Chapter 14

40 3 0
                                    



Chapter 14

"W-What? Of course not! At bakit naman ako mag-seselos?" Pabalik kong tanong sa kanya. Just what the hell is he thinking? Is he out of his mind?

"Just as I thought." Nakangising sambit niya and I just rolled my eyes at him but he never took his eyes off on me.

"Just continue, will you?" Inip kong saad sa kanya pero 'gaya ng nangyari kanina, he just smiled at me, revealing his perfect set of white teeth.

"Luna, she is the reason why we we're happy kaya labis-labis ang aming pagpapasalamat sa kanya. She gave us everything we need, lahat ng meron kami ay dahil sa kanya at kaya ka nandito ay dahil rin sa kanya. She is the goddess of all werewolves, siya ang pinagmulan ng aming lahi at ang kauna-unahang nilalang na nagmay-ari sa markang nasa braso mo at sa markang nasa likuran ko." Sandali akong napatigil sa pakikinig sa kanya, tumayo ako at agad na tiningnan ang likod niya. At kagaya nga ng sinabi niya ay may marka nga ito sa kanyang likuran niya na kagaya ng sa akin.

"Bakit ngayon ko lang nakita ito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya dahil ilang beses ko na siyang nakitang walang suot na pang-itaas pero hindi ko nakita ang markang kaparehas ng sa akin.

"It's because I covered you mark at hindi pa ganun ka-visible ang marka mo. Ang markang nasa braso mo at sa likuran ko ay konektado. Kapag tinakpan ko ang marka ng lahi ko ay hindi makikita ng sinuman ang markang nasa braso mo, ganun din ang sa'yo kaya hindi mo nakikita ang marka ko. I did that to protect you, dahil sa liwanag na nanggagaling sa marka na nasa braso mo ay maaari mo itong ikapahamak."

He told me that Luna was their goddess, na siya ang unang nilalang na nagmamay-ari sa markang ito. At si Luna at iyong babae ang dahilan kung bakit ako nandito at iyon ay para tapusin ang sinimulan niya.

What is her reason to let me bear their mark? Hindi ako naniniwala na dahil ako naka-tadhana kay Kameer at para tapusin ang sinimulan ng kung sino man na babae na yun, dahil pakiramdam ko na may iba pa na dahilan.

Napasabunot ako sa buhok ko dahil wala pa rin akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya.

"My Queen," Tawag nito sa akin, nakatingin lamang ako sa kanya habang ini-intindi ang mga sinasabi niya sa akin.

"But, what if the light stops? What will happen to me?" Tanong ko sa kanya.

"Aser, will come for you."

"Why?"

"Hindi mo ba natatandaan? You did something forbidden years ago."

"Years ago? Isa lang naman ang ginawa kong pagkakamali na habang-buhay kong pagsisihan. At iyon ay ang basahin ang librong Silver Tongue." Sagot ko sa tanong nito. "Iyon lang ang naaalala ko na ginawa ko noong mga panahon na iyon. Sumuway ako kay Papa dahil sa kuryusidad ko at dahil sa akin kaya sila nawala ."

"At dahil sa nagawa mo noon ay kaya ka niya gustong makuha. You made him with lust and greed for power and trapped him along the pages of the book. You made him to be the antagonist for the story you are making at para mas maging maganda ang istorya. Ginawa mo ang kwentong iyon isang taon bago ang kaarawan ng kinikilala mong kapatid at kakambal na si Cristine para ibigay sa kanyang kaarawan. And in the book, my brother died."

"W-Wait, paki-ulit nang sinabi mo! Did you just mention my twin's name, Kameer?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. "And how the hell on Earth did you know my twin?"

"I know everything, my Queen. At alam kong alam mo rin ang ibig kong sabihin. You wrote that book in order to give it to Cristine para sa kaarawan niyong dalawa. Am I right, my Queen?

"I think you're missing something, Kameer. Hindi ako ang sumulat ng librong tinutukoy mo. I am a reader and not a writer, okay? At tungkol sa sinasabi mong gumawa ako ng libro para sa birthday niya, I never wrote a story for her dahil hindi ako marunong gumawa ng kuwento. Siya ang gumagawa ng mga istorya at ako ay taga-basa lamang ng mga gawa niya." Saad ko kay Kameer at agad na umupo sa silya na malapit sa akin. Pero agad din akong natahimik at napa-isip dahil sa sinabi ko.

Naalala ko bigla ang sinabi ni Papa sa akin nung binigay niya ang regalo niya sa akin. Hindi ito ang regalo niya sa akin dahil galing daw ito sa isang taong napakamalapit sa akin.

"Si Cristine! Siya ang nagbigay sa akin ng librong ito!" Biglang sabi ko dahil posibleng si Cristine nga ang gumawa ng librong binigay ni Papa sa akin. Dahil bukod sa sinabi ni Papa sa akin noon ay wala na akong ibang maisip kung sino ang tinutukoy ni Papa maliban kay Cristine.

"Cristine?"

"Yes and I am sure of it na si Cristine ang sumulat ng librong ito. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nagkatotoo yung mga binasa ko sa libro." Saad ko sa kanya habang nakatingin sa librong Silver Tongue.

"Hindi ikaw ang sumulat ng librong iyan?" Gulat na tanong nito sa akin kaya napatingin ako sa kanya. "Talaga ba na hindi ikaw ang sumulat sa librong ito? Kung totoo ngang hindi ikaw, paano nangyaring nagkaroon ka ng aming marka?"

Tiningnan ko lang si Kameer ng may pagkalito. Mas lalo lamang akong nalito dahil sa mga pinagsasabi nito at paano niya nakilala si Cristine? Ni minsan ay wala akong na i-kwento sa kanya tungkol sa pamilya ko pero parang alam na alam niya ang tungkol sa akin. At wala rin akong naalalang may kilalang Kameer si Cristine.

Silver TongueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon