Chapter 2

619 39 4
                                    

Cyan's Pov

Napapa face palm na lang ako. Where is he? Kanina pa ako nagtetext sa kanya pero hindi pa rin siya nagrereply.

To: Hubby Ryler

Babe, where are you? Pag hindi ka nagreply mapapatay kita.

tinap ko ang send button.

Ryler magreply ka naman. Dalawang oras na akong naghihintay sa'yo. Geez, dapat hindi mo ako pinaghihintay. Gutom na ako.

"Cyan?" napaangat ako ng tingin.

"Ikaw pala Achilles." ngumiti ako ng malungkot sa kanya.

"Hinihintay mo si Ryler?" tanong niya sa'kin.

"Oo. Tabi ka muna sa'kin." alok ko sa kanya para makaupo siya. Napansin ko ang mga gamit na dala niya.

"Akala ko magkasama kayo. I mean nakita ko kasi siya kanina na may kasamang babae." paliwanag ni Achilles sa'kin.

Like WHAT!? May kasamang babaeng ang gago. Relax lang Cyan malay mo kaibigan lang 'yun o di kaya yung ate ni Ryler.

Oo, baka ata si Ate Xie or si Ate Eliza ang kasama niya.

"Baka si Ate Eliza or si Ate Xie o 'di kaya yung kaibigan nila na si Ate Hanie." sagot ko sa kanya. May tiwala ako kay Ryler.

"Teka lang Cyan sasagutin ko lang to." paalam ni Achilles nang tumunog ang cellphone niya. Tumango ako sa kanya.

"Yes, babe? I'm here sa lobby. Sinasamahan ko muna si Cyan. Babe, relax. Pababa ka na? Okay." tumawa ako ng mahina. I smell LQ in here.

"Pasensya na, Cyan. Mukhang mainit ang ulo ni misis ngayon." humalakhak na lamang kami. Kailangan kaya kami magiging ganito ni Ryler?

Namimiss ko na kasi ang mga lambing niya sa'kin. Miss ko na rin yung corny niyang jokes. 

"Cyan, you okay? Namumutla ka." hinawakan ni Ardy ang mukha ko. 

"Babe, wag kang mangasar kay Cyan." saway ni Achilles kay Ardy.

Ardy looks bloated.

"Nakakainggit kayo." sabi ko na wala sa sarili.

"Bakit?" concern na tanong ni Ardy.

"Kasi you still have time to each other. Hindi kayo nawawalan ng oras para sa isa't isa." dahan-dahan bumagsak ang mga luha ko.

"Cy, may problema ba kayo ni Ryler?" tanong ni Achilles.

"Hindi ko alam. Nararamdaman ko na ayaw na niya, nararamdaman ko na may nag iba na." gusto kong sumigaw pero hindi ko kaya gustong-gusto ko ilabas ang lahat ng hinanakit pero hindi pwede.

"Parang gusto ko nang bumitaw." 

TCQVSTCH: Seulement VousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon