After 1,234,567,890 seconds naka cr din. Buti nalang talaga may nakita akong maid at tinuro sakin kung saan yung cr. Grabe yun ah. Pasabog! Kahit ako di ko kinaya yung amoy! pfft. Bumalik nako kung nasan sila mommy. Pagalitan nako nun. Ang tagal ko nawala.
Ok! Ready ko na yung tenga ko. "Jasmine? Bat antagal mo? Di ba sabi ko balik agad? Umupo kana dito hintayin natin yung anak ni Mr. Villafuerte! Dumating na kanina eh. Iinom lang daw sya." siguro pabebe yung anak ni Mr. Villafuerte? Ayoko pa naman sa pabebe! Tsk.
Kinuha ko nalang yung magazine na nasa table at isa-isa tiningnan para hindi ako mainip. "Ohh he's here!" nasara ko bigla yung magazine nang biglang magsalita si Mr. Villafuerte.
Agad kong tiningnan kung sino yung tinutukoy nya at nanlaki yung mata ko nang makita ko kung sino yun. "Ikaw!?" sigaw namin parehas. Teka? Anak sya ng business partner ni Mommy?
"Bakit may problema?" cold na tanong nya habang nakapamulsa. Ako naman napayuko nalang. Na-ka-ka-hiya talaga. "Bakit di ka pa ba kuntento na nahawakan mo yung abs ko? Oh baka gusto mo pa umulit sabihin mo lang." aba't talaga naman..
"HOY ANG KAPAL MO AH! HINDI KO NAMAN SADYA MAHAWAKAN YUNG ABS MO EH! kala mo naman meron talaga-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko.
Nang bigla nalang nagsalita si Mommy. "Jasmine? What type of attitude do you have? Do you think that is the proper way to talk? You're not in a Squater Area to shout." tumungo nalang ako. Lagi nalang bang ganyan? Alam ko babagsak na yung mga luha ko pero kailangan ko pigilan. Ayoko umiyak sa harap nila. Nakakahiya yun.
"Hayaan mo na Mrs. Dela Cruz. Hindi mo naman masisisi, Teenager eh." kahit papano parang nabuhayan ako ng loob nang magsalita si Mr. Villafuerte.
Nakatungo parin ako. "No Mr. Villafuerte, You don't understand if what is my point. For me, I want her to discipline because I don't want her to grow with-"
Pinutol na ni Mr. Villafuerte yung sasabihin ni mommy. "No Mrs. Dela Cruz, I understand your point but for me if you want her to grow with a proper attitude maybe discipline her at your home not in front of other. Don't stressed your self." Tama nga naman.
Ang pagdidisiplina ay ginagawa sa loob ng bahay. "I think you're right, Im so sorry Mr. Villafuerte. By the way, Jasmine magpakilala ka na muna sa anak ni Mr. Villafuerte." Tumango naman ako.
"H-hi I'm Jasmine Dela Cruz, Nice too meet you." Pakilala ko sabay lahad ng kamay ko para sa shake hands.
"I'm Keith Villafuerte." Pakilala nya pero hindi nya tinanggap yung kamay ko.
Nginitian ko nalang sya. Wala ko sa mood ngayon. at nag-usap na sila Mommy about sa business.
Julia's POV
Namimiss ko na si Princess. Bakit ba kasi kailangan pa namin lumipat eh. Inikot ko muna itong kwarto ko nang may nakita akong key chain sa lapag.
Bakit kalahati nalang yung heart? Sinira ba'to o ganto lang talaga yung pagkakadisenyo? Nilapag ko nalang sa ibabaw ng drawer nitong kwarto wala pakong panahon para harapin yan.
Binuksan ko na muna ang bintana ng kwarto ko sarado kasi lahat eh. Ang dilim tuloy "Julia?! Bakit mo binuksan iyang bintana?! ilang beses ko bang sasabihing wala kayong bubuksan na kahit ano!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si mommy kaya agad ko itong naisara.
BINABASA MO ANG
Bawal Mafall Sa PAASA
RandomMay mga tao talagang hindi mo alam kung mahal ka ba o trip ka lang talaga. Unang-una, parang wala kasi sa bokabularyo nila ang salitang "seryoso". Pangalawa, laging nagpapaasa! Yun bang mangangako sila tapos hindi naman nila tutuparin. Pangatlo, Pa...