Chapter 13

84 8 0
                                    



"Gising na sya!"

"Oh walang aawat walang aawat!"

"Tang*na gumagalaw yung mata nya gosh!"

"Syyyyyyy!"

Ang dami kong naririnig sa paligid ko pero nangingibabaw ang boses ni Ry na kala mo nawawalan ng itlog sa lakas ng boses.

Tsanggala ang iingay ng mga to? Tsaka bakit ang daming tao sa kwarto ko?

"Sy! Bibi ku! Dadi iz hir!"

"Wag mong hilain yung katawan ni Syrine paalis ng kama tanga!"

Ramdam kong may sawang nakapulupot sa bewang ko, putek si Ry to!

Sya lang naman ang lumilingkis sa katawan ko na kala mo pusit kung makakapit.

"Endeeee! Sy beyutipul my dir sind nudes!"

Tantado! Nagfe-feeling arabo amp.

"Ilayo nyo muna sya malalaglag ang pasyente namin!"

"Ge chubukan nyo ko hawakan! Kala nyo masakit kala nyo masakit sige pakyu kayo mamatay na kayo mamatay na kayuuuuu~" Dinig kong sigaw ni Ry habang unti unting naglalaho ang boses nito.

Mukhang nabaltak na si gag* palabas.

Sinubukan kong imulat ang aking mata pero di ko magawa, maski ang pag galaw ko ng katawan ay di ko rin kaya!

Watdapak ano bang nangyayari?

"Check the vitals of the patient," Ramdam ko na maraming tao ang nakapalibot sakin.

Tsanggala feeling ko nasa kulto ko!

Ang dami nilang sinasabi na hindi ko na maintindihan.

"All good doc, normal na po ang brain activity nya."

What?

Wait wait! Doctor raw?

Inalala ko kung ano nga ba ang nangyari kanina. May bata akong iniligtas, then...

Fvck! Di ko maalala!

"Syyyyy!"

"Ryver di pa tayo pwede pumasok!"

"Bat ako matatakut!"

"Sir you need to stay outside, chinicheck pa ho namin ang kondisyon ng pasyente." Mahinahong paliwanag ng babae.

"Edi icheck nyo, dito lang naman ako ah manunuud lang naman damut damut."

Kahit di ko makita ang mukha nya alam kong nakanguso nanaman sya. Tantado di nga raw pwede ang kulit amp.

Sinubukan kong muli idilat ang mata ko pero pakshet na yan di ko talaga kaya.

"O-Oh! Gumagalaw yung daliri ni Sy!" Tanda ko ang boses na to, isa to sa mga boses ng kaklase ko pero di ko lang mafigure out kung sino.

"Waaahhh! Sy!" Nakaramdam ako ng pagyakap sa leeg ko.

Putek I can't breath!

"Gag* papatayin mo si Syrine!"

"Ay suri nadala lang ng pelengs hehehehe."

Lumuwag ang pagkakapit nya sakin pero di sya umalis. Tsanggala kung nagagalaw ko lang tong katawan ko natadyakan ko na to.

"Hey Miss Syrine, can you hear us?" Hindi ko kilala ang boses na to, I think sya yata yung doctor. His voice is masculine at kalmado.

Hindi ko alam kung paano ako sasagot but I tried to lift up my finger.

My Brother Is A Complete Idiot.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon