Starting my Forever with you 6

63.4K 831 203
                                    

Chapter 6

Napabalikwas ako sa higaan. Naramdaman kong basa ng luha ng ang pisngi ko. Nananaginip pala ako. 5:00 AM palang ng umaga. Wala akong pasok sa trabaho ngayon.

Napanaginipan ko na naman ang lahat. After 5 years...sobrang sakit pa din. Sobrang fresh parin ang lahat. Hanggang ngayon wala parin nagbabago. Siya parin ang isang nakakapagpaiyak sakin.

Bumangon ako para pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Naabutan ko si Auntie Thelmang nagluluto ng agahan.

Si Auntie Thelma, siya na ang bago kong kasama. Si Mama at Papa nasa Iloilo na nakatira kasi nagtayo na si Papa ng business doon. Gusto akong isama ni Mama, pero hindi ako pumayag. Nasa maynila na ang buhay ko. Ang trabaho ko at syempre......ang nag-iisang alaala ng pinakamamahal ko.

Dahil sa hindi ko pagpayag na lumipat na ng Iloilo, pinasamahan na lang ako ni Mama kay Auntie Thelma. Siya ang katiwala nila Mama mula ng dalaga pa siya. parang kasing edad lang siya ni Mama at siya ang nagaalaga at nagbabantay sa akin.

Thelma: Nanaginip ka na naman???

 Hawak ko ang baso ng tubig. Ininom ko iyon at umupo sa upuan.

Kath: Opo.

Tumingin siya sakin.

Auntie: Birthday  niya ngayon diba??

Tumango ako.

Alam ni Auntie ang birthday ni DJ dahil nakasulat ito sa sa isang kapirasong papel na nakadikit sa ref namin.

Lumapit ulit ako sa ref at kinuha ang maliit na papel na iyon.

Ngumiti ako at sinabing

 

Kath: “Happy 25th birthday DJ!!”. Mahina kong sabi.

Lumapit si Auntie sa akin at hinaplos ang likod ko.

Auntie: Inihanda ko na ang mga dadalhin mo para mamaya.

Ngumiti ako. Nakasanayan na kasi ni Auntie Thelma na magluto para sa birthday niya. Mula kasi ng umalis si Mama, siya na ang pinagbibilinan ko ng lahat.

Tumayo ako.

Kath: Salamat po. Sige Auntie akyat po muna ako.

Bumalik ako sa kwarto. Sumandal ako sa headboard ng kama.

After five years........siya pa rin. After five years masakit pa rin? Bakit ganon?? Bakit hanggang ngayon wala pang niisang nakabukas ng puso ko? Naka-locked pa rin ito.

Naalala ko ang scrapbook niya. Binigay sa akin ito ni Tita Karla bago sila umalis papuntang states kasama si Carmela at Ate Roanna. Nag-migrate na sila. Naalala ko pa nung nagpapaalam siya.

MY HEART SAYS "IT'S YOU" BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon