Chapter 17

428 16 0
                                    

ANOTHER MEMBER
______________

'Salamat naman kompleto na ulit kami.'

ELLA's POINT OF VIEW

Salamat naman dahil kompleto na ulit kami. Napahinga naman ako ng malalim.

"Rold, malapit na ba tayo?" Tanong ko kay Harold na nagmamaneho.

"We're half way there." Sabi niya.

Napatingin naman ako sa mga kasama ko. They are all resting. Kalingan ko na ding magpahinga. Nakita ko naman na si Jacob na ang nagmamaneho at si Harold naman ay nakapikit na ang kaniyang mga mata sa shotgun. Tumayo naman ako at pumunta kay Jacob.

"Hey." Bati ko sa kaniya.

"Ikaw pala Ella." Sabi niya at nginitian niya ako.

"I hope that this misery will be over..." Dagdag niya. Nakita ko naman na nilalaro ni Jeb ang giyan ng kaniyang asawa. I hope this will be over.

Narinig ko naman ang pagputok ng baril sa taas ng RV. Napakunot naman ang noo ko.

" don't worry. Si Vine yan, siya na daw ang bahala sa Zombie na naghaharang sa daan." Paliwanag ni jacob. Nakita niya pala ang expression sa mukha ko.

"Stoop the RV!" Rinig naming sigaw ni Vine. Nakita ko naman na nagising nito si Harold at ang iba pa naming kasama. Napahinto na din si Jacob sa pag Takbo ng sasakyan. May natinig din akong mahinang pagbagsak galing sa itaas ng sasakyan at nakita kong tumatakbo si Vine papunta sa parang fast food restaurant malapit lang sa sasakyan.

"Hey! Where are you going!" Sabi ni Harold habang bumababa sa RV. Sinundan ko naman sila. Tumakbo ako ng mabilis para maabutan si Harold kaso hindi ko talaga maabutan. Ano naman ang maeexpect mo sa isang basketball player diba?

Nilibot ko naman ang aking paningin. Familiar yung street na to ah...

"Huy."

"ASSKKJFKMSBK!" Napatalon naman ako dun ha!!! Ano ba naman kase ang isang to! Bigla bigla nalang sumusulpot!

"Sasapakin kita jan Josh eh!" Sabi ko habang tinataas ko ang kanang kamay ko sa kaniya. Tumawa naman siya at nilagay ang dalawang kamay sa ulo niya as defense.

Naputol ang pagtatawa ni Josh nung may narinig kaming pagpapaputok. Nag sign naman siya sa akin na puntahan namin iyon. Mabilis kaming tumakbo at nakitang may dalawang Zombies na na humahabol kay Vine samantalang may buhat si Harold na isang tao na walang malay.

Kinasa ko na ang baril ko at sinimulan ang pagbabaril sa Zombie. Nabaril ko naman ang dalawa at tumakbo na papalapit kina Vine at Harold.

"Help us. I know this girl. Nakita ko siya na tumatakbo habang sinusundan ng Zombie pero nahimatay siya. Kaya tumakbo nalang ako papunta sa kaniya." Sabi ni Vine habang inaalayan si Harold na binababa ang daladala niyang tao.

"Sino ba yan?" Tanong naman ni Josh.

"Her name is Udani. One of my Martial Arts teacher." Pagpapaliwanag nito kay Josh. Napatingin naman kami sa likod nung narinig namin ang busena ng sasakyan.

"Guys hurry! There's a crowd of Zombies running toward us!" Sigaw ni Almery habang ang iba ay nagbabaril. Tumakbo na ako at si Josh at si Harold naman ang nagalalay kay Udani papuntang sasakyan.

Binilisan naman ni Jacob ang pagtakbo nung nakapasok na kaming lahat. Ginamot naman ni Jannara at Samantha si udani habang lahat kami ay nagpapahinga. This is really a exhausting day...

SUNNY RISE: Escape From The City Of Zombies!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon