Chapter 2: The Tinginang feeling

9 1 0
                                    

Zach's POV

"leader.. So 30k lang naman laman nun? " tanong ni dos habang naglalakad kami papuntang school

"oo 30k lang laman nun pero yung mga ID ko nandun" sabi ko na sobrang Badtrip na..

ang pinaka kinakaasaran ko doon ay na isahan ako!

"ehey! Leader! Anyareh? " tanong ni soul

"pare hindi parin nakakamove-on sa nangyari kagabi" sabi ni dos at nagpipigil tumawa..

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad sa table ko at padabog na itinaas yung paa ko sa lamesa..

"Zeiki! Asan si Zai? " tanong ni L at nagpantig ang tenga ko.

"ahhhhhh! " nagulat silang lahat ng sumigaw ako.. "pwede ba iba na lang itawag niyo sa... Arggh..Zai na yan kasi naiirita ako " sabi ko pag naalala ko talaga pangalan niya di ko alam kung maiinis ako o matutuwa..

"ok..Asan na si Khione? " tanong ulit ni L at halata namang nagpipigil ng tawa

"ewan..Pero pinadala ko na sa kanya yung project mo..Buti na lang at walang pakelam yun kung late siya kundi nako..Iiyak ka na lang mamaya" sermon ni Zeiki at halatang nagtataka sa mga ikinikilos ni L

"Ate! Eto na yung project ni L" sigaw ng isang babae at binato kay L yung project niya "Ang pagiging tanga ay hindi inaaraw araw ha" sabi nito

"salamat Zai! " sabi ni L at napatingin ako dun sa Zai

Nagkatinginan kami

"ehey... Wrong room bye! " sabi niya at tumakbo na

"hoy! Bumalik ka! " sigaw ko at tumakbo para habulin siya..

Naghabulan kami sa loob ng campus hanggang sa field.. Takbo lang siya ng takbo at ako habol ng habol.. At sa nacorner ko siya sa rooftop

"wala ka nang matatakbuhan Zai" sabi ko habang papalapit sa kanya

"laban na lang ohh! " sabi niya at akmang lalaban siya at umaktong akala mo makikipag boxing..

Mukha siyang batang tignan kaya ang cute niya tuloy..

Pero sa totoo lang hindi talaga ako nalaban sa babae.. Hindi naman ako bakla..

Pagttripan ko lang siya..

Hindi ko na siya binigyan ng chance lumaban at hinawakan ko siya sa braso niya at dinala sa edge ng rooftop..

"one bad move. You're dead " sabi ko napatingin naman siya sa baba ng rooftop at napayakap sa kamay ko...

"ehey! Takot ako sa heights!! Waaa.. Ibabalik ko na yung pera.. Pramis" sabi niya at akala mo bata na nakakapit sa kamay ko

"money? Hindi lang naman yung money ko ang pinaguusapan dito.. Ang sakin lang ay nagawa mong lokohin ang isang Zach Grey Lockser! " sabi ko mas mahalaga ang pride ko..

"ehh ano naman ngayon?! Kung ikaw yang zach whatever eklabu na yan?! " sagot niya at tinaasan ako ng kilay, aba matapang to ahh..

"abat " sabi ko at lalo siyang pinahiga sa edge ng rooftop..

"ehh kasi naman tatanga tanga ka ehh.. kasalanan ko ba kung nagpadala ka sa budol?! " sigaw niya pa at tinakpan yung bibig niya..

"walang matinong nalabas diyan sa bibig mo noh? " sabi ko at hinatak siya paupo sa edge ng rooftop.. Magkapantay na ngayon yung ulo namin dahil nakaupo siya sa edge ng rooftop...

Now Your Mess Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon