Chapter 5

115 15 4
                                    

Chapter 5


"Talaga ba na siya yung babae na isinaad sa propesiya na siyang tutulong at makakapagpabalik sa atin?"


"Hindi ko rin alam. Wala naman akong nakikitang palatandaan o marka ng ating lahi sa kanya."


Kanina pa ako gising pero agad din akong umakto na tulog dahil sa mga yabag na narinig ko patungo sa direksyon ko.


"Pero hindi naman siguro hahabulin ni Kameer ang nilalang na ito kung hindi nga siya ang itinakda. Pero kung hindi nga siya ang babaeng makakapagpabalik at tutulong sa atin ay sayang lang ang anim na taon na ginugol ni Kameer sa babaeng ito."


"Sayang nga ang lahat pero wala na tayong magagawa kung hindi ang bumalik ulit sa simula at hanapin ang babaeng nakasaad sa propesiya."


Nanatili akong nakapikit at hinintay ang susunod na sasabihin ng mga babae pero wala akong narinig sa kanila kaya idinilat ko ang aking mga mata at inilibot ko ang aking paningin sa silid kung nasaan ako pero wala na iyong mga babae kanina na naririnig kong nag-uusap. Inilibot ko sa ikalawang pagkakataon ang aking paningin at doon ko lang napansin na wala ako sa pamamahay ng Lola Gretta ko.


Shit! Nasaan ako? Isip-isip Criselda, isipin mo kung nasaan ka at paano ka napunta ka rito.


"Gising ka na pala, my Queen." Agad na naputol ang pag-alala ko sa nangyari kagabi, kung bakit at paano ako napadpad sa lugar na ito. Pero lahat ng katanungan sa isip ko ay agad na nasagot dahil sa pagsulpot ng lalaking nasa harapan ko na.


"Uuwi na ako." Sabi ko agad sa kanya at agad na tumayo pero nakalimutan kong natapilok pala ako kagabi at muntik nang matumba dahil sa sakit na naramdaman ko, mabuti nalang at nakahawak agad ako sa upuan na nasa gilid lang ng kama.


"Sa susunod kasi, huwag kang magpadalos-dalos. Dapat marunong kang makiramdam sa katawan mo kung may iniinda ka ba na sakit o wala dahil ikaw rin naman ang masasaktan sa huli. At sa sinabi mong uuwi ka na, ang sagot ko ay hindi pa pwede. You can't leave right now, you are safe in here, lalo na at kasama mo ako ngayon. Walang makakasakit sa iyo hangga't nandito ka sa akin." Saad niya sa akin at unti-unting humakbang papalapit sa gawi ko.


"Safe? Walang makakasakit sa akin?" I scoffed. "Naririnig mo ba ang sinabi mo? You think I would buy your excuses? You almost killed me back in our house that night. I almost get burned alive at muntik na akong kainin ng mga lobong humahabol sa atin kagabi, tapos sasabihin mong ligtas ako rito? Na ligtas ako dahil andito ka?"


"Safe? I can make you safe in here, my Queen. No one can harm you in this place for I rule the entire pack. Yes, of course. Hindi naman ako bingi para hindi ko marinig ang sinabi ko. No, it was not an excuse; I'm just stating the fact. No, I wouldn't dare to kill you that night, I am just trying to scare you and I did. But you almost killed me, my Queen. Werewolves doesn't want to eat you, they want to kidnap you." Nakangiting sabi niya sa akin habang sinagot niya ng isa-isa yung sinabi ko.


"Whatever! Tabi nga diyan!" Asik ko sa kanya at agad na nilagpasan ito. Wala kong pakialam kung mukha akong penguin maglakad dahil sa paa ako. Kung hindi niya ako iuuwi sa amin ay ako na lang mag-isa ang uuwi.


Lumabas ako ng kubo at bumungad sa akin ang preskong hangin. Agad akong napapikit nang dumampi sa aking mga balat ang malamig na simoy ng hangin. I inhaled the fresh air and welcomed it in my system. The breeze of the cool air is relaxing as well as the sound of the leaves swaying within the rhythm of the air.


"Welcome to the pack, my Queen."


"My Queen?" Biglang tanong ko sa kanya nang magmulat ako ng mata.


"There are things that are needed to explain but hard to tell. Will you entrust your safety with me, my Queen?" Tanong nito sa akin na ikinalingon ko sa kanya, kung kanina kumalma ako, pwes ngayon hindi na.


"Entrust my safety to you? Muntikan mo na akong mapatay nung tinulak mo ako at nabunggo ang likuran ko sa stove. Paano nalang kung hindi ako agad nakatakbo matapos kitang masakasak, eh di patay ako kung hindi pa ako nakalayo sa stove? How could I entrust my safety to you when you are leading me to danger? No, I can make myself safe. Thanks for the night, I better go."


"My Queen!" Sigaw nito sa akin pero hindi ako nakinig at lumingon.


Paika-ika akong naglakad, hindi ko alam kung nasaan ang mga lobo kagabi na muntik na akong lapain pero nagpapasalamat pa rin ako dahil wala sila rito. Hindi ako matatakot na maglakad paalis sa lugar na ito. Kahit pa na hindi ako makalakad ng maayos o abutin man ako ng siyam-siyam ay wala akong pakialam basta makarating lang ako sa bahay ng Lola Gretta ko. Nag-aalala na 'yun sila sa akin. Sana lang hindi atakehin si Mama sa niyerbos.


"Kahit kalian hindi niyo makukuha ng itinakda!" Rinig kong sigaw ng isang babae. "Kahit na anong gawin mo, wala kang mapapala na impormasyon tungkol sa akin."


Bigla akong kinabahan dahil sa narinig ko. Dumiretso lamang ako sa paglalakad, I should not meddle on someone's business dahil baka ako pa iyong mapag-buntunan ng galit nila, eh di ako na naman ang mapa-pahamak.


'Okay, Criselda. Act like you didn't hear a thing' Pauli-ulit na sabi ko sa sarili ko.


"Ahhhh!"


Napahinto ako sa paglalakad dahil sa isang sigaw. Tiningnan ko ang direksyon kung saan ito galing at doon ito galing sa pinagmulan ng boses na narinig ko kanina. Ilang beses kong sinabihan ang sarili ko na huwag makialam pero nakokonsensya ako.


"Ugh! Bahala na nga!" Kahit na hirap na hirap akong maglakad ay nagawa ko pa rin na makaabot na pinagmulan ng sigaw. Halos ma-istatwa ako sa nakita ko dahil sa isang napakalaking lalaki ang na nasa harap ko. Alam kong hindi ito kapre dahil mataas pa ang sikat ng araw. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko at ilang sandali na lang ay bibigay na ang mga ito. Sinulyapan ko 'yung babae na sumigaw kanina na nakasalampak sa lupa na parang nanghihina na.


"Kung wala rin naman akong mapapala sa iyo, mabuti pa ay patayin na lang kita!" Saad ng lalake na ikinalaki ng mata ko. Pero mas lalo pang lumaki ang mata ko when I saw him transformed into something. His bones started to crack audibly and his body's started to change into different form. Hindi kagaya nung lalaking nagdala sa akin dito na nakatayo sa apat niyang mga paa pero ang isang ito ay ibang-iba. He's standing in his two damn legs and yes, it's a werewolf, again!

Silver TongueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon