Chapter 10

443 26 0
                                    

Cyan's Pov

"Ate, sorry." paghingi ng paumanhin ni Aki.

Bigla kong naalala na alam na pala ni Ryler kung nasaan ako. Kaya palipat-lipat kami. Hindi naman ako pinapabayaan nila Tinnie.

Naiistress ako. 4 months na ang dinadala kaya bawal akong mastress.

"It's okay. Hindi mo naman sinasadyang sabihin kay Ryler." marahas akong napabuga ng hangin.

Di bale magiisip ako ng paraan para makatakas.

Hindi na ako safe dito, anumang oras ngayon ay alam kong pupuntahan ako ni Ryler. Sawang-sawa na ako sa set-up namin.

Napapaisip ako na mahal pa ba niya ako? Kapalit-palit ba talaga ako?

"Ate Cy, don't stress yourself nakakasama 'yan sa baby." matamis na ngiti ang naitugon ko kay Tinnie.

"Nagaalala lang naman ako baka p-"

"Kasi pupuntahan ka ni Kuya Ryler? Natural lang na pupuntahan ka niya, he's your husband and may responsibilidad siya sa'yo. In the first place ikaw rin naman ang mapapagod kakatago sa kanya, pinapaasa mo lang 'yung tao." putol ni Tinnie.

Sapol! Tagos hanggang buto ang sinabi niya. Tama namam siya. Ryler has all the rights para puntahan ako dito. Matigas lang talaga ang ulo ko.

"Maybe your right, Tinnie. Pero hindi mo alam ang buong kwento." sumeryoso ang ekspresyon ni Tinnie.

"Don't get me wrong, Ate, kung para kang daga kakatago sa kanya mas mabuti pang umalis ka na. If you're stressed out, it ain't my fault nagsasabi lang ako ng totoo." napatigalgal ako sa sinabi niya. "And it's up to you kung patuloy ka magtatago dito sa poder ko." napatungo ako sa sinabi niya.

Tama nga sila matalino nga si Tinnie at mas lalong hindi nakikipagcooperate ang nasa isip niya at ang kanyang sasabihin.

"Mas lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo."

TCQVSTCH: Seulement VousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon