Chapter 13

472 30 4
                                    

Cyan's Pov

Lumabas ako ng bahay at nagmamadaling umalis. Ang kapal talaga ng mukha niya. Pero, siguro mabuti na lamang ay umamin siya na totoong may kabit siya kesa naman maabutan ko silang naghaharutan.

Hindi niya ba talaga ako hahabulin? Hindi ba niya iisipin na baka may masamang mangyari sa aming ng baby niya?

Nilakad ko ang ang daan papuntang park. Nang makarating ako doon ay agad akong umupo sa isang swing. Buti na lang at walang tao rito siguro kong meron magmumukha lang akong tanga.

Binigyan ko lamang siya ng isang buwan na palugit, dahil medyo naguguluhan na ako sa sitwasyon namin. 

Hinawakan ko ang maumbok kong tiyan. "Baby, hindi ko pinangarap na mabigyan ka nang isang sirang pamilya. Ako na lang, ako na lang ang magmamahal sa'yo." 

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil alam kong anumang minuto ay tutulo na ang mga luha ko. Gulong-gulo na ako sa sitwasyon namin. We're always in the up's and down's masyado nang nakakapagod.

Akala ko luha ang pumapatak 'yon pala. ULAN.

May isang taong dumating para lamang payungan ako.

"Sabi nila, masama sa buntis ang magpaulan. 'Wag ka dito magmoment." Akmang hahawakan niya ang kamay ko pero tinabig ko lang iyon.

"Sino ka ba? Kanina ka pa ba dito?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.

"Light Cordova at your service, and to answer your question it's a yes. Kanina pa ako nandito." 

"Ahh." Bahagya akong napayuko dahil sa kahihiyan. May tao pala dito nakakahiya naman 'yung ginawa ko.

"Saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita sa inyo." Alok niya pero umiling lamang ako.

Cordova?

"Kaano-ano mo si Tinnie?" Wala sa loob na tanong ko.

"My sister, but don't worry I won't tell her it's a secret that we can keep." Gusto ko siyang sungitan pero nagmamagandang loob lamang siya na tulungan ang isang katulad ko.

"I don't want to go home. Can you just leave me alone?"

"I can't leave you nasa vulnerable state ka. Atsaka buntis ka, ayokong mapahamak ang baby. Kukunin mo pa akong ninong e." Napangisi ako sa sinagot niya.

He is indeed a Cordova.

Sa ngayon siya lang taong makakatulong sa akin.

"Light, right?" Tumango siya. "Take me away from here just for one month." He smiled sincerely. Inalalayan niya ako patungo sa sasakyan niya.

I can trust him, right?


TCQVSTCH: Seulement VousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon