Chapter 9

53 7 8
                                    

Chapter 9

"Hindi ka na dapat pa bumalik, Criselda." Saad ni Mama sa akin kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Mama,"

"You are not safe here, Criselda. I know you're confused but Kameer will explain all of the things you need to know. Umalis na kayong dalawa habang maaga pa."

"Pero Mama,"

"Just do as I say, Criselda. Huwag mo kaming alalahanin ni Lola Gretta mo. We're fine, Sweety." Nakangiting saad ni Mama sa akin pero hindi ko magawang maniwala sa sinasabi ni Mama na maayos lang sila ni Lola.

"I won't go anywhere, Mama." Mariin na saad ko at agad na pumanhik sa itaas at pumasok sa kwarto ko.

At paano niya nakilala si Kameer? Kung makipag-usap si Mama sa kanya kanina ay parang kilalang-kilala na niya ito at parang matagal na silang magkakilala.

Ginulo ko ang aking buhok dahil sa hindi ko na talaga maintindihan ang mga nangyayari. Paano ba talaga nakilala ni Mama si Kameer? Alam niya ba na isang lobo ang kaharap niya? At kung maka-sabi si Mama na sumama ako kay Kameer ay bakit parang alam niya ang nangyayari sa akin ngayon?

I am starting to doubt if I am still in reality or in a book trapped within the pages. This is beyond reality! Hindi ko na ma-digest ang lahat. What happened to me these past few days is really unbelievable. At kung sasabihin ko man sa iba ay talagang walang maniniwala sa akin.

Humiga ako sa kama ko pero agad rin akong napabangon ng may mahigaan ako. At nang tingnan ko kung ano ito ay agad na kumunot ang noo ko.

Paano napunta ito rito? Akala ko nasunog din ito noong masunog ang aming bahay. Kinuha ko ito at agad na binuklat. I've been reading this book for years pero natigil lamang ito dahil sa nangyari noon. Regalo ito ni Papa sa akin when my twin and I turned nine. Akala ko talaga ay nasunog din ito. Binasa ko ang unang pahina ng libro at hindi ko maiwasan na alalahanin ang mga sinabi ni Papa sa akin noon kapag babasahin niya ang librong ito bago kami matulog ni Cristine, ang kakambal ko.

"You shall not read this story out loud, Sweeties." Paalala ni Papa sa amin dalawa ni Cristine.

"Why, Papa?"

"Because the monsters that lies in this book might hear your voice and might come out from the covers and devoured the two of you!" Pananakot ni Papa sa amin ni Cristine kaya agad kaming nagtalukbong at yinakap ang isa't-isa.

"Francis, you shouldn't have said those words, tinatakot mo lang ang mga anak mo!" Rinig kong sita ni Mama kay Papa kaya hinawi ko ang kumot para tingnan si Mama.

"Criselda," Tawag ng kakambal ko. Lumingon ako at ngumiti at agad na hinawakan ang kamay nito.

Sabay kaming bumangon at tinungo si Mama na nakatayo sa may pintuan, leaving our dad sitting at the edge of our bed. Yinakap agad namin si Mama at nagtago sa kanyang likuran.

"Tingnan mo ang ginagawa mo, Francis. You scared the hell out of them." Saway ni Mama kay Papa pero tumawa lamang si Papa at sinabihan kami ni Cristine na lumapit sa kanya.

We did what Papa told us, lumapit kami sa kanya at umupo sa kanyang tabi habang si Mama ay nasa may pinto pa rin at tinitingnan kaming tatlo.

"Did Papa scared my twin?"

"Opo." Sabay na sagot namin. Lumuhod si Papa sa harapan namin at hinawakan kami ni Cristine sa pisngi. Ramdam ko ang mainit niyang palad sa mukha ko.

"Remember what I told you about this book, okay. You shall never, ever read this book out loud. Do you understand, Sweeties?" Saad ni Papa sa amin kaya tumango kami ni Cristine.

As days, weeks, months and years had passed, my curiosity about that book became bigger and bigger when dad locked it in chest. Sa kagustuhan kong malaman ang dahilan kung bakit ayaw ni Papa na basahin namin ito ay hinanap ko ang susi at binuksan ito, without knowing that it will be the cause and start of something I never expected.

I opened the book entitled Silver Tongue, it's a werewolf story. At first, I thought it was just an ordinary book. I unconsciously read it out loud and strange things suddenly began. Curiosity can really kill a cat. And because of my curiosity I almost died. And if it weren't for my Papa and my twin, I am dead by now.

"Anak," Agad akong bumalik sa riyalidad nang marinig ko ang boses ni Mama. Tumayo ako at agad binuksan ang pinto ng kwarto ko.

"Mama,"

"Are you okay, Sweetie?" Tanong ni Mama sa akin, ngumiti lang ako sa kanya ng matipid habang pinipigilan ko ang sarili ko na ma-iyak at hinigpitan ko ang pagkaka-hawak sa libro.

Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Mama dahil bigla na lang sumakit ang ulo ko at kumikirot pa ang kanang braso ko at hindi ko alam kung bakit. I tried to calm myself and act like I didn't feel anything, that I didn't feel pain pero habang tumatagal ay mas lalo lamang lumalala.

Nabitawan ko ang librong hawak ko at agad akong napasalampak sa sahig. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang kamay ko, kung sa ulo ko na parang mabibiyak na sa sakit o sa kanang braso kong kumikirot.

Rinig ko ang pagtawag ni Mama sa pangalan ko pero hindi ko magawang sumagot sa tawag niya dahil hindi ko kaya dahil sa sobrang sakit. My head is burning like hell! Gusto kong magpagulong-gulong para mawala ang sakit pero kahit na gawin ko iyon ay wala rin mangyayari.

"Kameer! Tulungan mo kami, Kameer!"

Sumisigaw si Mama pero hindi ko ito maitindihan. Nakikita ko sa mukha ni Mama ang pag-aalala niya. Gusto kong sabihan si Mama na okay lang ako pero hindi ko magawa dahil habang tumatagal ay lalong mas sumasakit ang ulo ko at ang braso ko ay para ng pinapaso.

Namimilipit na ako sa sakit at rinig ko ang mga hagulgol ni Mama. Wala na akong maaninag dahil lumalabo na rin ang aking paningin. Umiiyak na rin ako dahil sa hindi ko na talaga kaya ang sakit na nararamdaman ko. Hanggang sa may naramdaman akong yumakap sa akin ng mahigpit at sa isang iglap lang ay nawala lahat ng iniindang sakit ko.

"Shhh. I am already here, my Queen." Rinig kong bulong ng isang pamilyar na boses. Gusto kong i-angat ang ulo ko para tingnan kung siya nga ba talaga ito pero hindi ko magawa.

"K-Kameer,"

"Nandito lang ako, hindi kita iiwan."

Silver TongueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon