Chapter 8

468 30 5
                                    

Cyan's Pov

"Tinnie, I am sorry kung nakakaistorbo ako sa inyo." nakayuko akong humihingi ng paumanhin. Hindi ko na tinuloy ang pagpunta sa bahay nila Cj para magpalipas ng buwan baka kasi magsumbong siya kay Ryler.

"No, it's okay." ngumiti siya sa'kin.

Sa kanya ako dumiretso knowing na wala talaga siyang pakialam sa amin at sa nangyayari. She won't dare to tell anyone na pumunta ako sa private resort nila. Malayo-layo rin binayahe ko. I looked at her. Mukhang bagong gising magulo pa ang buhok at mukhang pagod na pagod.

"Si Aki?" tanong ko sa kanya.

"Natutulog pa. Sandali lang Ate aayusin ko muna sarili ko para makapaghanda ako ng makakain mo." tumango ako sa kanya. 

Tinnie is quite a good catch. Naikwento sa'kin ni Ken ang nangyari sa buhay nilang dalawa. In the end sila pa rin. 

"Ate Cyan?" nagtatakang tanong ng bagong gising na si Aki.

"Aki! Magluto ka na nga ang hirap hirap mo gisingin." sermon ni Tinnie kay Aki.

"Baby, naman." pagmamaktol ni Aki. Parang walang tao sa harapan nila. Para pa rin silang mga bata walang pinagbabago. Pero there so sweet iba 'yung bond nila.

"Isa."

"Oo na, baby. Magluluto na po." bumaling ang atensyon ni Aki sa'kin." Ate, anong gusto mong kainin?" tanong niya.

"Lomi." napanganga siya at natuwa. 

"Parang si Tinnie noon 'yung naglilihi siya gusto niya ng lomi pagkatapos nagbago ng isip tapos gusto lomi ulit." tinignan siya ng masama ni Tinnie at binatukan siya.

"Pabayaan mo siya, Ate Cyan." lumapit si Tinnie sa'kin at tinapik ang braso ko.

"Magluluto lang ako." pagpapaalam ni Aki samin.

"Ate, maupo ka muna and let's have this thing called girl talk." she winked at me. I followed her instruction.

"It seems na nagkakagulo kayo ni, Kuya." saad niya. Hindi naman iyon ipagkakaila. I knew it may iba na siya. Nagsasawa na siya sa'kin. Hindi na niya ako.

I touched my tummy. "Hindi ko pangarap na bigyan ng sirang pamilya ang baby ko. Ano bang gagawin ko, Tinnie? I don't want to born my baby na walang daddy." naiiyak na ako.

"Ate, stop crying na. Nakakasama 'yan sa bata. Does he know?"

"Hindi niya alam. Gusto ko munang lumayo sa kanya. I want to know if he still value me." nahilamos ko ang palad ko.

Isang napakalaking problema.

"What do you mean?"

"I think Ryler is having an affair. May kabit siya at hindi ko pwedeng baliwalain. Nagsumpaan kami ni Ryler sa harap ng Diyos." nanginginig na ako.

"Damn! Aki, I need water please." pilit akong pinapakalma ni Tinnie. Inabot niya sa'kin ang isang basong tubig.

"What happened?" tanong ni Aki.

"I don't know. Bigla na lamang siyang nanginig. Okay ka lang ba, Ate? Hindi ba masakit ang puson mo?" nagaalalang tanong sa'kin ni Tinnie.

"Okay lang ako. Siguro stress lang to." mapait akong ngumiti sa kanila.

Pilit kong iwinawaksi sa isip ko na hindi totoo ang nakita ko pero alam na alam ng utak ko ang totoo.

"Masama 'yan sa pagbubuntis mo." tinignan ni Tinnie si Aki. "Baby, siguro dalhin muna natin sa malayo-layo 'yung walang nakakastress sa kanya. Maybe we can bring here dun sa private resort namin sa Davao Oriental. Let's see kung hindi pa malaman ni Kuya Ryler ang value ni Ate Cyan." I heard Aki's agreement in Tinnie's suggestion.

"I want space. Away from him and everything."

Nakapagdesisyon na ako. Magpapakalayo muna ako. Malayo sa kanya.

Baby, kapit ka lang kay mommy. Aalagaan kita.

TCQVSTCH: Seulement VousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon