Starting my Forever with you 11

57.4K 727 67
                                    

Chapter 11

Hindi ako makalabas sa kwarto ko. Hindi ko kasi alam kung pano pakikiharapan si Brent Arellano. Wala na yata akong mukhang ihaharap sa kanya. Nagpadeliver na lang ako sa kwarto ng makakain. Mahirap na baka makasalubong ko naman ang lalaking walang kasing sungit na katulad niya.

Humiga ako sa kama. Nung una talaga kaming nagkita akala ko si Dj siya, akala ko siya yunng taong limang taon ko ng hinihintay. Pero parang nagkakamali ata ako. Parang nagkakamali dahil siguro masyado ko nang miss si Dj kaya tuloy napagkakamalan ko si Brent. Si Brent,  kumpara sa ugali ni Dj, ibang iba sila. Parang walang puso ang lalaking ito. Napakasakit magsalita.

Ilang saglit lang ay dumating na ang i-norder kong pagkain. Dati hindi mo ako mapapakain ng lecheflan, pero dahil yon ang gusto ni Dj, pati paggawa ay pinagaralan ko.

Tumunog ang doorbell. Binuksan ko ang pinto.

Bellboy: Hi Ma’am ito na po yung order ninyo. Ipasok ko na ho ba??

Tumango ako.

Binuksan niya ang lalagyan. Ipinatong ang order ko sa maliit na mesa. Napansin kong dalawa ang plato ng lecheflan.

Kath: Kuya, isa lang ho ang order ko.

Ngumiti ng bellboy at sinabing “ay sa kabilang kwarto po ito” pagkasabi no’y lumabas na siya.

Kabilang kwarto??? 200 o 202???? Si Brent gusto rin ng lecheflan?? O yung tao sa room 200 naman.  Kathryn Chandria tigil tigilan mo na nga muna ang pag-a-assume!!! Napapahamak ka eh.

 

Tumunog ang cellphone ko. May tumatawag. Si Robie.

After ng insidente hindi pa rin kami ulit nagkikita ni Robie. Pero patuloy kaming nagtetext o nagtatawagan.

Robie: Hello Kath??

 

Kath: Hi, napatawag ka???

Robie: Ah..itatanonong ko lang kung kelan ang balik mo sa Manila?

 

Kath: sa isang linggo pa, yaan mo ililibre kita paguwi ko. Bayad ko narin sa pagtulong mo sakin.

 

Tumawa siya.

Robie: Sige asahan ko yan huh.

 

Kath: Sige. Bye

Robie: Ah Kath????

 

Kath: Oh???

MY HEART SAYS "IT'S YOU" BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon