"Syrine hinihika ba yung isda?"Don't fucking answer...
"Paano umirap yung isda?"
Wag mong pansinin mananahimik din yan...
"Eh umuungol din ba sila?"
"DI KO ALAM TANUNGIN MO YUNG TILAPIA SA REF TUPANG INA!"
"...di na yun humihinga Sy?"
"PUTEK I-CPR MO!" napatayo na ko sa kinakaupuan ko.
Tsanggala seryoso? sino ba mas matanda samin? Sya ba o ako? Sumasakit yung apdo ko sa kupal na to!
"Ni-cpr ko na, pinush push ko pa nga chest nya kaso di ko na marevive Sy, inimbalsimo na sya ni mama."
Oh fvck. Napahilot ako sa sintido ko, "Ry lumayo-layo ka muna sakin nandidilim paningin ku sayu dimunyu ka."
"Ihhh peleten mo mona ko~" sabay twinkle twinkle ng mata.
Napapikit ako ng mariin. Nandidilim na talga paningin ko parang usto ko buhayin yung isda!
Putek kung pwede ko lang buhayin yun para sya na yung tanong-tanungin ng kumag na to gagawin ko!
"Sy Sy dali peleten mu kuw~"
Naihilamos ko na lang ang mga palad ko sa mukha ko, "MAAA!"
Pagkasigaw ko agad na bumukas ang pintuan sa kwarto ko, "Ryver sumama ka na sakin bago pa bumanlag yung paningin sayo ng kapatid mo." Emotionless na turan ni mama pagkapasok na pagkapasok nya.
"No!" ang o.a ng kumag na to makasigaw ng no, kala mo talaga.
Napadilat ako ng may naramdaman ako na parang may malagkit na bagay na dumampi sa pisngi ko... fvck.
"Bakit mo ko hinalikan?!"
"Oy di ah, dinilaan lang kita tanga."
Mas lalong kadiri yun huta!
Lumingon ako kay mama, "Ano ma! Elp naman dyan palayasin nyo na t—"
"No! Nalawayan na kita kaya aken ke ne hehehe pereng tenge te." turan ni buang sabay dalagang Pilipina.
"Ma! Please ilayo nyo na sya sakin!"
"Eseng delegeng pelepene yeah~" Pahabol na kanta nya bago sya hilahin sa kwelyo ni mama.
PUTEK DI KO YAN KAPATID!
───────────────
E n d O f P r o l o g u e .
BINABASA MO ANG
My Brother Is A Complete Idiot.
Ficción General"You're the girl I kidnapped, and you watch me go crazy." -R y v e r .