Zach's POV
Nagising ako na nakayakap sa isang anghel.. Ang anghel na matagal ko nang hinahanap.. Bakla man pakingan pero yun ang nararamdaman ko..
Kung hindi ko pa malalaman na siya ang leader ng menace queens, hindi ko malalaman na siya ang babaeng matagal ko nang hinahanap.. Ang babaeng nag ligtas sakin sa mga panahon na nadaya ako.. Nadaya ako nun kaya natalo ako!! Basta nadaya ako nun tapos..
"wag mo kong titigan ng ganyan.. Kinikilig ako" sabi ni Zai at dumilat na kanina pa ba siya gising?!!
"goodmorning" sabi ko sa kanya sabay hawi ng buhok niya na nakaharang sa maganda niyang mukha, nakakabakla talaga ang kagandahan niya kahit maga pa ang kanyang mukha maganda parin!
"goodmorning din" sabi niya at ngumiti sakin
"bakit parang ang putla mo? " tanong ko at agad tumayo.
Hinawakan ko yung leeg at noo niya
"shit! Nilalagnat ka Zai! " sabi ko at tarantang tumakbo palabas.. Sakto naman nakita ko sila Dos kaya inalog alog ko sila para magising...
"dos! Dos!!! Gising!!! " napabangon naman silang lahat..
"bakit bakit may sunog???!!! " tarantang tanong ni Jecko
"lumindol ba? " tanong ni Dos.. sabay tumayo na animo nagbabalanse
"hindii.. Pare si Zai nilalagnat" sabi ko.. Nakita ko naman silang sabay sabay na tumingin sakin ng masama...
"ano?! Anong gagawin ko??? " tanong ko.. hindi ako sanay nang ganito!
"leader.. Napuruhan ba yang ulo mo at ganyan ka umasta?? " tanong ni soul sabay kamot sa pwetan nito at humiga ulit
"e. Ewan.. Basta si Zai nilalagnat... Anong gagawin koooo??? " sabi ko at inalog alog si Soul
inilapat niya naman yung kamay niyang pinangkamot sa pwet niya kaya naihagis ko siya ng malakas
"leader wag ako ang aga pa" sabi nito at natulog ulit apaka gamol talaga ng taong to!
"painumin mo ng gamot" sabi ni Zeiki "saglit lang naman lagnatin yun.. Malakas resistensya nun.. Nilalagnat lang naman yun pag nabasa ng ulan at naligo ng MADALING ARAW" inemphasized niya pa yung madaling araw...
Agad naman akong tumakbo sa kusina, pero bumalik din agad sa kanila..
"Dos asan yung gamot niyo? " tanong ko..
Sinamahan naman ako ni Eos para kunin yung gamot..
Nagdala na rin siya ng bimpo at planggana na may maligamgam na tubig..
"alam mo ang OA mo talaga" sabi ni Zai habang nakaupo sa couch at nanonood ng T. V
"ano ba! Hindi ka pa magaling ohh.. Nilalagnat ka paaa! " sabi ko at tumakbo papunta sa kanya at binuhat siya pabalik sa kama..
"kulit magaling na ko" sabi niya sakin..
"uminom ka muna nang gamot." sabi ko at pinainom siya ng gamot..
Nilagyan ko naman ng bimpo yung noo niya pero umupo siya..
"kulit mo.. Magpahinga ka muna " sabi ko at tinulak yung noo niya gamit yung daliri ko..
Sumimangot naman siya..
At tinitigan ako
"wag mo kong titigan.. Rarapin kita" sabi ko sa kanya..
"cge subukan mo.. Hindi kita papansinin habang buhay" sabi niya naman..
What?!! Habang buhay?
BINABASA MO ANG
Now Your Mess Is Mine
Fiksi RemajaThey say love is easy to achieve.. Pero walang nagsabi na hindi ganoon kadaling panghawakan.
