Itong chapter na ito ay para sa iyo - - - - JEANSWAGGER!! Ikaw bruha ka.....ibalik mo na ang manuscript ko ng book2!!!
Chapter 53
ROBIE’S POV
Inisketch ko ang daan papuntang burol. Iniwan ko rin doon ang scrapbook at ang kwintas. Balak kong ibigay ang sketch kay Brent. Kung siya man si DJ...malamang maalala niya ang lahat doon. Naroon na ang lahat ng katibayan. Nasa akin na lang kung kelan ko ibibigay ang bagay na ito.
Buntis si Kath. Kailangan niya ng isang taong magaalaga sa kanya. At masama sa kanya ang naiistress. Kathryn, masyado kitang mahal para kalimutan ko ang sarili ko. Ganito naman talaga ang buhay. UNFAIR. Kung sa pelikula , pang supporting actor lang ako. hindi maaaring mapasaakin ang bidang babae.
Itinupi ko ang papel at inilagay sa isang mailing evelope. Sa tamang panahon. Sa tamang panahon.
Kath’s POV
Ngayon ang araw ng Alumni. Nakakainis nga kasi wala sila Julia. Baka next week pa daw ang uwi, may bagyo kasi sa Hawaii. Cancelled ang lahat ng flights.
Pababa na ako, nakita ko si Robie sa may sala. Dahil hindi ako pwedeng umalis magisa, lagi na namang syang andyan para samahan ako. nakakainis...napaka martyr mo.
Thelma: Kathryn hindi na ba masama ang pakiramdam mo?
Kathryn: Opo...
Robie: Talaga lang huh...
Kathryn: tumigil ka nga jan Mr. Robie Domingo. Tara na. Naghihintay na sila Yen. Nagmake face ako at nagpauna na sa kotse
Nagtatawanan sila ni Auntie Thelma sa likuran ko. Mula kasi nung nagsungit ako kahapon ay hindi na nila ako tinantanan sa pangaasar. Ewan ko ba, basta bigla talaga akong inis na inis kay Brent.
Thelma: Sungit...
BINABASA MO ANG
MY HEART SAYS "IT'S YOU" BOOK 2
FanfictionMy mind might forget you, but my heart says....it is you.....it's always you - DJ on Kath When he died......I even lost my life...and my heart.....siya lang ang lalaking gusto kong makasama...habambuhay. So how I can move on???? How can I live my...