Chapter 29
BRENT’S POV
Pagkahatid ko kay Kath ay pumunta na ako sa isa ko pang meeting. Hindi ko na sinabi sa kanya na may meeting kami para hindi na siya mag-alala pa. Alam kong magpupumilit lang iyon sumama.
Natapos na ang meeting, gabi na ng makabalik ako at malapit na ang dinner. Dumaan muna ako sa isang restaurant para magtake out ng dinner naming dalawa.
Pagbalik ko ng kotse ipinatong ko ang pinamili ko sa katabing upuan. May napansin ako.....panyo. kapareha ng panyong napulot ko sa conference hall. Madahan kong kinuha ang panyo.....inamoy....
Brent: Bakit nandito ang panyo? Hindi ko naman dinala to kanina huh?....hmmm...siguro nadala ko. Nako, muntik pang mawala.
Umakyat na ako sa room ko. Ilang rooms lang ang pagitan ng kwarto naming dalawa. Masakit ang paa non..hindi masyadong makakagalaw yon kaya alam kong hindi pa siya kumakain. Ibinulsa ko ang panyo at dumerecho na lang sa kwarto ni Kath.
Kumatok ako. Walang sumasagot. Kumatok ulit ako. Wala parin? mas nilakasan ko ang katok. Kinabahan ako ng wala pa ring sumasagot mula sa loob. Ano na namang nangyari sa kanya?
Madali akong tumawag ng bellboy para ipakuha ang susi ng kwarto niya.
Brent: Kath!!!
Dumating na ang bellboy at madaling ibinigay sa akin ang susi. Pabukas na ako ng bumukas ng kusa ang pinto.
Sumilip si Kath mula roon.
Kath: What the hell is this?
Sinenyasan kong umalis na ang bellboy.
Brent: Bakit hindi ka kasi sumasagot???
BINABASA MO ANG
MY HEART SAYS "IT'S YOU" BOOK 2
FanfictionMy mind might forget you, but my heart says....it is you.....it's always you - DJ on Kath When he died......I even lost my life...and my heart.....siya lang ang lalaking gusto kong makasama...habambuhay. So how I can move on???? How can I live my...