Chapter 7

1.1K 49 20
                                    



Tulala akong nakatitig sa kawalan. Gusto kong pumatay ng endangered species ngayon, pero mas matutuwa ako kung si Ry yung maitutumba ko.

Nagtataka na ang mga kaklase ko, Kakabalik lang nila kanina at naabutan nila kong nakaupo sa sahig habang bumubulong ng paulit ulit.

"Dimunyu dimunyu dimunyu."

"Anong nangyari kay Syrine?" Nagtataray na tanong ni Hens kay Liam.

Kahit tulala ako napansin ko pa rin ang pagkadepressed ng mukha ni Liam, "Ang dumi dumi ko na," Lutang rin na sagot nya kay Hens.

Naririnig ko sa likod ang tuwang tuwa pagkanta ni kupal, "Pepitu manalutu eng swerte ke ey todow todow~" Tapos uulitin nya lang din sa umpisa. Tang*na depressed na depressed na ko!

Dahan dahan kaming lumingon ni Liam sa likod, "Argh!" Sabay din kaming naduwal! Shet I feel you bruh!

"What's happening ba?" Walang sumagot sa tanong ni Hens.

"Ang dumi dumi ko na huhuhu~" Slow motion na tumakbo palabas si Liam ng room. Gagi yung takbo nya pang anime na babae! Lalo kong naduwal sa nakita ko!

Agad naman syang sinundan ni Hens, may mabubuo na yatang libogan este pagmamahalan dun sa dalawa shet.

Nagulat ako ng may humawak sa braso ko, "Sy takbo ka din ng ganun tapos hahabulin kite yieeee!"

Nakita ko ang mukha ni Ry at fvck!

Di ko na kinaya at nasuka na ko ng tuluyan! Putang*na I feel so harassed!

Naramdaman ko ang paghawi ni Ry ng buhok ko at ang paghimas himas nya sa likod ko. Tsanggala! Sinasama nya sa paghimas yung lock ng bra ko! Balak yatang tanggalin ng kolokoy shit.

"Luh? Halik lang ginawa natin nabuntis ka na? Hindi naman nilalabasan bunganga ko ah?"

And for the second time nasuka nanaman ako, Tsanggala! Nakakadiri yung sinabi nya!

Tumingin ako sa mga kaklase ko pero para silang nanigas na yelo sa pagka estatwa. Mukhang nashook sila sa kissing news putek.

"Family stroke..." Mahinang turan ni Gale. Shet! Pameleh stroke! Para kong masusuka ulit!

Nasapo ko na ang bunganga ko sa pagpipigil sa pagsuka, "Chulong..."

Mukhang ngayon lang nila narealize ang kalagayan ko at dali dali nila kong tinulungan tumayo, "Buntis ka na? Belated happy mothers day sayo!" Lutang na sigaw ni Gale sa mukha ko. Fvck mukhang di pa nagsi-sink in sa kanya ang nangyari.

Na out of balance ako dahil pakshet mga pre nanghihina tuhod ko!

"Luh nabuntis ka talaga ng laway ko? Galeng~" Todo ngisi sakin si kupal, Dimunyu ka.

"Hehe lika halikan ulit kita! Pahabol pa tayo ng isang sperm para maging kambal ganern!" Pilantik nya sakin. Tang*na ka! Lumayo ka sakin! Ayup ka.

"Happy mother's day sayo!" Malakas at wala ulit sa sarili na sigaw ni Gale... Di sakin. Nakatapat na sya ngayon sa pader. Fvck mukhang nashook ng sobra pagkatao nya!

"Uuwi na ko..." Nanghihina na talaga ang katawan ko putek.

Isang halik lang yun ah pero parang gusto ko ng mabura sa mundo! Pano pa kaya si Liam na nalaplap ng kupal na to? Yak! Tsanggala di ko kayang isipin.

Napahinga ako ng malalim, shet! Yung tuhod ko parang gelatin nanlalambot.

"Buhaten na keta," Suggest ni kolokoy.

Tatanggi pa sana ko pero wala na kong nagawa ng buhatin ako ni Ry. Di pa bridal style tanga di uso yun sa kanya!

Binitbit nya ko sa bewang ko at itinakbo palabas, "Uwi na kami! Gagawin naming walo yung dinadala nya!"

My Brother Is A Complete Idiot.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon