Nakayukong tugon ko sa kanya.

"Pumasok ka na, maghihintay ako rito." Malamig niyang saad. Nagulat ako sa tono niya pero hindi ko ito pinahalata. Tumango lamang ako sa kanya at agad na sinunod ang sinabi nito sa akin. Habang hinahakbang ko ang mga paa ko patungo sa bahay ni Lola ay hindi ko ma-iwasan na kabahan.

Pinihit ko ang seradura ng pinto nang makarating ako sa bahay at agad na pumasok. Tinawag ko si Mama at si Lola pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanila kaya naman ay ini-isa-isa ko ang kanilang mga silid pero hindi ko sila nakita na naging dahilan para kabahan ako.

Lumabas ako nang bahay at laking gulat ko nang makita ko sina Mama at Lola Gretta na kasama si Kameer doon sa pinag-iwanan ko sa kanya. Naguguluhan man ay pinuntahan ko sila pero mas lalo lamang akong nagulat nang biglang yinakap ni Mama si Kameer.

m/���/&�=

Silver TongueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon