I dedicated this chapter to my beloved pamangkin MaryJoyPelingon!! thank you sa pagbabasa!!
CHAPTER 52
BRENT’S POV
Hindi sinasadyang nagkita kami ni Kath. Palabas siya ng clinic ng makabangga ko siya. parang wala siya sa sarili. Namumutla at parang may sakit. Makita ko lang talaga si Kath parang nagliliwanag na ang mundo ko. Ganoon ko siya kamahal.
Parang matutunaw ako ng magtama ang mga mata namin. Galit siya. Bakas sa mata niya. Galit na galit siya. Alam kong nasasaktan siya kaya pinagtatabuyan niya ako. Bakit kasi naiipit ako sa mga bagay na pareparehong mahahalaga sa akin?
Si Kath.....na katumbas na ng buhay ko....unti unting nawawala dahil sa kapabayaan ko. Kailangan kong pumili o nakapili na ako dati pa hindi ko lang talaga alam kung ano o nasaan si Kath sa pagpipilian ko. Mahal ko siya...no doubt. Mahal na mahal pero kaya ko bang talikuran ang isang pangakong ginawa ko sa taong mamatay pag nawala ako?
Dead END. Yon ang sitwasyon ko ngayon. Kahit na alam ko ang daan papunta kay Kath...kusa akong lumiko sa maling daan. Ang hirap.
ROBIE’S POV
Tinawagan ako ni Auntie Thelma sa telepono. Nakauwi na pala siya galing sa Ilo-ilo. Hindi pa raw bumababa si Kath mula kanina pa. Mula ng pagbalik daw niya kanina ay hindi na lumabas ng kwarto. Hindi pa raw ito kumakain.
Nagaalala ako. ano na naman kaya ang nangyari sa kanya? Sabi ni auntie Thelma napapansin na raw niya na may pagkamoody si Kath. Hindi ko naman masabi sa kanyang dala ng pagbubuntis. Natatakot kasi akong malaman ni Tita Min.
Robie: Kath...sabi ni Auntie hindi ka pa raw kumakain...kumatok ako. Pareho kaming nasa may pinto ni Auntie Thelma
Kath: Hindi ako gutom! Leave me alone!! Sigaw niya mula sa loob. Nagkatinginan kami ni Auntie.
Thelma: ano bang nangyayari sa kanya? Dati nga hindi naman siya ganyan kahit na nahihirpan siya hindi siya naninigaw. Takot na sabi ni Auntie Thelma. Gusto kong matawa. Biglang bigla kasi ang pagsungit ni Kath. Kahit naman kasi stress yon ay hindi talaga iyon naninigaw.
BINABASA MO ANG
MY HEART SAYS "IT'S YOU" BOOK 2
FanfictionMy mind might forget you, but my heart says....it is you.....it's always you - DJ on Kath When he died......I even lost my life...and my heart.....siya lang ang lalaking gusto kong makasama...habambuhay. So how I can move on???? How can I live my...