Chapter 6

482 30 0
                                    

Cyan's Pov

Grabe ang hirap naman makisama sa mga bago naming kliyente. Masyadong nakakainis. Sumasakit 'yung sentido ko kakaisip.

"Seems like you're in a bad mood."

Tinignan ko ng masama si Cj. Grabe ngayon pa talaga tapos dito pa sa cafe. Sana man lang dinner or lunch.

"Okay ka lang, Cyan?"

"Ahh! Oo, Cj. Okay lang ako. Nga pala tumawag o nagtext na ba si Ryler?"

"Hindi pa."

Kanina ko pa hinihintay ang text ni Ryler. Ni Hi o Ho hindi siya nagpaparamdam. Wala ba siyang balak kumustahin ako? Hindi ko mapigilan mapaluha. Bakit ngayon pa? Nakakaasar na siya eh. Ngayon pa ba siya magsasawa sa'kin, may laman na ang tiyan ko. 

Flashback

Maaga akong nagising dahil parang may humuhukay ng sikmura ko. Para akong naduduwal. Nahihilo ako.

Dahan-dahan akong bumangon sa kama at pumunta sa banyo. Duwal ako ng duwal. Ano bang nangyayari sa'kin? May sakit ba ako?

Nagmumumog ako at idinial ang numero ni Cj.

"Cj?"

"Yes?"

"Puntahan mo ako. Please may problema ako."

"Okay. I'll be there magpapaalam lang ako kay, Mj."

"Sige. Pwede ba bilihan mo ako ng PT."

"What!?"

"PT. Nagbabakasakali lang ako."

"Osya sige."

Ibinaba ko ang tawag at idinial ang numero ni Ryler. Pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Ano bang nangyayari sa kanya?

Ilang minuto bago nakarating si Cj.

"Ano na?" tanong ni CJ nang makalabas ako sa Cr.

Kinakabahan ako. Paano pag meron talaga? 

"Dalawang linya." saad ni Cj. Nasapo ko ang dibdib ko. 

"Buntis ako."

End of Flashback

"Hindi pa ba niya alam?" tanong ni Cj.

"Hindi pa."

Ano kaya ang magiging reaksyon niya pagnalaman niyang buntis ako? 

TCQVSTCH: Seulement VousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon