Elaine's POV
Ahh, Ang sakit ng katawan ko. Ano ba kasing pumasok sa isip ko't sinubukan kong sumayaw ng wantusawa kagabi. Alas dos na nga yata ko nakatulog eh, tapos ito pang masaklap! Nakita ko kahapon si Xander na nasa labas ng bahay.
Basang basa sya ng ulan, Gusto ko sanang bumaba at yakapin sya kaso parang ayaw gumalaw ng mga paa ko. Batid pa nun, may biglang pumaradang kotse sa gilid nya at bumaba dun ang isang babaeng may anghel na mukha na syang nagpatong ng towel sa balikat nya.
Alam ko namang girlfriend nya yun dahil agad syang niyakap nito kahit basang-basa sya. Kaya siguro sya nagustuhan ni Xander dahil bukod sa mukhang anghel at maganda sya... Talagang mabait, halata naman sa kilos eh. Ako pa ba? Eh magaling yata akong kumilatis ng isang tao.
Tanga ko lang dahil hindi ko nakilatis mabuti si Xander nung mga panahong nagsasama pa kami, Masyado kasi kong naging kampante eh.
Kung tatanungin nyo naman kung anong ginawa ko sa mga oras na yun.. Ayun! Parang nanonood lang ng love story habang umiiyak. Ang OA ko 'no? Yung mga oras rin kasing yun hindi ko alam ang gagawin, Baka kasi kapag nilapitan ko sya at kinausap hindi ko kayanin ang maging paliwanag nya o magiging reaksyon nya.
Nagtatalo yung isip ko na kung paano kaya kung pumunta lang sya para sabihing hindi nya talaga ko minahal simula pa man noon? Ah basta! Hindi ko talaga alam ang gagawin ko, para akong naestatwa sa kinatatayuan ko nun.
Napahinto ako sa pag-alala ng tungkol kagabi nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko, Lumapit naman ako agad para buksan. "Mom?" Bakit nakabihis nanaman si Mommy? May lakad nanaman?
Tumingin sya sa ibang direksyon ng mapansin nyang nakatingin ako sakanya. "Mag-prepare kana, Mag-eenroll tayo sa bagong school mo." Kalmadong sabi ni mommy. Bagong school? Oh shit!
Pagkasabi nun ni mommy umalis na rin sya agad kaya sinara ko na yung pinto. Ito na nga siguro yung pagwawatak watak namin nila Julia, Daisy, Jasmine and ate Krisha. Naiiyak ako.
Nagprepare na 'ko gaya ng sinabi ni mommy pagtapos ko maligo, nagpantalon lang ako na fit and then blouse lang na color white. Tamad ako ngayon pumorma dahil mag-eenroll lang ako sa bagong school ko, Kahit naman sa iba na kami nag-aaral pwede pa naman kami mag-sama sama diba?
Bumaba na 'ko at si mommy nga lang ang kasama kong mag-enroll, tinanong ko sa maid namin kung nasa'n si Daddy at sinabi nilang may inayos lang daw tungkol sa business nya.
Umalis na kami at di rin naman nagtagal ang byahe namin dahil hindi naman traffic, Nagtaka ako nang huminto kami sa isang malaking gate. School ba 'to?
"We're here at St. Javier Academy, Your new school." Hindi ako nagsalita. "Kung may gusto kang hilingin, sabihin mo na. Basta siguraduhin mong yung kaya ko lang ibigay." Malamig na wika nya kaya umiling lang ako.
Kahit naman hilingin ko sakanya na mas gusto ko sa dating school ko alam ko namang hindi nya kaya ibigay eh.
Kaya bakit pa 'ko magrereklamo diba? "Ok na po ako dito." labag sa loob kong pag-sang ayon, mamaya nalang siguro ako mag-eemote pag nakauwi na kami. Kaasar naman kasi eh.
Pumasok na kami ni mommy sa loob at tyaka kami dumiretso sa Prinsipal's Office, Dito nalang daw ako mag-eenroll kasi mahaba ang pila sa gym. Alam nyo naman si mommy... Err, maarte. Chaarr! Baka mamaya biglang hablutin ni mommy buhok ko tapos masaktan nanaman ako. Okay na sakin yung panloloko at pananakit nya! Hugot 101! Hahahaha.
BINABASA MO ANG
Bawal Mafall Sa PAASA
RandomMay mga tao talagang hindi mo alam kung mahal ka ba o trip ka lang talaga. Unang-una, parang wala kasi sa bokabularyo nila ang salitang "seryoso". Pangalawa, laging nagpapaasa! Yun bang mangangako sila tapos hindi naman nila tutuparin. Pangatlo, Pa...