Zach's POV
"wifey lagyan mo na yan ng asin" utos ko sa kanya..
"ok" sabi niya ako naman ay naghihiwa ng mga gulay..
Naghahanda na kasi kami ngayon para sa hapunan namin
Bigla naman may nagdoorbell ulit"ako na baka si Anna nanaman" sabi ko sa kanya at pumunta na sa pinto..
Pagkabukas ko ay agad bumungad sakin si sir.Frank
"asan ang anak ko?"tanong niya at agad pumasok sa bahay at hinanap si Zai
"Ehey.. Sir. Tahi bakit ka andito?" tanong ni Zai
"sinusundo ka.. Sino may sabi sayo na makipagtanan ka? Or Live-in.. Ang bata bata mo pa!" sermon ni Sir.Frank na akala mo tatay siya ni Zai
"Wala naman kaming ginagawang masama ahh" reklamo ko bigla niya na lang akong tinitigan ng masama na akala mo papatayin ako
"Dad.. Wala ka bang tiwala sakin?" tanong ni Zai
"Meron kay Zach wala..." sabi ni Sir sabay tingin ulit sakin
Lumabas saglit si Sir.Frank at nagulat kaming dalawa nang may dala siyang maleta
"Ano balak mo?" tanong ko
"Dito ako titira hanggang sa ikasal kayo" sabi ni Sir. Frank
At umakyat na sa taas"Wow... Tatay mo nga talaga yun" sabi ko sa kanya
"teka saan siya matutulog?" tanong ni Zai
At parehas kami nagkatinginan..
Napangiti ako ng wagas nagtaka naman siya"Edi dito sa baba.. Tayo sa kwarto.. Magkasama" sabi ko at niyakap siya sa bewang niya.. Narinig ko naman ang mabilis na pagtakbo ni sir.Frank papunta samin at dumaan sa gitna namin para mapaghiwalay kami..
"what the.. Sir.Frank naman ehhh!" reklamo ko..
"Asan ang pagkain?" tanong niya sabay ngiti ng nakakaloko
"Wait.. Nagluluto pa ako ehhh" sabi ni Zai at nagpunta na nang kusina.. Si Sir.Frank naman lumapit sakin at hinawakan ako sa braso..
"Tabi tayo mamaya haaa" sabi niya na parang babaeng naglalambing
Agad naman akong lumayo sa kanya
Pumunta na siya sa kusina pero bago pa man siya makapunta sa kusina ay kinindatan ako
"The fuck" mura ko dahil kinilabutan ako sa pinaggagagawa ni Sir.
Pumunta na rin ako sa kusina para tulungan si Zai..
"Hi Zach" sabi ni Sir.Frank na parang bakla kaya napabalik ako sa sala.. Nakakatakot siyaaaa
Crush niya ba ako?!
Waaa... Baka molestyahin ako nito!--
Zai's POV
nagpaalam ako saglit na lalabas lang ako pero ang katotohanan makikipag kita ako kay Serge
nandito lang ako sa may tulay at tinatanaw yung agos ng ilog
"Sigurado ka na ba? siya na?" tanong ni Serge sabay sindi ng sigarilyo
"Oo, ilalaban ko to" sabi ko habang pinagmamasdan yung ilog
"yeah, go for it, you deserve to be happy" sabi ni Serge at isinandal niya yung ulo niya sa balikat ko "Whatever happens, nandito lang kami sa tabi mo, ikaw parin leader namin" sabi niya at niyakap ako
"Thank you, kayo rin you deserve happiness" sabi ko sabay halik sa noo niya
"Yeah, nakahanap na naman sila ng kanya kanyang labidabs nila, basta ako self love muna ako" mahinang tawa nito
"Hindi kayo galit? na pinaglaban ko to?" sabi ko sa kanya
"Gaga ka ba? we all deserve to be happy at alam naman natin na hindi tayo magtatagal as menace queens remember?, our friendship will last but not the problem na dala ng menace" sabi nito "We need to hide our identity too, tutulungan daw kami ng jowa ni Anri, so you don't have to worry about us" sabi niya at nginitian ako "gusto mo rin ba?" tanong nito
"Nah, hindi na, I want remain that name no matter what, bigay yun ng tatay ko at huling alaala niya sakin" sabi ko at kumawala na sa pagkakayakap sa kanya
"Ok, igagalang ko ang desisyon mo kamahalan" tawa nito "susundan ka parin naman namin kahit san ka magpunta nakatali na kami sayo at di mo maiiwasan yun" sabi nito na may pag taas taas pa ng kilay
"nasasabi mo lang yan kasi ikaw lang single sa tropa" pang aasar ko na ikinataas niya ng kilay
"Hoyy! namersonal ka ahh!" sabi nito at sinimulan na akong kilitiin sa tagiliran
"But seriously, life would be different if wala ka sa tabi namin kaya, please Zai, take care of yourself, we need you, I need you" sabi nito at niyakap ako
Si Serge ang halos kasabay kong lumaki, simula pa lang nung nakita ko siyang nakikipagsapakan sa park at the age of 8? alam kong siya na ang soul mate ko, hanggang sa nalaman ko na siya at ang kiya niya lang ang naghihirap mabuhay ay hindi ko na akayang lumayo sa kanya dahil alam kong kailangan namin ang isat isa, hanggang dumating sila Angie..
Serge is my bestfriend and soulmate and I can't afford to lose her..
"Serge" sabi ko at tinignan siya sa mata niya
"Yes leader?" tanong nito
"Please be happy, that's an order" sabi ko at nginitian siya
"Yes leader I will, while protecting you all" sabi niya at ngumiti
"No, be happy without minding us, all this time you always give everything to us, isusubo mo na lang bibigay mo pa samin, you are always the selfless one, be selfish naman this time, I know your brother will be happy to see that from above" sabi ko at pinat ang ulo nito
"I will try my very best leader" sabi nito at ngumiti "Should I torture more to be happy?" sabi niya at napahawak sa baba niya
"Gaga ka!! hindi yun ang ibig kong sabihin!!" sermon ko sa kanya sabay tapik sa balikat niya
"Hahaha alam ko! nagbibiro lang! well half joke" sabi nito kaya binatukan ko siya
"I'm happy as long as I am the guardian of the menace" tawa nito at umakbay sakin "I will still protect you leader no matter what" sabi nito
We will still remain as friends, soulmate and sisters
BINABASA MO ANG
Now Your Mess Is Mine
Teen FictionThey say love is easy to achieve.. Pero walang nagsabi na hindi ganoon kadaling panghawakan.