Chapter 6

81 6 4
                                    

Chapter 6

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa nasaksihan kong pagpapalit ng anyo ng lalake kanina. Mula sa pagiging tao nito ay isa na itong taong-lobo ngayon pero ibang-iba ito sa lalake na nakasama ko kagabi. Kung siya ay nakatayo sa apat niyang mga paa at mukhang lobo talaga, itong isa naman ay nakatayo lamang sa dalawa niyang mga paa na parang isang tao, may kamay itong 'gaya sa isang tao at may matutulis na kuko.

Mas lalo pang bumilis ang pag-kabog ng dibdib ko nang makita kong itinaas nito ang kaliwang kamay nito sa ere at natatakot ako sa posibleng gawin niya sa babae. Agad akong nagpalinga-linga sa paligid at nag-hanap ng ma-ibabato sa halimaw na nasa harap ko dahil hindi ko kayang panoorin lang ang susunod na gagawin niya rito. Sakto naman na may nakita akong bato na kasing laki yata nung kamao ng lalaki, pinulot ko iyon at hindi na ako nag-aksaya pa ng oras para i-bato sa halimaw, pero yung kaba ko ay mas lalo lamang tumindi ng bumaling ito sa gawi ko dahil sa pag-tama ng bato sa braso niya.

He's growling and I can tell that he's angry by what I did.

"Human." He said behind his growl. Agad na linunok ko ang aking laway na namumuo sa aking bibig dahil sa takot ko at kaba. "How did a human found this place?" Dagdag pa niya at agad na liningon ang babae na muntik na niyang saktan kanina kung hindi ko pa ito nabato ng bato.

He moved from his place and walk towards my direction. Gusto kong umatras pero napako ako sa kinatatayuan ko.

"Leave the human alone, Aser!" Sigaw ng babae na ikinatigil ng halimaw sa paglapit sa akin. He turned his gaze on the woman and laugh devilishly.

"Now you're being impatient to meet your death, aren't you? Huwag kang mag-alala dahil ikaw ang isusunod ko sa babaeng ito." Nakangiting sabi niya at agad na humakbang patungo sa akin.

Umatras ako sa kinatatayuan ko para makalayo sa halimaw na nasa harap ko na patuloy sa paglapit sa akin.

"Tumakbo ka na?" Rinig kong sigaw nung babae. Ramdam ko sa boses niya na nahihirapan na siya pero hindi ko siya pwedeng iwan nalang basta-basta. Hindi kakayanin ng konsensya ko na iwan itong mag-isa ngayong alam kong mapapahamak ito at baka patayin nga ito ng halimaw.

Isip Criselda, mag-isip ka! Paganahin mo iyang utak mo kahit ngayon lang!

"Umalis ka na!" Sigaw ulit ng babae sa akin at kasunod nito ang malutong na pagtawa ng halimaw.

"Tama, umalis ka! Tumakbo ka at magtago dahil susundan kita kahit pa na saan ka magpunta, babae!" Sigaw ng halimaw at tiningnan ako. His stares send shivers to my spine.

Umatras ako at agad na tumakbo kahit na paika-ika, hindi dahil sa takot ko o para abandonahin ang babae kung hindi para humanap ng makakatulong sa kanya. Bumalik ako sa lugar na pinagdalhan sa aking nung lalake at sakto naman na nasa labas ito ng kubo kaya agad akong sumigaw sa kanya.

"Tulong!"

"Anong nangyari?" Nag-aalalang tugon nito.

"Yung babae, papatayin ng halimaw!" Aligagang sabi ko sa kanya. Hindi na ako nag-atubiling hilahin pa ito kahit na hirap-hirap akong maglakad dahil sa kundisyon ko. Kailangan kong makabalik sa lugar na iyon para matulungan namin iyong babae. She's helpless in her state. Maraming galos ito sa katawan at yung braso niya ay dumudugo.

"Teka lang, can you tell me what is going on my Queen?" Tanong niya at sabay akong hinila ng pagka-lakas dahilan para mapa-atras ako at mabunggo ang noo ko sa matipuno niyang dibdib.

Shit! Ang tigas talaga. Agad akong napa-angat ng ulo dahil sa mahinang pagtawa niya at yung kulay itim niyang mata ang sumalubong sa akin.

"There is no time! Baka wala na tayong maabutan kapag sinabi ko pa sa'yo ang lahat!" Hinila ko agad siya at nung malapit na kami ay huminto ako at siya ang pina-una ko.

"T-Teka,"

"Huwag ka nang magsalita, humakbang ka patungo doon sa isang puno at tulungan mo iyong babae!" Sigaw ko sa kanya dahil hindi ko na ma-kontrol ang kaba at takot ko.

I saw him looked at me like I was playing a game on him before he walked. I wish I am, but hell no! My life is in danger at kapag hindi niya napatay iyong halimaw, I am dead, triple dead meat!

I stayed at my place for almost 20 minutes and until now hindi pa siya bumabalik. I fight the urge to follow him and check them if they're totally fine but I lose the battle between myself and my mind. Ang tigas talaga ng ulo ko!

I slowly took the narrow grassy path with my whole body shaking in fear. Tinago ko ang sarili ko sa isang puno nang makaabot ako sa lugar kung saan ko nakita ang babae. Sumilip ako kung ano na ang nangyayari pero mukhang mali yata ang punong pinag-taguan ko dahil yung halimaw na nakita ko kanina ay nakatalikod sa punong pinag-taguan ko. Hinanap ng mata ko ang babae at laking pasalamat ko na naka-sandal na ito sa puno malayo sa halimaw.

"You think you are strong enough to beat me, Kameer?" Rinig kong tanong ng halimaw.

Kameer? It rang a bell but I can't remember when and where did I hear that name.

"You are still full of yourself, Aser. You really change a lot! Hindi na kita kilala, you are not my brother whom I cared and loved for all the years!" Hinanap ng mata ko ang pinaggalingan ng boses at laking gulat ko nang makita ko itong nakahiga sa lupa at pilit na bumabangon. He wasn't in his human form but in his wolf.

"You made me laugh, Kameer. After this six long years ay ikaw lang nakapagpatawa sa akin. You made me happy in your last day. It's hard to bid goodbye to someone you love and grew with but in my case, I never loved you brother. And it's easy for me to end your life dahil wala akong nararamdan."

Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa aking narinig. I look at him and hurt was registered in his face. Naaawa ako sa kanya dahil sa turan ng kapatid niya pero sa kabilang banda, gusto kong sugurin yung halimaw at saktan ito. His attitude suites him very well, ang pangit! I saw the monster raised his hand mid-air, and based on his action, he's going to hurt him.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa na takbuhin ang kinaroroonan niya kahit pa na kumikirot ang paa ko. I can endure my pain but that wolf-guy, seeing him being hurt because of me ay hindi ko kaya. Based on what I saw last night, he holds the heart and respect of those creatures. And if those creatures knew that I lead him here and knew that he's dead because of me, I will be dead for sure.

Silver TongueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon