Chapter 15

434 25 2
                                    

Cyan's Pov

Nakakapanibago talagang kasama si Light. Napaka kumportable ko sa kanya kahit na bagong kilala ko lang siya.

Kumakain kami ngayon and it's been 5 weeks simula nung naglayas ako. Wala pa naman sigurong balita na nawawala ang isang katulad ko at hindi naman siguro sila naghahanap, dahil hindi rin naman nila alam na nawawala ako.

"Hindi ba magagalit ang asawa mo?"

Binigyan niya ako ng munting ngiti habang patuloy siya sa pagkain.

"Don't worry nagpaalam ako sa kanya na may inuwi akong kaibigan na babae. And it will make her happy na may kasama siyang babae."

"Ah. Baka sabihin niyang inaahas kita, which is not true talaga. Hindi ba siya magtataka?"

"'Yon lang ba pinoproblema mo? May tiwala naman siya sa akin at alam niyang hinding-hindi ko kayang mangaliwa."

Patuloy pa din siya sa pagkain. May nagbago sa kanya hindi na siya matipid magsalita. Siguro nasasanay na sa presensya ko na lagi siyang kinakausap tungkol sa mga bagay-bagay at tungkol sa kanya.

"Nga pala, kung aalis ka dito, sinong makakasama ko?"

Ngumisi siya sa akin. "My wife will be here. Sigurado akong she will take good care of you. Bukas nandito na siya."

WHAT!? Ang asawa niya? Ang asawa niya ang makakasama ko? Baka brutal 'yon. Ipagkakatiwala niya ako sa asawa niya?

Itinigil ko ang pagsubo ko. Kailangan ko tanungin si Light tungkol sa asawa niya. Malay niyo, brutal pala ang asawa niya.

"Oh? Wala kang gana?"

"No, it's not that. I wanted to ask you something about you wife."

"Sure."

Nagpasalamat ako sa kalangitaan dahil akala ko hindi siya papayag na magtanong ako tungkol sa asawa niya.

"Ilang taon na ba ang asawa mo?"

"She's 24 pero hindi halata."

Ah! Mas ahead pala ako sa kanya ng 1 year. I am 25 pero hindi rin halata. "What do you mean by hindi halata?"

"She's small. Pang high schooler ata ang hight ng babaeng iyon."

Sana hindi siya brutal katulad nang nasa isip ko.

"Light, kasing edad mo lang siya?"

"Hindi ah. I am 26."

"Eh? Bakit hindi rin halata?"

"Because, I am handsome."

He smiled. Kanina pa siya ngiti ng ngiti sa akin. Hindi naman siya ganito ah. Masaya siguro 'to? Or reward ko lang?

Dapat na ba akong masanay na ngumingiti siya?

*******

Hindi ko alam kung anong oras na. Halos wala akong magawa dito. Kesyo ganito, kesyo ganyan. Ang OA rin nitong si Light. Ayaw akong patulungin sa mga ginagawa niya.

"Light naman..."

Huminga siya nang malalim bago tumuon sa akin ang atensyon niya. Papayag na kaya siya? He rolled his eyes on me.

"Bahala ka sa buhay mo." He said sternly.

Pwede ko ba siyang kurutin? Ang cute niya kasi e. Minsan napaghahalatan kong over protective siya. He is actually a bestfriend material.

Naisipan naming lumabas. Halos malagutan ako ng hininga sa nakakamanghang tanawin dito.

Habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilan magisip na tanungin si Light tungkol sa married life niya. Hindi naman siguro masama diba? Tutal mukhang mabait naman siya.

"Light." Tawag ko sa kanya.

"Oh?"

"Anong pangalan ng asawa mo?"

Naramdaman kong natigilan siya sa tanong ko.

"Bakit mo naman na tanong ang pangalan niya?"

Napakamot ako ng batok.

"Wala naman, baka maging magkaibigan kami." Natawa siya sa sagot ko.

"Stop laughing."

Patuloy pa rin siya sa pagtawa.

"Sorry, I can't help it."

Tumigil siya sa pagtawa at itinuon sa akin ang paningin niya.

"You don't have to know her name and hindi ko alam kung magkakasundo kayo."

"Huh? Bakit naman?"

"She's bitchy and sometimes sarcastic mas savage pa ata 'yon kesa sa pinsan kong si Tinnie."

Tinapik ko ang balikat niya. Ganyan naman talaga ang buhay.

"Lighty!?"

Napalingon kami sa nagsalit. Hindi ko inaasahan ang taong nagsalita. Siya!?

"Oh? I thought bukas ka pa darating."

Tinignan ako nung babaeng kausap ni Light. "Geez. I missed you, ass."

"Bitch." Bulong ni Light. "Nga pala Cyan meet my wife Ashley."

"Hi Cyrene Louise."

TCQVSTCH: Seulement VousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon